c h a p t e r t w e n t y - e i g h t

29 20 0
                                    

Isabel's POV

Ilang days na ang nakaraan simula nung gabing pinayagan ko si Brian na manligaw sa akin pero wala naman siyang ginagawa na move. Siguro ay may plano siyang iba. Busy din kasi kami sa mga kaniya-kaniya naming trabaho.

Bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga at kinuha amg cellphone mula sa table na katabi ng aking kama. 6:37 AM. Sakto lang ang aking paggising.

Dumiretso ako sa kusina at sa 'di kalayuan bago ako makarating ng kusina ay narinig at naamoy ko agad ang niluluto ni mama.

"Mmm, ang bango at mukhang masarap 'yang niluluto niyo," sambit ko at bahagya akong napasilip sa kawali.

Fried Chicken pala ito. "Buti naman at gising ka na," panimula nito habang binabaliktad ang piniprito niya.
"Bakit naman, Ma? Ano bang meron? Madalas na naman akong gumising ng ganitong oras," pagtataka ko at saka kumuha ng balat sa mga naunang napritong manok ni mama.

Isinubo ko ito. "Aray," daing ko.

Bigla ko tuloy nailluwa ng dila ko 'yung balat ng manok dahil sa paso. "Iyan kasi masiyadong nagmamadali kainin eh. Dapat hinipan mo muna bago kainin. Parang sa love kapag minamadali mas nagiging hindi maganda ang kinakalabasan kaya maraming naiiwan at nasasktan," banat ni mama kahit ang aga-aga pa.

Ganiyan kasi talaga sila ni papa ang hilig bumanat. Siguro ay paraan nila 'yun para mapalaki ako ng maayos. Minsan talaga kailangan nating mamulat sa katotohanan nang sa gano'n ay hindi tayo mabigla kung tayo na mismo ang nakararanas nito.

"Tungkol pala sa tinatanong mo kanina. Maaga kasi akong aalis ngayon dahil kailangan ng kasama ni papa mo," tugon nito saka niya pinatay ang kalan at nilagay ang manok sa pinggan kasama nung mga naunang naluto.

"Bakit wala ba siyang kasama ngayon?" curious na tanong ko.

Kumuha na ako ng plato at kutsara. Naglalagay ito ngayon ng kanin sa isang malaking bowl. "Meron pero male-late raw kasi may importanteng inaasikaso sa bahay nila," sagot ni mama at ipinatong na ang bowl sa lamesa.

"Okay," saad ko.

Umupo na kami ni mama at sabay nang kumain. Naisip ko na ito na ang tamang pagkakataon para sabihing may manliligaw na ako. Gusto ko kasi alam din ng mga magulang ko ang nangyayari sa akin para naman hindi sila mabigla kapag may bago na akong boyfriend.

Naglagay ako ng kanin sa aking plato at kumuha ng manok na may kasamang ketchup. "Ma, may gusto sana akong ipaalam sa inyo at kayo na rin ang magsabi kay papa," pahayag ko bago mag-umpisang kumain.

"Ano 'yun?" takang tanong naman nito pagkatapos niyang lunukin ang kinakain.

"Pumayag na kasi akong magpaligaw ulit," pagbibigay alam ko rito habang sinasawsaw ang kapiraso ng fried chicken.

"Si Brian? 'Yung naghatid sa'yo? Ang tanong handa ka bang masaktan ulit?" sunod-sunod na tanong nito.
"Opo," tipid kong sagot.

"Oo? Alin sa sinabi ko 'yung unang, panagalawa, o pangatlo?" tanong ulit nito habang patuloy sa pagkain.
"'Yung tatlong 'yun," tapat na sabi ko bago uminom ng tubig.

"Teka! Bakit masaktan ang sinabi niyo imbes na magmahal?" dugtong ko sa sinabi ko.

"Kasi kung ang isang tao ay magmamahal dapat handa itong masaktan," sagot ni mama.

Tumango naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya bago ka magmahal dapat tanggap mo rin na puwede kang masaktan. "Pumapayag kayo?" nakangiting pagtatanong ko at saka sumubo ng kanin.
"Paki-alam ko sa buhay. Buhay mo 'yan kaya ikaw dapat ang magdesisiyon. Matanda ka na para sa mga bagay na 'yan at may karanasan na rin," sambit nito.
"Okay."

Between ThemWhere stories live. Discover now