1

6K 93 2
                                    

"Kyaaaaaaah! GO JIMMY KOOO! GALINGAN MOOO! I LOVE YOUUU!" okay lang kahit mamaos ako! Basta mai-cheer ko lang si Jimmy ko! Andito kami sa gym. May laro kasi ang players ng Louisville University. At isa dun si Jimmy Franco Gutierrez. Ang aking babyyy! Actually, Jim lang talaga ang pangalan nya. Ginawa ko lang na 'Jimmy' para terno kami. Kasi ako, Kimmy. Sya, Jimmy. Yiiiiieee!

"Gutierrez for 3 points!" sigaw nung commentator. Waaaaah! Ang galing talaga ni Jimmyyyy! (=^.^=) Lalo akong naiinlooove. Ang galing nyang mag basketball. :O

Natapos na ang laro and as usual, panalo ulit ang team nila Jimmy. 107 - 90 ang score. Ang galing kaya ni Baby!

Dali-dali akong pumunta sa isang room dun para salubungin si Jimmy. Kaso, naunahan na ko ng mga fangirls nya. Ang liit ko pa naman. Tsk.

"JIMMYYYYYY!" tili ko ng super duper and effective nga! Napa-tingin sya sakin. Waaah! AMPOGI. Nag-wave ako ng hands sa kanya. Kaso, dinedma na naman nya ko. Kailan mo kaya ako papansinin?

Pinapansin ka naman nya ah! sigaw ng konsensya ko.

Oo nga, pinapansin nya ko. Madalas nga, sinisigawan nya ko eh. Sinasabi nyang..

'Pwede bang tumigil ka na!'

'Di kita girlfriend sabi eh!'

'Lumayo ka sakin!'

Yan. Yan lagi ang sinasabi nya sakin. Answeet no? HA-HA. Pag kasi may babaeng lumalapit sa kanya, inuunahan ko na sila at kumakapit ako sa braso ni Jim at sinasabing 'Hi, I'm His Girlfriend.' Madaming naniniwala dun kasi pag sinasabi ko yun, ngumingiti lang si Jimmy. Hindi sya nagrereact. Alam nyo kung bakit? Kasi pinagseselos nya yung Ex nya na si Angel. Hindi dahil totoong girlfriend nya ko. Eto namang si Angel, naturingang mala-anghel ang mukha, mala-demonyo naman ang ugali. -.- Kaya ayokong ipamigay si Baby eh!

'Ipamigay? Di naman sya sayo te!' Sumabat ka na naman konsensya. Iniisip ko na nga lang eh. Alam ko namang hindi talaga sya sakin eh. -.-

"Huy Kimmy!" napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot ang bestfriend ko, si Joyce sa mukha ko.

"Ano ka ba Joyce! Bat ba bigla ka na lang sumusulpot!" tumaas naman ang kilay nya.

"Anong sumusulpot? Eh kanina pa kaya ako nandito! At FYI, kanina ka pa din tulala. Ikaw na nga lang ang tao dito oh." napatingin ako sa paligid. Ako na nga lang ang tao dito. Pati pala yung Janitor.

"O, hindi mo alam? Iniisip mo na naman yang si Jim no?" dinuro duro nya yung noo ko. Isa kasi sya sa mga anti-Jim. Ayaw nya si Jim para sakin.

"Alisin mo nga yang kamay mo Joyce! Kailan ba sya nawala sa isip ko?" inalis nya yung kamay nya at pumangewang.

"Alam mo Kimmy, obsessed ka na kay Jim eh! Tigilan mo na nga yan! Distraction na yan sayo!" pumangewang din ako at itinaas ang isa kong kilay.

"Excuse me Joyce. Never syang naging distraction sakin okay? Remember, Top 1 parin ako. Okay? Kaya ikaw ang tumigil sa pagpapalayo sakin kay Baby!" tumalikod ako at nagsimula ng lumakad.

"Tss. Baby baby. Sus." sagot nya. Laging ganto ang usapan namin ni Joyce. Lagi nya kong papagalitan, tas ako mangongontra. Tapos maya maya, okay na ulit kami! Magbestfriends eh.

