"I want you to be the girlfriend of my grandson."
0.0
T-Tama ba ang narinig ko? Hanudaw?
"Po?" Di makapaniwalang tanong ko. Baka mali eh.
"I know you heard it right, honey. I like you for my grandson."
"But you're grandson doesn't like me, Lola. I'm sorry po. Alis na po ako." sabi ko at umalis na. Hindi ko kayang tanggapin yun. Mahihirapan lang kaming dalawa. Lalo na si Jimmy. Ayoko syang mahirapan.
"O Kimmy. Ano sabi sayo?" Nandito na pala si Ivan. Siguro tapos na ang practice.
"Ah wala. Kinongrats lang ako kasi kasali ako sa pageant. Halika na." Nauna na kong maglakad at hinubad na yung heels ko. Nakasuot pa pala ko nito.
Naglakad na kami ni Ivan palabas. Haist. Iniisip ko parin yung sinabi ni Lola. Tinanggihan ko yung opportunity na mapalapit ako kay Jimmy.
Hindi ako iniimik ni Ivan. Naglalakad lang kami. Hanggang sa makarating ako sa bahay.
"Ate! I missed you!" sinalubong agad ako ni Giddy. Biglang nawala yung bad vibes ko. Namiss ko din ang batang to.
"I miss you too Baby. Where's Mama and Papa?"
"Mama! Papa! Ate's here!" Lumabas sila sa office. Niyakap ko sila pareho.
"Buti naman nakarating ka na, nak. Magbihis ka na." Hinalikan ako sa noo ni Papa. Nginitian ko sila at umakyat na sa taas.
Nagbihis na ko at pumunta sa regalo sakin ni Jimmy. Nagsimula ulit akong mag-drawing. Maliban sa mga damit at gowns, mahilig din ako magdrawing ng anime.
Ang dinrawing ko ngayon, isang babae na nakaupo sa damuhan at nakatingin sa isang lalaki sa malayo na katabi ang ibang babae.
Dito ko nailalabas ang dinadamdam ko. Sa pamamagitan ng padodrawing.
"Ate is that you?" Napabitaw ako sa hawak kong pencil ng biglang magsalita si Giddy sa tabi ko.
"Giddy lagi mo kong ginugulat!"
"I'm not. I'm here kanina pa but it seems like you don't notice me." Bumalik na lang ako sa pagguhit. Wala akong laban sa batang to.
"Is that you?"
Ako nga ba to? Siguro nga. Ako to. Hanggang tingin lang naman ako kay Jimmy diba? Hindi katulad ng dati.
"No baby. It's just my imagination. Eat na tayo." Kinlose ko yung notebook at binuhat na si Giddy pababa.
Nandun na sila Mama at Papa. Kumain na kami lahat.
"Kimmy. Kasali ka pala dun sa pageant nyo. Ba't di mo sinabi samin?" sabi ni Mama. Hala oo nga.
"Wala po kasi kayo kahapon dito eh. Napilitan lang po ako." sabi ko at sumubo.
"Kailan ba yan?"
"2 weeks pa po." Hay. 2 weeks na lang. -_-
Pagtapos namin kumain, umakyat na ko sa taas at nahiga na. Pinatulog ko muna si Giddy.
Time Check: 9:30
Ugh. Hindi ako makatulog. Nakailang bago na ko ng pwesto pero hindi talaga eh!
Sumilip ako sa labas. Ang ganda ng moon. Tsaka ng stars. Ang kinang nila. Pumunta ako sa bubong. May secret taguan kasi ako dun. Niyakap ko ang paa ko. Malamig na ang simoy ng hangin.
Nakatitig lang ako sa mga stars. Ang dami nila. Pero isa lang ang makinang sa kanila.
Parang ako yung mga stars. Ang dami daming naghihintay sakin. Ang daming umaasa sakin pero isa lang talaga ang kumikinang. Si Jimmy lang yun..
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!