c h a p t e r t w e n t y - f i v e

29 20 0
                                    

Third Person's POV

Kailangan nilang lahat mag-double time dahil bukas na ang kanilang anniversary na pinakahinihintay ng lahat. Naunang dumating si Brian dahil na rin sa maaga siyang nagising. Halata sa kilos ni Brian na medyo nahihilo at inaantok pa siya pero nilalabanan niya lang ito para matapos na ang kaniyang mga gagawin at nang makauwi ng maaga.

Kasalukuyan siyang nagpi-print ng ilang mga documents at nagso-sort ng mga folders. Samantalang halos kasabayan lang dumating ni Jerome si Brian. May inaayos ngayon si Brian dahil may magaganap na meeting mamaya kasama si Amor.

Gahol ang lahat sa oras at gulo-gulo na rin ang ilang mga desk dahil palipat-lipat ang mga employees. 9:34 AM naman nakarating ang kanilang CEO na si Sir Frank at halatang may ilang mga iaanunsiyo regarding sa kanilang kailangan gawin ngayon at para sa anniversary na magaganap bukas.

Ting!

At bumukas ang elevator sa floor kung saan ang lahat ay busy. Lumabas ang kanilang CEO sa elavator at naglakad papunta sa kaniyang office. May mga ilan pa ring hindi nakakalimot bumati kahit na marami silang ginagawa.

"Good morning po, Sir," bati nung isa.

"Magandang umaga, Sir," bungad naman nung isa.

At halos lahat ng mga nadadaanan niya ay binabati siya. Nang makapasok ito sa kaniyang opisina ay nilapag lang nito ang kaniyang mga gamit sa table at saka na lumabas. Inayos muna nito ang kaniyang tuxedo bago ipihit ang hawakan ng kaniyang pinto.
Pagkabukas niya ng pinto ay hindi na ito nag-atubiling batiin silang lahat at pahintuin muna sa kani-kanilang ginagawa.

"Good morning everyone," bati nito sa lahat.
"I have to announce some reminders today."

Napalingon silang lahat kay Sir Frank at napahinto sa kanilang mga ginagawa. "Kailangan niyong matapos lahat ng mga kailangan niyong gawin today before 2 pm dahil we'll decorate sa venue ng ating anniversary bukas."

Tumango-tango naman ang ilan samantalang ang iba'y napangiwi dahil na rin siguro ay marami-rami pa silang tatapusin.

"Okay. See you at 2 PM. Jerome and Amor we'll have a meeting," pagtawag nito.

Bumalik na ito sa kaniyang office. Patakbo namang sinundan ni Jerome si Sir Frank sa kaniyang office.
Kumatok si Jerome ng dalawang beses. "Pasok," saad nito.

Ipinihit na nito ang hawakan ng pinto at hindi pa man ito nakakahakbang ay nagsasalita na ito. "Sir, anong oras po pala 'yung meeting?"

Sabay pasok nito sa loob. "11 am kasama si Amor," tugon naman nito.

"Okay po, Sir," sambit ni Jerome saka na ito tumalikod palabas ng office.

Bumalik naman na si Jerome sa kaniyang desk para ipagpatuloy ang ginagawa at makapaghanda na sa meeting na magaganap.

Si Brian naman ay tapos na sa kaniyang ginagawa puwera lang sa mga bagay na pinapagawa sa kaniya kasama si Isabel na hanggang ngayong ay wala pa rin. Ang alam ni Brian ay hindi makakarating si Isabel dahil nga ipinagpaalam na niya ito sa kanina.

"Omg! Late na talaga ako. Kuya pahinto na po sa tabi," nagmamadaling sabi ni Isabel sabay abot nito ng bayad at agad na lumabas ng taxi.

Halos patakbo na itong pumasok sa elavator at konti na lang ay matatapilok na ito dahil sa kaniyang 4 inches na takong.

Ting!

Bumukas ang pinto ng elevator at agad na dumiretso sa desk ni Brian para umpisahan na ang kanilang mga gagawin. Nagulat naman si Brian dahil hindi nito aakalaing makakapasok ito sa trabaho. Medyo gulo-gulo ang buhok ni Isabel at hinihingal dahil sa kaniyang ginawa.