"Halika na! Uwi na tayo!" hinila na nya ko palabas. Pagabi na din pala. Madilim na.

Magkasabay kami laging umuwi ni Joyce. Magkatapat lang kasi yung bahay namin. Astig nga eh. Lagi yung tumatambay sa bahay.

"O, babay na." nandito na kasi kami sa tapat. Nag beso kami at pumasok na.

"Ateeee! You're home!" nagbend naman ako para mayakap ang nakababatang kapatid ko na si Giddy. Super sweet tong kapatid ko! Lagi nya kong niyayakap pag uwi ko. 5 years old lang sya. Bunso namin.

"Yes baby. I'm home. Where's Mama and Papa?" Ukii. Nus blid! Hahaha. Lagi kasi yang nageenglish.

"Mama is upstairs. Papa is in his office." kinurot ko yung pisngi ni Giddy. Lumabas yung dimples nya. Ankyuuut!

"Okay baby. I'll go to Papa muna. Go play with your toys na." tumango tango sya at tumakbo na sa sala.

"Pa?" sambit ko ng nasa tapat nako ng office ni Papa.

"Jerome naman! Ayusin mo yan! Alam mong ayoko ng ganyan!" narinig kong sigaw ni Papa sa phone. Hmp. Stressed na naman si Papa.

"Come in, sweetie." pumasok na ko at niyakap si Papa.

"Stressed?" ngumiti sya at tinanggal yung reading glasses nya.

"A little bit, sweetie. How's school?" ganto si Papa samin. Pag work, strict sya. Pag samin, sweet.

"Ayos naman po. Malapit na po mag 2nd mastery test. Kaya nagrereview na po." tumango tango naman si Papa. 4th year highschool nako. Graduating. Kaya super review ako para sa exams.

"Good. O sige na. Magdidinner na. Magbihis ka na." ngumiti ako at umakyat na. Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko si Mama na pinupunasan yung mga pictures dun.

"Ma." napatingin sya sakin at niyakap ako.

"Andito ka na pala. I'm sorry kung pinunasan ko yung pictures mo ha? Wala kasi akong magawa eh." napatawa naman ako dun. Wala kasing trabaho si Mama. Housewife lang. Pinatigil na sya ni Papa. Kaya madalas ma-bore si Mama.

"Magbihis ka na. Tapos magdidinner na tayo." lumabas na si Mommy.

Biglang nag vibrate yung phone ko. Pagbukas ko, nakita ko na naman ang mukha ng baby ko. Wallpaper ko kasi sya eh! Lock screen at home screen! Nakuha ko yun sa mga pinopost ng fangirls nya na picture nya sa FB. Yung lockscreen ko, naka sideview sya at nakangiti. Yung sa homescreen naman, nakalipbite sya. Wet look. Model kasi syaaaa!

Nag text pala si Ivan. Kaibigan ko yan. Pero sya, higit pa ang tingin sakin. Nagtapat sya dati sakin na gusto nya daw ako at liligawan nya daw ako. Alam nya yung kay Jimmy pero di pa din daw sya susuko.

From: Ivan

Kimmy, sunduin kita bukas?

Sweet nya no? Kaso, ayoko naman syang paasahin. Naging malapit na din sya eh. At hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

To: Ivan

Ipagdadrive ako ni Daddy eh. Maybe next time? Sorry. :(

Alam ni Daddy yung tungkol kay Ivan. Tsaka sa lahat ng manliligaw ko. Hahaha. Hindi sa nagyayabang ah pero marami talaga kong manliligaw. Kaso di ko sila pinapansin. Loyal to kay Jimmy no!

From: Ivan

Ganun ba? Okay. See you bukas. :) :*

Kaklase ko kasi si Ivan. At minsan minsan, hinahatid nya ko sa school. Nag vibrate ulit yung phone ko. Nag GM si Joyce. Nagbihis nako at bumaba na.

"Nak, dali. Ikaw na lang ang hinihintay." nagmabilis naman ako at tumabi kay Giddy.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Papa God, thank you for all the foods that are served for us. May you bless your gifts. Amen." nagsign of the cross kami lahat at kumain na.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon