c h a p t e r f o u r t e e n

46 20 0
                                    

Amor's POV

Ano kaya ang ipapamiryenda ko sa kaniya? Uhm, ito na lang kaya. Kailangan pa perong iluto kaya matatagalan pa. Ah, alam ko na buti na lang talaga nakabili ako ng spanish bread kanina sa bakery malapit dito.

Nagtimpla ako ng juice at kumuha ng platito at baso para paglagyan ng juice at tinapay.

Pagkalabas ko ng kusina ay nagulat ako nung hawak na pala ni Jerome 'yung picture frame namin nila mama at papa.

Wala pa noon ang kapatid kong si Quency dahil 7 years old pa lang ako. "Jerome, miryenda ka muna," pag-aya ko rito na agad din namang pumunta sa kinaroroonan ko habang hawak pa rin ang picture frame.

Inabot ko sa kaniya ang spanish bread at isang baso ng juice. Kumagat ito sa tinapay niya at humigop ng juice bago ito muling nagsalita.

"Amor, puwede bang magtanong?" tanong nito.

"Sure, ano ba 'yun?" sagot ko.

"May kilala ka bang batang babae na nakipaglaro sa isang batang lalaki ng kasal-kasalan nung bata ka pa kahit na napilitan lang sila? Kasi 'yun lang ang alam kong information tungkol sa kaniya. Kahit isang beses ko lang siya nakalaro ay tinuring ko siyang kaibigan. Nakakamiss pa man din ang kakulitan niya," interesadong sabi niya.

Wait! Parang familiar ang tinutukoy ni Jerome. "'Yung batang babaeng may kasamang isa pang batang babae na naglalaro ng nanay tatay bago pa man sumali ang tinutukoy mong batang lalaki?" sambit ko rito.

"Oo," tipid na sagot niya.

"Ako 'yun. Teka paano mo nalaman ang mga 'yun. I-ibig sabihin ikaw 'yung batang lalaki na tinutukoy mo?" tanong ko saka ako napalunok.

"Mismo," pahayag niya sabay ngiti nito nang malapad.
"Ikaw pala 'yun. Ang weird mo nung bata ka, sobra. Akalain mo 'yun sa dinami-dami ng laro 'yun pa ang ang naisip mo," natatawang saad ko.

"At sa dinami-dami rin ng babae akalain mo 'yun ikaw lang pala 'yung babaeng matagal ko nang hinahanap. Pero maiba ako, ang dahilan kasi nun kung bakit ko naisipang maglaro ng kasal-kasalan ay ang aking kasuotan. Actually ayaw ko ring laruin 'yun pero naisip ko na para naman hindi masayang 'yung damit ko mas pinili ko na lang ang kasal-kasalan. Nakakamangha nga kayo eh dahil ang effort niyo para lang sa larong 'yun," pagpapaliwanag nito.

"Naaalala mo pa ba 'yung mga pangako mo sa akin noon?" tanong ko at humigop ulit ako ng juice.

"'Yung sinabi ko tungkol sa totoong pagpapakasal sa'yo kapag tumanda na tayo? Siyempre, naman," wika niya saka kami sabay na tumawa nang napakalakas.

"Gusto ko na ngang totohanin 'yun eh,"  seryosong saad nito.

Biglang naging awkward ang mga sumunod na segundo. Kailangan kong mag-isip ng magandang topic o paraan para maalis na 'tong awkwardness namin.

Shems! Mag-iisang minuto na kaming ganito. Nakatingin ako sa kisame ng aming bahay habang si Jerome naman ay pansin kong nakatitig sa akin.

Tumawa na naman ako nang sobrang lakas pero alam niyo 'yung halatang peke. "Jerome, huwag ka namang magbiro ng ganiyan," kinakabahang sabi ko. Tapos isinubo ko ang huling tinapay na nasa platito.

Nginuya ko ito kahit halatang nahihirapan ako at dahil hindi ko na kaya ay humigop ako ng juice na paubos na.

"I'm not joking," walang emosiyon na saad nito.
Wrong move ako roon. Hala! Paano na 'to? Mas lalo tuloy akong kinabahan. Okay, kalma lang Amor. Dapat hindi ka niya mapansing kinakabahan. Naramdaman ko ang pagpatak ng pawis ko sa bandang gilid ng noo ko. Ngayon ramdam ko na rin ang init sa buong katawan ko. And an idea came to my mind.

Between ThemWhere stories live. Discover now