Ughh. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Umupo ako at nakita kong nasa clinic na pala ako. Sandali.. magfaflashback ako..
Ahhh! Nagsuntukan sila Ivan at Jimmy. Tapos natulak ako ni Ivan sa pader. Tapos sumakit yung ulo at likod ko. Tas wala na. Sino kaya nagdala sakin dito?
Si Ivan panigurado. Wala namang pakialam sakin si Jimmy eh. </3
"Kimmy!" Pumasok si Ivan dala yung bag nya. Niyakap nya ko.
"Ok ka na ba? Ha?" Yieee. May nag-aalala na sakin. Si Baby ko kaya, nag-aalala sakin? Hmp.
"Oo naman. Ok na ok." ngumiti ako sa kanya at napakamot sya sa batok nya.
"Uhmm.. Kimmy? S-sorry ha. Ano ititreat na lang kita. Peace offering?" tinignan ko yung relo ko at ANO?! 3:00 na?! Ilang oras ba ko nakatulog?
Waait.. may usapan kami ni Jimmy diba? 3:20 yun.
"May lakad kasi ako eh. Pede bukas? Pleaaase."
"O sige sige. Hatid na kita sa labas?"
"Wag na lang. Kaya ko naman. Tsaka nagmamadali ako. Salamat nga pala sa pagdadala sakin dito ah. Sige una na ko." niyakap ko ulit sya at umalis na. Ganun talaga ko pag may tumutulong sakin. Niyayakap ko. Sweet ko no? Hahaha.
Lumakad ako papuntang garden. Kaso wala naman sya dun! Nilakad ko na lahat ng parte eh! Tsk.
Nagulat ako ng may humila na naman sakin. Dinala nya ko sa may tagong parte dun at halos walang makakakita sa amin dun. Sinandal na naman nya ko sa puno dun.
-____-
"Hoy Jimmy Franco Gutierrez! Ang hilig hilig mong manghila at mangsandal talaga--"
Ayan ulet. He kissed me again. Waaaaah! 2nd kiiiisss! (>^ω^<)
Teka.. bat antagal nya naman ata kumalas? Napamulat na ko at nakita kong nakapikit sya. Aba! Ineenjoy ata nito labi ko eh!
Marahan ko syang tinulak at buti effective yun at napahiwalay na kami.
"Hoy! Hindi porket gusto kita, pwede mo na kong halikan ng halikan! Pangalawang beses ko na yun FYI!" Nakita ko namang pumamulsa sya at ngumisi. Tumalikod sya at umupo sa puno dun.
"Kinilig ka naman?" Aba! Pasalamat ka't gusto kita kundi! Nakoo..
"Baka naman ikaw! Sino bang adik sa labi ko at lagi akong hinahalikan?" ngumisi din ako at nag crossed arms. Ano ka ngayon Jimmy?
"Ginagawa ko yun dahil ang ingay mo!" Sus. Palusot pa tong lalaking to. Gusto lang talaga kong halikan.
"Palusot mo, bulok! Ano ba yung pag-uusapan naten?" umupo na din ako sa puno. Yung sa tapat nya.
"Diba adik na adik ka sakin? Diba lagi mo kong sinusundan? Diba gusto mong maging girlfriend kita?"
"Hoy! Kung magyayabang ka lang, aalis na ko! Gusto lang kita! Hindi ako adik sayo!" Liar. Lahat naman ng sinabi mo, totoo. Nakakahiya lang aminin. >3<
Tumayo na ko at aalis na. Ayokong bumaba ang tingin nya sakin.
Pero epic fail yun dahil hinila nya ulit ako paupo. Pero yung binagsakan ko? Yung dibdib nya lang naman.
-_____-
Joke lang yung emoticon! Kasi kinikilig na talaga kooooo! Waaaaaaah! Ang bango bango nyaaaaaaa!
(>^ω^<)
"Gusto lang daw pero kung maka-amoy sakin, parang hihigupin na yung damit ko." Awtomatiko naman akong napalayo sa kanya at bumalik sa pwesto ko kanina.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!