MTT~5

1.6K 32 0
                                    

"Jim?"

Nakamulat lang ang mata ko. Di ako kumukurap. Ganun din sya.

Hindi pwede to.. hindi..

"Uhm? Mrs. Kim, this is Franco. Sya yung sinasabi kong singer. Now, maupo na tayo para maikwento ko pa sya sa inyo."

Umupo ako ng wala sa sarili. Yung puso ko, naghyhyperventilate na yata. Hindi sa kilig, kundi dahil bumabalik yung sakit.

"So, Mrs. Kim and Mr. Gino, this is Mr. Franco Gutierrez. Sya ang pinaka-sikat na artista at singer dito sa Pilipinas. At kilala din sya sa ibamg bansa. At tinagurian din syang 'Prince of Acoustics'. Napaka-bait ng taong ito. Franco, I want you to meet Mr. and Mrs. Hyu."

"M.. MRS?" Napaiwas ako ng tingin.

Oo.. Mrs. Mrs na ko. Dahil pinaglaruan mo lang ako dati.

"Yes. Mrs. Hyu, sila ang may-ari ng Hyu Companies all over the world." Tinaas nya qng isa nyang kamay para makipag-shake hands. Kay Gino muna. And then.. sakin..

"I'm Franco Gutierrez." He smiled. Bakit ganun? Nagka-amnesia ba sya? Di nya alam kung sino ako? Ano to?

"Uh.. uhm.. K-Kim. Kim Sanchez-Hyu." Hindi ako nakipag-shake hands. Parang di ko kaya. Napupunit lang lalo ang puso ko.

"So bukas na lang tayo magkita-kita! I hope to see you 6am tomorrow. Take care!" I smiled at Jay at dere-deretso nang lumabas. Di ko na nahintay si Gino.

Tuloy-tuloy lang akong naglalakad. Feeling ko tutulo ang luha ko anytime. Pero agad ko yung pinunasan. Hindi pwede to. Kailangan mong maging malakas.

"Kim! Kim hintayin mo ko!" Naririnig kong sinisigawan ako ni Gino. Pero di ako tumigil. Di ko alam pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Kim ano ba!" Naabutan na nya ko at hinarap sa kanya. Pawis na pawis sya at hinihingal.

"So-sorry.." Napatungo na lang ako.

"Dahil ba kay Jim?" Napatingin ako sa kanya.

Oo.. dahil kay Jim. Dahil sa kanya.. from the start naman sya na ang dahilan eh!

"Hindi." Yun na lang ang sinabi ko.

"Wag mo kong pagsisinungalingan! Kaya ka naman nagkaganyan dahil kay Jim! Dahil sa hayop na yon! Ano ba Kimmy! It's been 6 years! Hindi mo pa ba--"

"STOP IT!!" Sigaw ko at tinulak sya.

"KUNG AYAW MONG MANIWALA DI WAG! HINDI YUNG SINESERMONAN MO PA KO NA PARANG TATAY KITA!" Tuluyan na kong tumakbo paalis. Nandun si Mang Marko kaya nakasakay agad ako sa kotse at nakaalis na agad kami.

Dun na ko nagsimulang umiyak..

Bakit ba ganun? Tama si Gino! It's been 6 years, Kimmy. Bat di ka pa maka-move on? Kaya mo naman diba? Kinaya mo! Pero bakit ganto? Bakit bumabalik? Bumabalik yung galit ko sa kanya! Bumabalik yung pait! Gusto ko na ulit syang sampalin at ipamukha sa kanya ang pananakit nya sa puso ko!

"Ma'am? Uuwi na po ba tayo?" Tanong ni Mang Marko.

"Di po. Ituturo ko po ang daan kung san tayo." Tumango si Mang Marko at tinuro ko na kung saan yung daan.

"Mang Marko? Naranasan nyo na po bang magmahal?" Bigla kong tanong sa kanya. Mukha syang nagulat pero sinagot nya parin.

"Oo naman. Naranasan kong magmahal at magpasa-hanggang ngayon, nagmamahal ako. At iisa lang ang minamahal ko. Yung ay ang aking asawa." Sagot nya.

"Eh masaktan? Naranasan nyo na po?" Ngumiti si Manong.

"Anak, ang pagmamahal, may kaakibat na sakit. Lahat ng nagmamahal, nasasaktan. Dahil yun ang paraan sa atin ng Diyos para tayo'y mas maging malakas sa pagharap ng panibagong pag-ibig."

"Pero bakit po may mga tao na laging sakit ang nararamdaman? Yung hindi na lumigaya kahit kailan."

"Maaaring hindi pa ngayon ang oras mo, maaaring hinahanda ka pa ng Diyos. Pero ito ang tatandaan mo, nak. Ganyan talaga ang buhay. Kung pagod ka na, magpahinga ka. Kung sawa ka na, itigil mo na. Kung ayaw mo na, sabihin mo. Kung nasasaktan ka na, umiwas ka na. Kung gusto mong lumigaya, magdesisyon ka. Pero kung may tapang ka, WALANG IMPOSIBLE. Oh. Ito na ba yung sinasabi mong lugar? Ingat ka, nak." My heart melts. Hindi ko alam na ang isang taong katulad ni Mang Marko, simple lang, isang driver, ay makakapagsabi sakin ng ganun. At dahil dun, niyakap ko sya.

"Salamat Mang Marko. Tatawagan ko na lang po kayo mamaya ha? Mag-ingat din po kayo." Nginitian ko sya at lumabas na ng kotse.

At ito ang tumambad sa akin.

LOUISVILLE UNIVERSITY

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon