MTT ~ 10

1.7K 27 0
                                    

"Jim.. Please stop. This is not good for you! I'm sorry.. I'm really really sorry.." Sabi ko. Medyo kumalma naman sya.

"I really miss her Kimmy. Sya kasi yung number 1 kong kakampi pag ako na lang mag-isa. Sya yung lagi kong kasama pag kailangan ko. And then now.. Wala na. Wala na sya." Umupo na ulit kami sa bato habang nagkukwento sya. Di na sya umiiyak ngayon, nakatingin na lang sa malayo.

Di ko alam pero habang tinitignan ko sya, biglang nawala lahat. Nawala yung sakit, nawala yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon..

Bigla ko kasing naramdaman na di lang pala ko yung may pinagdadaanan. Di lang ako yung may problema. Si Jim nga, mas matindi pa yung problema sakin. So parang nawalan ako ng karapatan na magalit sa kanya..

"You know what, you're really lucky. Dahil tignan mo, bigtime ka na ngayon! Ang ganda na ng buhay mo.. At buong-buo pa yung pamilya mo. Parang wala ka ngang problema sa buhay eh!" Nakatingin sya sakin habang sinasabi yun. Wala na kong masabi kundi ngumiti at tumingin na rin sa malayo.

"Nakakainggit. Sobrang nakakainggit. Di ko nga alam kung san ko gustong pumunta. Kung sa future, na wala yung Lola ko.. O sa past, kung san sobrang wasak yung puso ko.."

Napatingin ako sa kanya ulit nung sinabi nya yun.

"Nevermind. Wag mo ng intindihin yun. So.. Let's go? Sorry kung sobrang nasigawan kita kanina. Di ko kasi mapi - "

"No. Okay lang. Ako nga dapat yung mag-sorry. Dahil pinaalala ko pa sayo." Napatungo ko dahil nahihiya ako. Kung di dahil sakin, di sana sya umiyak ngayon.

"Let's go." Kinuha na nya yung kamay ko at bumalik na sa bus. Saktong-sakto dahil paalis na yung bus.

Then after 1 hour pa, nakarating na kami dito.

*Present*

"Sweetie!"

"Ay sweetie!" Nagulat ako ng bigla akong sinigawan ni Gino.

"What happened to you? Kanina pa kita pinagmamasdan! And bigla bigla ka na lang ngumingiti." Napalaki ang mata ko. Bigla biglang ngumingiti?! Ugggghhhh.

"A-ah wa-wala. May naalala lang ako. Let's go." Kinuha ko na yung bag ko and sumama na kay Gino papuntang company.

--

"At last! Here they are!" Sabi ni Jay pagkapasok namin sa office. Nandun na sila lahat. Yung staffs, yung mga workers, and mga artists.

Di ko alam pero si Jim agad yung hinanap ng mata ko.

And he's there. Nasa pinakadulo nakaupo. Nakatingin din sya sakin.

"SO SI JIM NA PALA ANG TINITIGNAN DITO, DI NA AKO." Nagulat ako sa nagsalita.

"OMG JOOOOOOYCE!!" Bigla syang tumayo at niyakap ako. Medyo binuhat pa nga eh!

"KIMMYBEEEEELLLSSSS!!!! Nakakainis kaaaaa!!" Sinabunutan nya ko at yung mukha nya biglang sumimangot.

"Aray ko Joyce!"

"So porket fashion designer ka na ngayon, nagrereklamo ka na sa sabunot ko! Nakakatampo na talaga ha!" Oh. How I miss this! Grabe sobrang namiss ko talaga ang kabaliwan ng babaeng to!

"Ehem." Sabay kaming napatingin kay Jay na kanina pa pala nakikinig samin.

"Sorry! Okay behave na ko!" Sabi ni Joyce at dali-dali namang umupo sa upuan nya kanina.

Napatawa na lang ako at umupo na rin kami ni Gino.

Inexplain ni Jay na this last 3 days, magrerehearse na lang ng mga gagawin. Okay na kasi ang lahat. Yung venue, which is sa Tagaytay na lang para di masyadong malayo, yung food, yung mga guests, and everything.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon