c h a p t e r t h i r t y - f o u r

18 14 0
                                    

Third Person's POV

Buong linggo ang patuloy na pagbibigay ni Jerome ng mga teddy bear at chocolates kay Amor. Nung monday parang ayaw tanggapin ni Amor ang mga regalo ni Jerome dahil alam niyang sa bandang huli ire-reject niya rin ito. Pero dahil nga mapilit si Jerome tinanggap na niya lang ang mg ito.

Sa iisang lalagyan lang nilalagay ni Amor ang mga teddy bears. Balak niya ring ibalik ang mga ito kapag tinigilan na siya nitong ligawan.

To: Amor

Message: 9 AM kita susundin diyan. See you!

Sent

1 new message

From: Amor

Message: Okay. See you rin.

Kagabi pa kinakabahan si Jerome sa mga mangyayari dahil feeling niya it is his first na makikipagdate siya. Matagal-tagal naman na kasi ang huli nitong date, it was years ago. Wala rin kasi itong naka-date simula nung siya'y iniwan.

3 hours before sila mag-date. Jerome prepared a lot. Hanggang ngayon ay hindi mapakali si Jerome sa kanilang date ni Amor. Maaga itong nagising dahil sa sobrang excitement. Iba talaga kapag in love.

Gumawa si Jerome ng to do list sa phone niya para magawa lahat ng plano niya. Pati ang mga questions para mas makilala ang isa't isa ay handa na rin. Ilang beses din itong nag-practice kung paano niya ito babatiin at haharapin kung nasa harap na niya ito.

Para itong bumalik sa lahat ng mga ginawa niya nung sa ex niyang si Deborah. But today is different, nung kay Deborah meron nang sila pero ngayong si Amor ay wala pang sila.

Matapos nitong mag-imagine ng mga mangyayari mamaya ay bumangon na iti sa pagkakahiga. Dumiretso itong kusina para kumain. Matapos itong kumain ay saka naman ito naligo. Halos isang oras itong naligo.

Paglabas nito ng banyo ay kinuha agad nito ang kaniyang cellphone at tinext si Amor.

To: Amor

Message: Paalis na ako.

Sent

At dumiretso na itong kuwarto niya para magbihis. Naramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya.

1 new message

From: Amor

Message: Sige, maliligo na ako.

Tugon naman ni Amor. Samantalang halos 8 am na nung nagising si Amor. Mali, halos 8 am na nung ginising ito ng kapatid niya. Nahirapan itong makatulog dahil sa kaiisip kung tama ba ang gagawin niyang desisiyon. Napahikab ito habang patuloy lang siyang niyuyugyog ng kaniyang kapatid.

"Ate, gising na," pagtawag sa kaniya ng kapatid niya.
Napatigil ai Quency nung biglang napainat si Amor. "Buti na lang at nagising ka na. Nakalimutan mo na bang ngayon ang date niyo ni Kuya Jerome?" panenermon nito.

Alam ni Quency ang gagawin ng ate niya ngayon dahil nakikinig ito nung nag-uusap silang dalawa last week. "Of course, yes. Kaya umalis ka na rito sa harapan ko at ipagpatuloy mo na 'yung ginagawa mo," pagtataboy na may halong pagtataray nito.

Agad namang umalis ang kapatid nito. Napahikab ulit ito nang i-check nito ang kaniyang phone. May isang message. Nalaman niyang paalis na pala si Jerome kaya naman napatayo ito mula sa kaniyang kinahihigaan at dali-daling kumain at naligo.

First and probably last date nilang dalawa ngayon kaya ayaw niya pa ring ma-late. Siyempre may pride rin ito na ayaw mapahiya sa manliligaw niya. Baka kasi isipin ni Jerome na pinaasa na mga niya ito tapoas pinaghintay niya pa kahit alam niya namang hindi gaoong tipo ng lalaki si Jerome. Baka lang naman.

Between ThemWhere stories live. Discover now