29

1.9K 37 5
                                    

"If I let you go.. I will never know.. what my life would be.. holding you close to me.." Kasabay ng kanta ko ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko.

Nandito ako ngayon sa lake. Sa lake kung san nagsimula ang lahat.. kung saan may naramdaman akong bago.. dito yun.

Pagkatapos na pagkatapos ng insidente sa ospital kahapon, dito na ko dumaretso.

~Flashback~

"Walanghiya ka! Ikaw ang may gawa ng lahat ng to! Ikaw!" Pinagpapapalo ako ng Mama ni Kimmy. Nalaman na nila ang dahilan kung bakit.

"Kung hindi dahil dyan sa kayabangan mo! Hindi dapat ganto!" Sinuntok ako ng Papa nya. Masakit yun pero hindi ko naramdaman.

"I thought you were good! I thought you were the one for Ate! But no! No!" Pati si Giddy galit na galit din sakin.

"S-sorry po.. sorry.." Napatungo na lang ako. Ako nga ang may dahilan ng to.. ako ang may dahilan.

"Anong magagawa ng sorry mo ha! Ano?!"

"Simula ngayon, hindi ka na magpapakita sa anak ko." Matigas na sabi ng Papa nya.

"A-ano po?"

"Bibigyan kita ng 10 minuto para makapagpaalam sa kanya." Gusto kong umapela.. gusto kong lumaban.. pero hindi. Ito ang mas makabubuti.

Pumunta na ko sa kwarto ni Kimmy. Mahimbing parin syang natutulog.

"BT." Unang salitang lumabas pa lang sa bibig ko, tumulo na agad ang luha ko.

"S-sorry ha.. sorry sa lahat." Hinawakan ko ang kamay nya.

"Sorry kung hindi na kita mabibigyan ng bagong gitara next 5 months.."

"Sorry kung hindi ko na itutuloy yung pagiging boyfriend mo.."

"Alam mo ba, matagal ko ng gustong totohanin yung relasyon natin."

"Uy.. matutuwa na yan. Narinig mo ba ko? Mahal kita Kimmy. Mahal kita."

"Sorry kung ngayon ko lang nasabi ha. Humahanap kasi ako ng tyempo. Sasabihin ko sana sa birthday ni Giddy. Kaso.."

"Uy.. narinig ko yung sinabi mo. Narinig kong sinabi mo na lumaban ako. O eto oh! Buhay ako! Lumaban ako. Eh.. ikaw.. lumaban ka din.. please Kimmy.." Hinalikan ko ang kamay nya at dun na ko umiyak ng umiyak.

"Mahal kita Kimmy.. mahal kita.. mahal na mahal.." Paulit ulit lang yan na sinasabi ko. Gusto kong maramdaman nya na mahal ko sya.

"Tapos na ang 10 minuto. Bibigyan kita araw araw ng 1 oras para bisitahin si Kimmy." Nagdiwang ang puso ko sa sinabi ng Papa ni Kimmy.

"Salamat po. Salamat po. Sorry po sa lahat." Sabi ko at lumabas na.

~End~

"Will I ever see? You smiling back at me?"

Sana panaginip lang ang lahat.. sana.. sana bukas okay na ulit ang lahat.

Yung magkukulitan kami ni Kimmy. Pati si Giddy kukulitin ko. Kakanta kami buong araw. Pupunta kaming amusement parks..

*Cause your gonna hear me roooo-oa-oa-oa-oa-oa-oaaar. Wooooooar. You're gonna hear me roooar!*

Napangiti ako ng magring ang cellphone ko. Lagi ko tong pinapatugtog simula kanina. 24 hours pa lang ang nakakalipas, namimiss ko na agad sya.

Sinagot ko na ang tawag.

[Anak? Jim? Si Mama to. Umuwi ka na naman anak. Hinahanap ka na ni Mikkie.]

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon