Chapter 2

12.1K 306 9
                                    

PRINCESS HEAVENLY DEVON HELL DIMLIGHT

Nandito ako ngayun sa rooftop naglalabas ng hinaing.



"BAKIT GAN-GANYAN KAYO-YO SA-SAKIN BRRRRT (tunog po yan ng sipon) MAHA-MAHAL KO-O NAMAN KA-KAYO MGA KUYAS LALO-LO KA-NA L-LUCIRUS HUHUHUHU D-DI KO NA KA-KAYA ANG SAKIT SAKIT NA!!!!" Sigaw ko para mawala ang sakit na nararamdaman ko.



"Sana di niyo pagsisihan ang mga mangyayari, kailangan matupad ang propesiya." Bulong ko sa hangin.

"Magbabalik siya. Siya ang maghihigante para sakin."


"So here you are bitch" Tumingin ako sa nagsalita.


Bigla ako nahintakutan ng makita ko siya.
"Te-Teshearth anong ka-kailangan mo?"


"How pathetic, dear loser bitch. Well, I want you dead." Ngumisi ito sabay tulak sakin gamit ang kapangyarihan niya na dahilan ng pagkasandal ko sa railings. Naramdaman ko na parang yelo ang tumulak sa akin.


"MAMATAY KANA!" Sigaw niya sabay tulak sakin ng sobrang lakas na hindi ako nakalaban dahil sobrang hina ko.


"Maraming salamat sa lahat." Ito na siguro ang panahon upang magpalamon ako sa kadilimang tanging sandalan ko sa panahon na wala akong masandalan at hindi ko masabi sa mga magulang ko ang pang-aalipusta ng mga royalties na pati mga kapatid ko ay pinagkaisahan ako.



Nung panahong kailangan ko ng makapitan ay naging bareta sila. Kung saan kapag kakapit ako sa kanila ay dumudulas lang ako pababa.




Bago ako tuluyang nawalan ng ulirat ay nakita ko pa ang mukha ni Teshearth na nakangisi. Nagtatawanan lang sila ng mga kasamahan niya.



Nang masigurong bumagsak na ako sa sahig ay umalis sila sa rooftop gamit ang teleportation.



Dilat ang mga matang bumagsak ako sa sahig.



"Ahhh! May nahulog!"


"Si Prinsesa Heavenly!"



"Oh my god!"



"Hoy!"



"Gago! Tulungan niyo!"



"Ay deserve. Pft."



"Yes, sa wakas wala nang desperada sa academy."



"Tumahimik nga kayo, bitches!"



Unti-unti na akong nawawalan ng hininga at tanging taenga ko na lang ang bukas dahil ang dilat kong mga mata ay tila walang silbi.



May tumulong luha sa mga mata ko. Ito na talaga ang kamatayan ko.


Nagbalik-tanaw ang aking utak sa mga alaala na palagi kong inaalala sa imahinasyon ko.


"Wow ang galing naman ng baby Heaven namin."



"Talaga kuya Lewison? Yey!"



"You're so cute, Heavenly Devon."



"Thank you po, kuya Luminus!"


"Hali na nga kayo dahil ang init sa labas at ang kaguwapohan ko ay lalong lumilitaw."


"Hahaha! Patawa ka, Luis!"


"Is that a joke? So funny."


"Cute mo kuya Luis!"


Pinisil niya ang pisnge ko.
"Mabuti pa itong baby Devon namin, supportive."


Masayang alaala nong walong taong gulang pa lamang ako.


Sa isang iglap naglaho ang lahat at parang balintataw na nag-iba ang nangyayari.


"Why are you so slow?!"


"Paumanhin, kuya Luminus pero may sugat po ako sa paa."


"Sus, palusot."


Nagsasabi ako ng totoo. Nakatapak ako ng bubog nang binasag ni Yvon ang paboritong plato ni mama. Sinabi ko iyon s kanila pero ayaw nila maniwala sa akin.


"Ang bata mo pa nga Heavenly ay sinungaling ka na!"


"Totoo po ang sinasabi ko kuya!"


"At sumasagot ka pa!"


"Sorry po."



Hindi ako makapagsumbong kina mama at papa dahil ayaw ko silang mapahamak.



"Are you dumb or what?! Simpleng bagay! Can't you do it right?!"



"Pero mahirap po ang pinapagawa niyo kuya, ayaw ko pong gawin." Umiiyak kong saad. "Ayaw ko pong mag-alala sina mama at papa."



"You know what? Just die, Heavenly Devon. We have Yvon now, so you're useless."



Masakit sa akin ang mga binibitawan nilang salita. At mas masakit isipin na ang mga lalaking dapat na magpoprotekta sa akin ay siya pang naging punyal na sumasaksak sa puso ko.


Gusto nila akong mamatay? Sarili nilang kapatid gusto nilang mamatay?


Simula nong nag-aaral na ako sa academy ay lumayo na ako sa kanila pero pilit akong pinaglalaruan ni Yvon.



"Bakit ba gusto mo si Lucirus pero hindi ka naman lumalapit sa kaniya?" Tanong ni Yvon ng makita niya akong nakatago at pinagmamasdan si Lucirus.


Nabighani ako sa angkin niyang taglay, kakisigan at kagwapohan.


Matalino at palagi siyang nangunguna sa ranking.


"Dapat habulin mo siya. Magpapansin ka."


Sa hindi ko alam ay sinunod ko ang sinabi ni Yvon sa pag-aakalang totoo iyon. Mas lalong nagalit sa akin ang mga kapatid ko na kahit sa bahay ay pinag-iinitan nila ako ng ulo kapag nakita nila ako.

Pero. . .

Niligawan niya si Yvon.


"Desperada ka Heavenly!"


"Can't you see na si Yvon ang  gusto ni Lucirus? Be happy for her!"

Paano ako magiging masaya?


"Andito ang royalties!" Huling dinig ko bago ako mamatay.

Done editing.

Mafia Queen Reincarnated as weak princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon