A/N: READ THE AUTHOR'S NOTE AFTER THIS CHAPTER. MAHALAGA. HAHAHA. YUN LANG! ENJOY READING GIRLFRIENDS!
LOUISVILLE UNIVERSITY
Bigla bigla na lang nag-play sa utak ko yung mga memories sa school na to.
Sobrang dami. May mga masasaya, malulungkot, nakakakilig, nakakagalit, at nakakasakit na parte ng buhay ko ang nangyari dito.
Halos dito ko nakilala ang lahat. Sila Joyce, Ivan, even Gino. Dito ko sya na-meet nung nag-pageant kami.
"Si Kim Sanchez ba yun?" Napalingon ako dun sa nagsalita.
"SI KIM SANCHEZ NGA! GUYS! MAY ARTISTA DITOOOOO!" Oops. Wrong move! Argh. Nagsimula na silang tumakbo palapit sakin. Naka-uniform sila so students sila ng LU.
Di ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba or ngingiti or ewan! Ano baaaaa.
"Hi Ate Kim! Ang ganda ganda nyo po!"
"KIM! MARRY ME PLEASE!"
"Kiiiiim! Pa-autograaaaph!"
"Ate Kiiiim! Picture pleeeeease?
Nagkakagulo na ang mga tao. May mga flashes everywhere. Medyo nahihilo na din ako. Padami ng padami ang mga tao.
*Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrtttt!!!*
May nag-whistle ng sobrang lakas kaya napalingon sila lahat sa likod.
At may naramdaman akong humila sa waist ko. Napa-kapit na lang ako sa leeg nya. Di ko sya makita dahil tinakbo na nya ko palayo. I just closed my eyes dahil sobrang hilong-hilo na ko.
Minutes later.. na-feel kong tumigil na sya sa pagtakbo at pinasok ako sa isang kotse.
Naka-ramdam na ko ng kaba. Baka hindi nya ko si-nave. Baka kikidnapin ako ng taong to!
I opened my eyes. Ako lang pala ang nasa kotse. At nandun sya sa parang garden sa labas ng kotse. Nakatalikod lang sya dun. Parang di naman sya kidnapper dahil maayos ang damit nya.
Lumabas ako ng kotse para lapitan sya at magpasalamat. Kung hindi dahil sa kanya baka nahimatay na ko dun kanina.
*Poke*
Kinulbit ko sya sa balikat. Pero di sya tumitingin. Pumunta ko sa harapan nya pero tumalikod naman sya. Ano bang problema ng lalaking to?
"Oy Kuya! Bakit ba ayaw mong humarap sakin? Magthathank you lang naman ako eh!" Pero wala pa rin. Nakatalikod pa rin sya. Tumakbo ulit ako sa harapan nya pero dahil mabilis sya, nakatalikod pa rin sya.
"May pimples ka ba sa mukha kaya ayaw mong magpakita sakin? Don't worry! Di ako maarte no! Okay lang!"
=.=
Kailan ba ko papansinin ng lalaking to? Di ba nya alam na si Kim Sanchez to? Sikat na sikat kaya ako! Duuhh.
"Okay fine! Ayaw mo e. Basta thank you ha? Sana magpakita ka sakin no? Hahaha. Sige. Una na ko." Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad.
"Baby.."
Napahinto ako nung nagsalita sya. Oo alam kong sya yun dahil wala ng ibang tao dun. Nilingon ko ulit sya pero wala na sya dun. Napaka-bilis talaga ng lalaking yun.
Baby.. isang tao lang ang tumatawag sakin nun. At ang taong yun, imposible na kong tawagin ng baby.
Ugh. Stop overthinking Kimmy. Bakit naman mapapadpad dito ang lalaking yun? At kung nandito man sya, he even doesn't care about me. So hindi nya ko sasagipin.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!