"Sorry for being late," paghingi nito ng tawad kay Brian na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"It's okay. Umpisahan na natin," pag-aya nito kay Isabel.

"Sige," pagpayag nito.

"Shems! Super late na talaga ako dahil sa heavy traffic," pagrereklamo ni Amor.

At mas lalo pa siyang nainis nung nareceive niya ang text sa kaniya ni Jeroome na magkakaroon daw sila ng meeting ngayong 11 AM. Bawal siyang ma-late dahil nasa kaniya ang ibang mga reports na pag-uusapan ngayon.

Biglaan ang naging desisiyon ni Sir Frank sa magiging meeting nila dahil ang napag-usapan ay next week pa. 10:57 AM na kaya ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na sila.

Pagkapasok ng elevator ni Amor ay tinanggal na nito ang kaniyang heels para mas madali makalakad dahil nasa dulo pa ang office na paggaganapan ng meeting. Tumakbo na ito pagkabukas ng elevator.

10:59 AM na. A minute bago mag-start. Nakarating na siya sa tapat ng pinto pero isinuot muna nito ang heels at inayos ang corporate dress bago pumasok sa office. Pagkapasok nito ay boom walang tao. Puro upuan lang ang meron. Tinignan niyang muli ang text ni Jerome para malaman kung anong floor at room.

"Takte! Sa next floor pa pala," inis na saad nito.

Buti na lang talaga ay walang mga tao roon sa napuntahan niya kung hindi ay siguradong mapapahiya ito.

Pagbukas niya ng pinto ay nawala lahat ng kaba niya dahil sila pa lang ni Sir Frank at Jerome ang nasa loob ng office.

"Buti naman at wala pa sila," bunga ng kanilang sir.
"Sorry po, Sir," pahayag ni Amor habang nakayuko ito.

"It's okay," tipid na sagot ni Sir Frank.
Halos isang oras lang ang naging meeting nila kaya naman diretso lunch na si Amor. Hindi man lang sila nagpansinan ni Jerome dahil na rin sa nangyari kanina.

Samantala ay medyo awkward naman sina Brian at Isabel habang nagtatrabaho. Magtatanghaling tapat na nung sila'y naglunch ng sabay pero hindi nagpapansinan.

Bumalik na silang apat sa kumpanya para matapos na nila ang mga ginagawa. Before mag-alas dos ng hapon ay natapos na rin ang lahat. Tinawag na sila ng organizer ng event para tumulong sa pagde-decorate ng buong venue.

Magaganap ang kanilang anniversary sa second floor ng kanilang kumpanya. Sa second floor naman talaga ginaganap lahat ng big event ng kanilang kumpanya. Malawak ang buong floor na puwedeng maka-occupy na at least 100 people.

Naunang inilagay ang sampung malalaking table para maiayos na ang positioning. Dumating na rin ang mga iba't ibang mga decorations na ikakabit sa bawat sulok ng floor.

Wala pang isang oras ang nakalilipas ay halatang konti na lang ang mga empleyado na natirang tumutulong mag-decorate.

Nagpaalam na rin si Brian sa kanila para makapagpahinga na. Ilang minuto lang ang nakalipas ay isa-isa na rin silang umalis at ang tanging naiwan na lang ay ang organizer ng event at mga kasamahan nito. Hindi na rin nagpakita ang kanilang boss dahil naging busy na rin ito sa iba pang gagawin nito para bukas.

Dumiretso naman si Isabel sa isang department store para maghanap ng maisusuot bukas. Unang beses niya rin kasing makakasama sa anniversary ng kumpanya nila kaya gusto niyang maging memorable ito.

Naglibot lang siya sa bawat sulok ng department store at nakapili ng ilang mga dress pero isa lang ang balak nitong bilihin. Isinukat nito ang bawat isa para malaman kung ano ang pinakabagay sa kaniya.

Matapos ang ilang minitong pagsusukat ay sa wakas nakapili na rin siya. Binayaran niya na ito at agad umuwi para matulog muli. Samantalang namili naman si Amor ng make-up para gamitin bukas.

Everything was all set. So the question is, are they ready for the big event?

Between ThemWhere stories live. Discover now