"Kimmy. Care to explain?" sabi ni Papa. Andito na kami sa sala. Magkatabi kami ni Jimmy. Tapos nasa tapat namin si Mama at Papa. Si Giddy, nakacrossed arms at ang sama ng tingin kay Jimmy.
SANDALEEEE! Nagkakapatayan na ng tingin dito. Huhuhu.. :"(
"Pa--"
"Mr. Sanchez, Mrs. Sanchez.." biglang tumayo si Jimmy. Hala. Anong balak nito?
"Magpapaalam po sana ako." WAAAAAH! Wag kang magsasabi ng kahit anong ikasisira ko Jimmyyyy!
"Gusto ko pong ligawan ang anak nyo."
O_O - itsura ko yan.
"Tell me about yourself." Nakupo. Ngayon ko lang ulit nakita si Papa na seryoso.
"I'm Jim Franco Gutierrez po. Kaklase po ako ni Kimmy. Ang kukuhanin ko pong course, Business Administration. Dahil future na tagapagmana po ako ng Tierrez Tech."
Napalaki ang mata ni Mama sa sinabi ni Jimmy. Ang Tierrez Tech kasi ay ang pinakasikat na electronic company na buong bansa.
"Wait ibig sabihin.."
"Opo. I'm the heir of the Gutierrez family."
"Kaya mo bang mamatay para sa anak ko?" OMG. Papaaaaa. Bakit ganyan ang mga tanong mooo. Gusto mo na ba kong mamatay?
"Hindi po." sagot ni Jimmy. Eh sirau--
"I don't want you--" sabi ni Papa.
"Dahil mabubuhay po ako para mahalin si Kimmy at hindi para mamatay."
And we're like..
^O^- Papa
:"> - Mama
>.< - Giddy
O.O - Ako
Ano daw yun? Nabingi ata ako.
"Hmm.. Good. Okay. Pinapayagan na kita." Mas lalo akong nabingi sa sinabi ni Papa. PINAYAGAN NYANG MAY MANLIGAW SAKIN?! Si Ivan kasi, hindi sya nagpaalam kay Papa.
Ano bang kalokohan ang nangyayari dito? -_-
"Pano ba yan. Pinayagan ako." bulong sakin ni Jimmy. Sinamaan ko na lang sya ng tingin. Nakakainis. Kung alam lang nila Papa na pagpapanggap lang to.
"Sige po. Mauna na po ako. Susunduin ko po si Kimmy bukas. Sige po. Good Night." paalam nya kila Papa. Ngumiti naman sila. Seriously Pa?
"Hatid ko lang po." sabi ko. Aawayin ko pa tong Trespasser na to.
"Hoy--"
*Chup!*
Lanya to. Sa harap pa ng bahay ako hinalikan. Sa cheeks lang naman. Nanghihinayang nga ko eh. Hahaha.
"Pasalamat ka nagpakilala akong manliligaw mo. Hindi boyfriend. Mukhang strict pa naman yung Papa mo." K. May point sya. Pero hindi parin! Dapat nagpakilala na syang friend ko.
"Psh. Sige na. Umuwi ka na." nginitian nya ko. Umalis ka naaaa. Bago pa ko magwala dito. Hmp.
Pagkaalis ni Jimmy, napatingin ako sa bahay nila Joyce sa harap namin. Wala pa rin sila. San ba nagpunta si Joyce? Tsk.
*Bestfrieeeend! Sagutin mo to!*
Ringtone ko yan kay Joyce. Lahat kasi ng contacts ko, pinaparecord ko. Para alam ko kung sino yung natawag.
"Jooooyce! Asan ka na baaaa?" sabi ko agad. Wala ng 'hello-hello'.
[Nandito ko sa resthouse namin sa Batangas Kimmyyy. Ewan ko ba kung bakit ako nandito. Sinama na lang nila ko eh.]
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!