23

1.9K 45 1
                                    

Ugh. Why so boring? Bakit ba kasi nagkaron ng meeting ang mga teachers eh. Imbis na nag-aaral! Tsk. Ipapasabi ko nga kay Jimmy yan.

Speaking of Jimmy, ayun! Busy sya sa kapapractice dun sa Finals. Magsama sila nung Angel na yun. Tss.

"Psst. Psst." Naramdaman kong may kumalabit sakin mula sa pagkakatulog ko dito sa armchair. Hinarap ko sya.

"Bakit?" I'm trying to be cold. Si Ivan kasi to. Tss. Hindi ko pa rin sya kinakausap.

"Sorry na Kimmy." Inirapan ko sya at tumungo na lang ulit. Mas masarap pang matulog kesa sa makipag-usap sa taong yun.

"Kimmy.. hindi ko naman sinasadyang masabi yun eh. Ano lang.. nadala ako ng--"

"Ng ano ha? Ng ano?" Hinarap ko na sya. Siguro nga ngayon na yung time para mapagusapan namin to.

"Nadala ako ng.. ng selos ko." Ha? Selos? Bakit naman sya magseselos?

"Selos?" Tumungo sya. Parang nahihiya. Psh.

"Nung araw kasi na yon, nakita ko kayo ni Jimmy na magkayakap. Nagseselos ako Kimmy! Nagseselos ako!"

"O, nagseselos ka? Hindi naman tayo Ivan eh. Hindi tayo. Sinabi ko naman sayo na hanggang kaibigan lang tayo." Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mata nya. No.. ayokong may nasasaktan. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Mas masasaktan ko lang sya pag itinuloy namin.

"Hindi. May karapatan akong magselos hindi dahil tayo kundi.."

"Kundi mahal kita. Mahal kita Kimmy. Alam mo naman yun diba?" hinawakan nya yung kamay ko pero agad ko din yun binawi. Umiwas din ako ng tingin sa kanya.

"Kahit wag mo na kong mahalin pabalik. Basta maging magkaibigan ulit tayo. Pwede ba, Kimmy?"

Kaibigan? Oo. Kaibigan ko naman talaga si Ivan. Sa simula pa lang.. pero.. pero iba kasi yung turing nya sakin. Tapos ngayon hinihingi nya sakin ang pagturing ko sa kanyang kaibigan? Wow.

"Ivan. Magkaibigan tayo. Okay? Hindi nagbago yun." Niyakap nya ko. Marahil sa tuwa. Medyo nasasaktan din ako sa pinapakita nya sakin.

Hindi ako ang para sayo Ivan. Hindi ako.

"Salamat Kimmy. Hindi na talaga mauulit." Nginitian ko na lang sya. And back to dati na kami! Yung laging nagkukulitan.. laging masaya!

Maya maya, dumating na din yung teacher namin. Last subject. It means MAPEH. Psh. Edi loner na naman ako nito? Si Jimmy at Angel. Si Ivan at yung partner nya. -_-

Hay nako. Tatangkad ako kakatulog dito sa room eh.

Sa ngayon, nagpapractice na sila. Si Angel, nandito ngayon sa classroom. Gawa ng sila nga ang partner ni Jimmy.

Hindi pwedeng sa room nila Angel? Psh.

Pero mas maganda na din dito. Para mabantayan ko silang dalawa. Nasa unahan naman eh. Kaya maganda ang view ko dito.

"Nakapili ka na ba?" Psh. Ang landi ng boses ni Angel.

"Hindi pa eh. Ikaw?" Ito namang si Jimmy, nagpapalandi. Hay nako talaga to the highest level!

"Meron na kong mga songs dito. Tingnan mo." Tignan mo daw Jimmy! Hindi sinabing titigan mo si Angel!

"O sige." Sige lang. Magngitian kayo dyan. Pag ako--

"Boo!"

"Ay gumanda!" Nasampal ko si Ivan na gumulat sakin. Ugh.

"Ano ba Ivan! Wag ka ngang manggulat!" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon