Chapter 48

3.6K 103 3
                                    

HELL'S POV

Sinundan ko si Lucirus, baka kasi hatakin ni Satanas. Kanina pa siya paikot-ikot dito sa plaza. Sinipa-sipa yung mga walang kamuwang-muwang na mga bato.

Napaangat siya ng tingin. Nagpalinga-linga. Pustahan nawawala to. Nakakrusmano ko lang siyang pinagmamasdan. Ano ba kasing nasaisip neto at hindi napansin yung dinaraanan niya.

Napagpasyahan kong lumapit na lang kasi nakakaawa na siyang tingnan. Yung di mo alam kung nasan ka tapos natatakot ka pang magtanong.

"Hoy, Lucirus!" tapik ko sa kanya na kinagulat niya ng husto.

"What the-!" nakatalikod kasi siya pagdating ko na sumakto naman sa panggugulat ko. Nagiging oa na siya ha.

Nagkrusmano ulit ako,
"Anong ginagawa mo dito?"

"Nothing. Just enjoying the view." malamig niyang sabi na parang hindi nagulat ng parang palaka kanina kung makatalon.

"Anong nothing tapos just enjoying the view eh nawawala kana eh, pa-humble ka pa."

"What? I'm not." namumula yung tenga niya! Ang pale kasi ng balat niya kaya halatang-halata talaga.

"Liar!" nanlaki ang mga mata niya sa paratang ko na totoo naman. "Sige nga, kung hindi ka nawawala, asan ang daan pauwi?"

Napakamot siya sa ulo, which is kahina-hinala. Psst. Busted na nga, nagdadahilan pa, hays Lucirus.

Ng may bigla akong naisip.
"Tutal hindi ka naman nawawala, pwes mauuna na ako sayo. Kaya mo naman ng umuwi mag isa, sige babush."

Sabi ko na kinataranta niya.

"Wait, Devon!" asa ka. Maghabol ka jan uy. Para naman feel kong may humahabol din saking tao at hindi aso. Lucirus tahol ka nga!

NAKAKAKATUWA! Nakakatawang tingnan ang isang prinsipe ng apoy ay galit na nakatingin sakin habang hinahabol ako. HAHAHAHA.

'Are you happy now, Heavenly? Naghahabol yung taong gusto mo. Gusto mo ba pahirapan ko to? Haha.'

"Ano?! Haha. Habol, Freezer. Haha--"

"Andito ka lang pala, Hell. Balita ko naging anghel ka na ah." napatingin ako ng biglang may sumabat. Epal.

"Uy, ikaw pala yan Manuel. Buti di ka pa nasusunog sa empyerno." ngisi kong sabi habang nakakrusmanong tinaasan siya ng kilay. Buhay pa pala to. Tsk.

"Who is that ugly creature?" nagulat ako ng nasa gilid ko na pala si Lucirus-the freezer.

Di ko siya pinansin.Walang pumansin sa kanya. Kung sa kaharian ng immortal ay prinsipe siya pwes dito parang....tao parin naman siya.

Ang taong nasa harapan namin ngayon ay ang kanangkamay ng kalaban ko. Siya ang rank 2 sa underground na kahit kailan ay hindi ako matalo-talo. Tsk. Tsk. Tsk.

"Alam mo bang si boss na sana ang mamahala sa underground dahil patay kana? Pero ang mga walang kwenta mong kaibigan... Humarang. Yun naman pala ay buhay ka pa. Sobrang saya ni boss ng kumalat ang balitang patay kana---"

"Get to the point."

"Walang pagbabago, Hell. Mainipin ka pa rin. Haha. Ang masasabi ko lang... Maghanda-handa ka na." ani bago tumalikod. Napatigil siya ng magsalita ako.

"Pano ba yan ayokong magluto. Magpapacater? Hmmm.. Nah, sayang pera. Ikaw nalang maghanda para sa kanya. Mayaman naman kayo, kaya niyo na yan." pikon niya akong tinalikuran at may binulong pa siya eh, pero di ko masyadong nadinig.

Mafia Queen Reincarnated as weak princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon