Chapter 49

3.7K 114 7
                                    

HELL'S POV

"Ha. Haha. Nagbibiro lang po kami di ko po siya asawa." awkward akong tumawa sa harap ng mga kapitbahay ko. Joke lang yun! Putek! Ba't dumami sila!?

O_o

Mas nagulatako ng biglang lumuhod si Lucirus-the freezer! Sa harapan ko sa harap ng maraming tao!

Dinilatan ko siya ng mata pero ang luko nginisihan lang ako tapos biglang lumungkot yung mukha. As in malungkot na malungkot na parang iniwan! Ano plano nitong tukmol na to?!

"What? You can't do this, Love. How about our son? Ruson?" Acting niya! At mukhang napaniwala ang mga kapitbahay!

"Iha, huwag ka namang ganyan. Mahal ka nung tao."

"Aling Merna. Diko talaga siya asawa." nangigigil na ako! Pilit kong tinatanggal yung kamay niyang nakapulupot sa bewang ko pero diko matanggal-tanggal! Putik yan! Inilubog pa niya ang mukha niya sa tiyan ko!

"Wala kang puso, Hell! Ano nalang ang mangyayari sa anak niyo?!" napatigil ako sa sigaw.

"Oo nga, di mo manlang ba inisip ang kinabukasan ng anak mo? Anong klaseng ina ka?!"

"Mahal ka ng asawa mo iha."

"Isipin mo ang pamilya mo!"

"Akin nalang si Pogi!"

"Nagkakamali ho kayo." pagpipigil ko. Lagot ka saking Freezer ka! Ba't ba gaya-gaya ka Lucirus?! Pag umacting ako kailangan ikaw din? Aba!

"Wag ka nang magsalita iha, di namin alam ang problema niyo, pero ipagdadasal naming nawa'y magkaintindihan na kayo." magkaintindihan my ass! Patay sakin yang freezer na yan!

"Aling Merna naman." problemado kong ani.

"Hell, sige mauna na kami para makapag-usap na kayo." madami ang tumutol sa sinabi niya. Aba't ang mga taong to ay kay chismosa! Aga-aga!

Nang mawala na sila sa paningin ko ay awtomatikong sumara ang gate. Napatingin ako kay Lucirus na nakakapit pa din sa beywang ko.

Ang letchugas na lalaki, tinitake advantage pa ata ang sinabi ng mga kapitbahay ko at hanggang ngayon ay nakayapos parin!

"Ikaw!" inangat ko siya gamit ang kamay ko sa tainga niya.

"Hey! Hey!" pagsisigaw pa niya pero galit ako! Nanggigigil ako! Ano nalang ang iisipin ng mga kapitbahay!

Di pa ako nakakain kainis! Gutom na ako.

"This is against the law!" pigil niya sakin habang tinatanggal ang kamay ko sa tainga niya, pinulupot ko talaga!

"Law! Law mo yang pagmumukha mo! Bakit mo ginawa yun?!" ang kapal ng mukhang banggitin ang law na yan eh rule breaker tong kinakalaban niya! Aba!
(Ang ating bida ay wag pong tularan, nakaka...)

"Thannaiah, your friend said that if ever you will bully me I will report you to the police for violating the R.A. 9262! Ouch! Let go!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa tainga niya pero di niya nagawa. Hmm. Bakit naman di matanggal ng Freezer na to ang kamay ko eh, mahina lang  naman ang pagkakahawak ko sa tainga niya? Di kaya, weakness niya ang tainga niya? Luh.

"Gago! Violence against women and children yon! Anong kinalaman non sayo?!" sigaw ko.

Ngumuso siya. Wtf?
"Because I'm your baby." dahil sa sinabi niya ay mas nilakasan ko pa ang pagkurot sa tainga niya.

Mafia Queen Reincarnated as weak princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon