"O, ano na? Anong kakantahin natin?" Nandito na kasi kami sa living room. Ginagawa namin? NGANGA."Pili ka. When I Was Your Man, It Might Be You, With A Smile, o If I Let You Go?" sabi nya. Pansin nyo, halos lahat makaluma? Sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko yung mga ganung songs.
"Hmm.. o sige sige."
= Joyce's POV =
Wala munang POV ang KimJim. Surprise daw muna eh.
Anyway, nagtataka siguro kayo kung nasaan ako no? Nandito ako sa Batangas. Kaya dati, nagpaiwan ako kay Kimmy. Nagpapirma kasi ako ng excuse letter for 1 month. Ewan ko ba kay Mama kung bakit.
Nung nandito na kami, nag-stay kami sa resthouse namin. Akala ko, magbabakasyon lang kami. Pero isang araw, may ipinakilala sakin si Mama at Papa. Yung kaklase kong si Mark. At malaman laman ko pa, ipina-arrange marriage ako ng sarili kong magulang! Nakakainis diba! Plano ko na ngang umuwi kaso kinuha nila yung pera ko. Pati mga cards. Pati nga gadgets.
Niyaya ako ni Mark sa isang tent nun. Hindi na ko nakatanggi dahil pinilit ako ng mga magulang ko. Doon, pinilit ako ni Mark sa arriange marriage. Matagal na din pala syang may gusto sakin. Pero umayaw ako.
Ayokong maikasal sa taong hindi ko mahal! Hindi ko alam na may girlfriend pala sya. Si Angel pa! At naabutan nya si Mark na hinawakan yung kamay ko. Edi war na to! Nakakainis. Baka pagtripan na naman ni Angel si Kimmy dahil sakin.
"Hey Joyce!" Kanina pa ko tinatawag ni Mama. Pero hindi ko sya pinapansin. Galit ako. Sobra. Hindi ko akalaing isasacrifice nila ang kaligayahan ng anak nila para sa business.
"Joyce! Lumabas ka dyan kung ayaw mong sirain namin tong pinto!" Andito kasi ako sa kwarto ko. May dinner daw kami sa family nila Mark. Pero nandito parin ako sa kwarto. Hindi ako lalabas. Hindi pa nga ako nakapang-alis eh. Naka sando lang ako at shorts.
"JOYCE. I SAID OPEN THE DOOR." Wala akong pakialam kahit magseryoso man sila. Masyado nila kong nasaktan.
*Booooogsh!*
Ayan na. Sinira na nila yung pinto. Hindi ako gumalaw. Nandito parin ako. Nakaharap sa bintana. Tahimik na naiyak. Iniimagine kung ano na ang magiging buhay ko pag nakasal na ko sa Mark na yun.
"ANO BANG PROBLEMA MO HA?!" sigaw nila sakin. Alam kong nasa likod ko lang silang dalawa ni Papa.
"Kayo po, ano po bang problema nyo?" hinarap ko na sila. Nagsalita ako kahit hindi ko kaya.
"May problema po ba kayo sakin? Ha? Bakit nyo ba ko ginaganito? Ano bang ginawa ko? Lahat naman ng gusto nyo, sinusunod ko. Pati ba naman kaligayahan ko ipagkakait nyo sakin? Teka, anak nyo ba talaga ko? Kasi ang nararamdaman ko, hindi. Simula pagkabata palang, nanlilimos na ko ng pagmamahal nyo! Matanong ko nga kayo, may nakita na ba kayong ikakaproud nyo sakin? Wala diba? Wala! Kasi ano, wala kayo tuwing bibigyan ako ng medal. Wala kayo tuwing mananalo ako sa mga contests. Nasan kayo? Nasa business! Dyan sya lecheng business na yan!"
*Pak!*
"Kailan pa kita tinuruang magmura ha?!"
"May tinuro ba kayo sakin? Isipin nyo nga? Meron ba? Wala! Kasi lahat ng alam ko, nakamit ko! Pinaghirapan ko! Hindi galing sa inyo!"
*Pak!*
"Magulang mo parin kami!"
"May itatanong nga pala ko sa inyo. Naranasan nyo na bang magmahal? Ha? Bakit nyo ko ginaganto? Nagmahal ba kayo? Ah oo. May mahal nga pala kayo. Yung business nyo! Yung business nyo kaya nyong mahalin pero yung sarili nyong anak hindi!"
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!