c h a p t e r t w e n t y

48 21 0
                                    

Jerome's POV

Kinabahan ako no'ng nahuli ko si Amor na katitig sa akin pero at the same time kinilig ako. Sana nagustuhan niya 'yung kanta na para talaga sa kaniya.

Nagpaalam ako sa kanila upang pumunta ng cr. Nalaman ko namang gusto sanang kumunta ni Amor pero naunahan ito Brian na kanina pa naghahanap ng makakanta. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung talagang okay na si Amor matapos nitong maglabas ng saloobin kanina.

Pagkatapos ko umihi at habang pabalik na sa second floor ay napa-isip ako sa mga nangyari rin sa akin. Kagaya ni Amor ang hirap tanggapin na ang inaakala kong papakasalan ko at makakasama hanggang sa pagtanda ay iniwan ako.

Paakyat na ako nung narinig ko na ang kinakanta ni Brian ay ang theme song naming dalawa ni Deborah. Agad akong umakyat para patayin ito dahil parang hindi ko kayang marinig ang kantang ito.

Ipinapaalala lang nito ang mga mapapait na karanasan ko sa kaniya. Ang mga pangakong binitawan namin sa isa't isa na nabalewala.

Binalak akong suntukin ni Brian na halatang hindi nagustuhan ang ginawa ko ngunit naharang naman ito ni Isabel. Gulat na gulat sila sa akin lalo na nung hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.

Tumalikod ako para punusan ang aking mga luha at naglakad pabalik sa puwesto ko kanina. Umupo ako, naglagay ng alak sa shot glass at ininom ito. Lumapit silang tatlo at napansin na tila nahimasmasan na si Brian.

"Puwede bang i-open up ko rin ang past heart break ko katulad nung kay Amo," paki-usap ko sa kanila.

"Alam naman natin na lahat tayo rito ay nagkaroon ng heart break. Why not we open up all our heart breaks except me kasi tapos na ako?" suhestiyon ni Amor. Mukha namang payag na sina Brian at Amor.

"Puwede bang mauna muna ako?" tanong ni Isabel.

"Okay, dahil silence means yes kaya uumpisahan ko na. I have a boyfriend named Andrew. Bata pa lang ay pangarap na nito maging isang sikat at magaling na artista. Kaya naman naisipan niyang mag-audition sa kung saan-saan para lang ma-discover. Lagi ko siyang sinasamahan sa lahat ng mga audition niya kahit na madalas ay hindi siya nakukuha. One day na-discover siya ng isa sa mga batikang direktor.

"Extra extra lang no'n ang role niya pero eventually naging supporting actor at later on naging main lead ng iba't ibang pelikula at palabas. Okay naman kami kahit na patago ang relationship pero dahil nga naging isa siya sa mga mainit ang pangalan sa showbiz at nagkaroon siya ng interview about his life. Okay naman ang mga sagot niya dahil totoo. Pero sa lahat ng mga sinabi niyang magaganda meron isang bagay na hindi ko nagustuhan. 'Yun ay ang pagtatanggi niya sa pagkakaroon niya ng girlfriend. Pero kinalaunan ay tinanggap ko rin ito at inintindi dahil nga buhay showbiz. Nagunaw ang mundo ko nung nalaman ko ang unexpected twist ng love story namin.

"Nakipag-break siya gaya ng ginagawa sa mga pelikula na hindi ko aakalaing mararanasan ko rin. Pakiramdam ko sa nangyari sa akin ginamit niya lang ako para makamit ang pangarap niya. Iniwasan niya rin ako na parang hindi kilala. Lumayo ako at nag-move on katulad ng ginawa niyo. At narito ako ngayon back to normal na parang walang nangyari. Patuloy na lumalaban sa buhay at naghihintay sa lalaking mamahalin ako habambuhay. And I, thank you!" naluluhang sabi niya saka nito pinunasan ang mga luhang kanina pa pumapatak. Lahat kami ay mabubusing nakikinig sa bawat kuwento ng isa.

"Ako naman ang susunod," napatingin kami lahat dahil sa biglang pagsasalita ni Brian.

"It was our 5th anniversary when I planned to surprised her pero parang ako yata ang nasorpresa sa mga nakita ko. Binilhan ko pa nga siya ng kuwintas na may nakasulat na 'my love' pero hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong ibigay sa kaniya 'yun. Nag-practice pa nga ako kung paano ko ibibigay 'yung bouquet at regalo bago ako umalis ng bahay.

Between ThemWhere stories live. Discover now