c h a p t e r t h i r t y - t h r e e

17 14 0
                                    

Amor's POV

I'm having a date with my sister today. Buti na lang talaga eh naka-move on na ako sa nangyari nung nakaraang araw. Napansin kong ang drama ko pala that day.

Kung iisipin kasi ang babaw lang para iyakan 'yung maling pag-aasume ko na nanliligaw si Brian. Pero sa kabailang banda masakit pa rin kasi gusto mo 'yung tao.

Sabi nga sa isa sa mga golden rule ng buhay, never expect, never assume. Ito raw kasi 'yung way para hindi tayo masaktan.

Well, totoo naman dahil kung hahayaan lang natin 'yung mga bagay na mangyari na walang pag-aassume at pag-e-expect wala rin mangyayaring disappointment. Isa kasi ito sa magli-lead sa heartbreak.

Minsan nasasaktan tayo kahit ang may kasalanan eh tayo. Hindi naman masamang magpantasiya ang masama eh 'yung mag-assume kahit alam natin na walang assurance 'yung pag-a-assume natin.

Nauna akong nagising sa kapatid ko. Nagpuyat na naman kasi si Quency. Nagluto na ako ng almusal para kakain na lang siya pagkagising niya.

O 'di ba, ang sarap ng buhay niya? Not all the times. Minsan kasi siya rin nagluluto o gumagawa ng gawaing bahay. Basta sunudan kami kung sino 'yung available.

Sinanay kami ng mga magulang namin sa gawaing bahay. Kaya bagay na bagay talaga sa amin tumira sa apartment.

Inayos ko na ang mga niluto ko sa lamesa at pati na rin ang mga plato. Tinakpan ko muna ito saka pumunta sa kuwarto ni Quency.

"Quency gising na. May date pa tayo," pagtawag ko rito.

Kumatok muli ako rito dahil parang wala ata siyang naririnig. Binuksan niya ang pinto bago ko pa man maisagawa ang ikatlong katok sa pangalawang pagkakataon.

"Good morning," bati ko rito.

Napahikab ito habang iniinat ang dalawang kamay nito. "Excuse me."

At naglakad ito palabas ng kuwarto niya. Siguro naiihi ito. Dumiretso nga ito sa C.R. Okay! Tama nga ang hula ko.

"Sumunod ka na lang sa dining room para kumain," pasigaw na sambit ko rito saka ako bumalik sa dining room.

Inangat ko ang pantakip at inilagay ito sa isang tabi. Umupo na ako at sumandok ng kanin. Kumuha ako ng bacon at tocino saka nilagay sa aking plato. Bago pa man ako nakasubo ay nasa tapat ko na si Quency.
Ilang minuto kaming kumain at diretsong naligo. Makatapos ang halos isang oras ay ready na kami ni Quency na umalis.

Inilock ko muna ang pinto. Pumara kami ni Quency ng taxi. Ilang minuto ang hinintay namin bago maakasakay so taxi.

Mahigit isang oras naman ang lumipas bago kami makarating ng mall. Papunta kami ngayon sa Watson Pharmacy para bumili ng beauty products.

Kalahating oras kaming naglibot-libot doon at bumili ng kung ano-ano. Dumiretso kami sa supermarket para mag-grocery. Binili na namin lahat ng kailangan sa bahay dahil saktong wala na kaming stock.

Isang oras din kaming nagpaikot-ikot doon. Pagkatapos naming magbayad ay iniwan namin ang lahat ng pinamili namin sa baggage counter para balikan na lang pag-uuwi na.

Almost 12 noon na no'ng natapos kaming mag-grocery kaya naisipan naming maghanap ng makakainan. Nang makapili na kami ng restaurant ay dumiretso na agad ako sa counter para mag-order samantalang si Quency ay naghanap ng mauupuan.

Dalawang order ng lasagna ang para sa akin samantalang tuna pasta naman para kay Quency. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay dumating na rin ang mga in-order namin. Medyo malakas talaga ako kumain kaya dalawang order ang binili ko pero hindi naman ako tabain kaya napapanatili ko pa rin ang pagiging physically fit.

Between ThemWhere stories live. Discover now