c h a p t e r t h i r t y - s e v e n

5 5 0
                                    

Third Person's POV

Naisipan lang ni Brian na dito pumasiyal dahil alam niyang magugustuhan ito ni Isabel. Nagpatulong pa si Brian sa may ari ng flower shop na pinagbibilhan niya ng bouquet para malaman kung saan puwedeng makakita ng iba't ibang flowers sa iisang lugar. At isa nga ito sa pinakamalapit.

Iba't ibang kulay, iba't ibang ganda. Nilibot lang nila ang buong garden at inalam ang ibang mga meaning nito. Tama nga ang in-assume ni Brian na magugustuhan ito ni Isabel. Isa ito sa pinaka-memorable na date ni Isabel sa lahat ng mga lalaking naka-date niya.

Brian is a mysterious guy kaya naman hindi ka na magtataka kung marami itong pakulong gagawin. May sarili itong way para mapakilig ang mga babae. Makabuluhan din ang mga sinasabi nito kapag nakikipag-usap. Hindi ka mabo-boring kapag ganitong tao ang kasama mo.

Mahigit isang oras ang lumipas matapos nilang malibot ang buong garden. Bumalik na sila sa kotse upang pumunta sa isang not-so-popular na cafe dahil para lang talaga ito sa mayayamang tao. Naikuwento ito ni Brian kay Isabel habang sila'y naglilibot.

Mapapanganga ka talaga sa cafe na ito dahil ang pinakamura rito ay nagkakahalaga lang naman ng 750 pesos. Wow! Kung praktikal kang tao hindi mo talaga gugustuhin na magkape rito. Marami ka na kasing mabibili sa ganiyang halaga.

Kasalukuyan silang nasa biyahe patungo sa cafe na sinasabi ni Brian. Actually twice pa lang siyang nakakapunta rito. Unang beses nung nilibre ito ng kuya niya together with the family and nung second time naman ay 'yung second anniversary nila ni Hailey.

He wants to prove that she is more important to the money that he will spend for her. "Brian puwede bang huwag na lang diyan sa sinasabi mo?" suhestiyon ni Isabel na may halong hesitation sa mukha nito.

"Isabel, it's okay kasi matagal ko naman nang plano ito at pera na naipon ko naman ang gagamitin," kumbinsi ni Brian.

Kahit na lumaki sa mayamang pamilya si Brian marunong pa rin ito mag-balance ng mga bagay-bagay. Hindi siya maluho kagaya ng ibang mayaman. Hindi rin ito sinanay ng kaniyang magulang na lahat ng gusto nakukuha niya, in short hindi siya spoiled brat.

Nasanay itong pinaghihirapan ang mga bagay-bagay bago niya makuha. Mukha namang nakumbinsi si Isabel kaya namang nawala na ang hesitation sa kaniyang mukha. 

"Can we just continue asking each other?" request ni Isabel na medyo nabibingi na sa katahimikan.

"Okay. You first this time," tugon ni Brian na kanina pa naghihintay na magsalita si Isabel.

"Is it easier to forgive or forget?" simpleng tanong nito.

"People will mostly choose it's easier to forgive and it's also my answer. Mapapatawad mo 'yung ginawa nung isang tao pero 'yung mismong pangyayari kung paano ka niya sinaktan mahirap ibaon sa limot. Kasi kahit anong paglimot natin sa nagawa niya kapag nakita o may bagay na naalala ka na may koneksiyon sa kaniya 'yung ginawa niya kahit napatawad mo na babalik pa rin. Nandoon pa rin kasi 'yung doubt na paano kung ulitin niya?" pagpapaliwanag ni Brian.

"True. Mas madali talagang magpatawad kaysa ang makalimot. Dahil nga kahit anong gawin nung taong 'yun hinding-hindi mawawala sa isip mo na nagawa niya 'yun. Kumbaga kasama na 'yun sa memories mo," sagot naman nito sa sariling tanong.

"Ako naman ang magtatanong. Do you give second chances easily?" seryoso tanong ni Brian.

"Yes, Medyo marupok akong tao eh. Kagaya nung sinabi ko kanina madali akong maloko. Kaya kapag ako binigyan kita ng second chance huwag mong sayangin 'yun dahil last na 'yun. I rarely give third chance. Sabi nga nila once is enough, twice is too much, and thrice is abusive. Life is too short, but if you do it right once is enough. Huwag lang sana nilang abusuhin. Matuto silang pahalagahan ang bawat pagkakataon na binibigay sa kanila. Katulad ng sa paghahanap ng trabaho ngayon kapag sinayang mo wala nang pero pero o second chances," pahayag ni Isabel na halatang totoo sa kaniyang mga sagot.

Between ThemWhere stories live. Discover now