20

2.2K 36 0
                                    

= Joyce's POV =

"Joyce! Are you even listening?" tanong sakin ni Mama. Tumingin lang ako sa kanila. Walang emosyon. Eh hindi naman talaga ko nakikinig. Napilitan nga lang akong pumunta sa pesteng dinner na to. Tss.

"I'm sorry for our daughter Mr. and Mrs. Caravana. She's sick now. We're sorry." paumanhin ni Papa. Tss. Buti pa sila, nagso-sorry sila Papa. Tas ako? Ako yung biktima, ako pa yung mali. Psh. Nakakainis talaga.

"Excuse me. Washroom lang po." tumayo na ko at pumuntang cr. Dun na ko umiyak.

"Ayoko na. *sniff* Ayoko na talaga. *sniff*" tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Umupo ako sa gilid at tumungo. Kahit magmukha na kong tanga dito.

"Ahhhhhh!" Nami-miss ko na yung mga kaibigan ko. Lahat lahat. Sila Kimmy at Ivan. Pati nga sila Angel namimiss ko eh. Makikita ko pa kaya sila?

"Shhhh. Kimmy. Tama na." Sa sobrang pag-iyak ko, hindi ko na namalayan na nakayakap na pala sakin si Mark.

"Hinde! Ikaw ang may dahilan ng lahat! Ikaw ang may kasalanan!" tinulak tulak ko sya kahit sobrang higpit ng yakap nya sakin.

"Shhh. Akala mo ba gusto ko rin to?" napahinto ako sa pagtulak sa kanya at napangisi.

"Ikaw? Ayaw mo? Tss. Wag mo kong lokohin! Umalis ka dito!" tinulak ko sya ng full force kaya medyo napaatras sya.

"Jo--"

"UMALIS KA NA!" Umalis na nga sya. Umiyak na ko ng umiyak. Ang kapal ng mukha ng lalaking yun na sirain ang buhay ko! At ang mga magulang ko naman, gustong gusto ng pera! Bakit hindi na lang sa magtrabaho ng mabuti?! Bakit kailangan ako pa ang mahirapan?!

Ng maramdaman kong medyo okay na ko, tumayo na ko at nag ayos. Mamaya ipahiya pa ko ng magaling kong nanay eh.

"Oh Ija, bakit ang tagal mo?" tanong ng Mama ni Mark. Buti pa sya may pakialam sakin. Kesa sa nanay kong nakasiring na sakin.

"Sumakit po kasi yung tyan ko. Sorry po Tita."

Hmm.. may naisip akong plano. Tutal mas mabait naman sakin sina Tito at Tita eh.

Umupo ako sa tabi ni Tita kesa sa tabi ni Mama.

"Diba dun ang pwesto mo?" tanong nya sakin. Nginitian ko naman sila.

"Mas gusto ko po dito. Mas feel ko naman pong maging pamilya nyo." Hindi ako tumingin kila Mama. Nakangiti lang ako.

"A-ah ganun ba. Malapit na naman iyon, ija. Mamahalin ka namin ng buo." Parang gusto kong umiyak. Umiyak ulit. Dahil sa sinabi nyang malapit na yon. Pero nanatili akong nakangiti.

"Buti pa nga po kayo mahal ako eh." Humarap ako kila Mama. Sana naman naintindihan nya yung sinabi ko. She gritted her teeth. Tss.

"Kumain na po tayo." sabi ko. Pero hindi sila gumagalaw at nakatingin lang sakin. Teka, ano bang sinabi ko?

"Uhm.. kasi, kanina pa tayo tapos kumain." Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. Hanudaw?

"A-ah. Ganun po ba. Uh.. ano po.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lahat ng mga mata, nakatingin sakin.

"Nevermind Ija. It's ok." Nakatungo pa rin ako hanggang ngayon. Grabe. Sobrang nakakahiya.

"Joyce, may pag-uusapan lang kami ng mga parents mo. Sumama ka muna kay Mark. Safe ka naman sa kanya. Okay?" sabi nung Papa ni Mark. Ano? Sasama ako? Tinignan ko si Mama at Papa pero ano pa nga ba ang ieexpect ko? Tinaasan lang ako ng kilay ni Mama at nginitian ni Papa.

"Uh.. sige po." Wala na kong nagawa. Ganto naman lagi diba? Wala naman talaga kong nagagawa.

---

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon