26

2K 39 0
                                    

A/N: Algen! If you're reading this, this chapter is for you! Enjoy! ;)

Bukas na ang sembreaaaak! Wiiii. Ang saya saya lang. Oy 2 weeks din na walang pasok yun no.

"Class, bukas na ang sembreak nyo. So wag nyong sayangin. Spend it with your loved ones okay? Mag advance study din kayo. Be ready for more programs and activities after sembreak. That's all. Enjoy." Nagsigawan na ang lahat pagkatapos magsalita ng Ma'am. Pinabayaan nya na lang. Last na to no!

Wait, sabi ni Ma'am spend our sembreak with our loved ones. So dapat makasama ko lagi si Jimmy ko? Wahahaha.

"Kimmy Babes!" Napalingon ako ng magsalita si Ivan. Ganyan na ang tawag sakin nyan lagi. Pinapabayaan ko na lang dahil pagod na kong magsaway sa kanya.

"San tayo?" Napakunot ang noo ko. Wala naman kaming lakad ni Ivan ngayon ah.

"Huh?" Inakbayan nya ko at lumabas na.

Teka! Hindi pa ko nagpapaalam kay Jimmy!

"Sandali lang! Magccr ako Ivan." Tinanggal nya yung akbay nya sakin. Umalis na ko. Bumalik ako ng classroom.

Nasan kaya si Jimmy? Nagkakagulo parin kasi at ayaw pang magsialisan ng mga estudyante.

"Ayun!" sigaw ko at lumapit na papunta kay Jimmy na nakikipag usap kay Mark.

Hindi ko sinasadya na makinig sa usapan nila.

"Wala na kami pre. Na arrange ako. Kay Joyce." Napatakip ako ng bibig ng marinig si Mark na nagsalita.

A-ano daw? Inarrange sila ni Joyce? Bakit hindi ko alam to!

"Ganun ba pre? Salamat! Salamat pre! May pag-asa pa ko kay Angel! Yes!" Nanlumo ako sa narinig ko. Oo nga no? Wala na sila ni Mark ibig sabihin pwede na ulit. Psh.

Naglakad na ko papunta kay Ivan. Nung nakita nya ko, agad nya kong niyakap.

"Akala ko di ka na babalik! Wala ka naman sa cr eh. San ka ba nanggaling?" Ngumiti na lang ako at lumakad na. Sinabayan naman nya ko.

"May dinaanan lang ako. May nakabangga nga sakin eh.. ang sakit." Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Ivan.

"Kwento ka na lang sakin next time. Baka kailangan mo ng magpahinga." Nakakita ako ng lungkot sa mata nya kaya nagreact agad ako.

"Hinde! Malakas pa ko. Tignan mo oh. Oh." Nagstretch pa ko dun. Para mapatunayan na malakas pa ko.

"Ikaw talagaaaaa. Bukas na lang ha? Text kita." pinisil nya yung pisngi ko at kinindatan. Waaaaah. Ampogi ng bestfriend ko. Oo bestfriend ko yan. Bleeh!

"O sige. Ingat ka." Ngumiti ako at naglakad na papunta sa bahay.

'May pagasa pa ko kay Angel!'

Meron bang surgery na pwedeng ipapalit ang utak? Papalit nga tong sakin! Nananadya na talaga eh!

Bigla kong naalala yung isa pa nyang sinabi. Si Joyce! Kailangan ko syang makausap. Alam kong kailangan nya ko.

Nakita ko na ang kotse nila Joyce kaya nagdoorbell agad ako.

"Mam Kemmy--"

"Si Joyce po?"

"Kadadating lang po. Pasok po kayo." Nagpasalamat ako at umakyat na sa taas. Sa kwarto ni Joyce.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Nandun sya sa kama. Natutulog. Ang peaceful ng pagtulog nya.

Lumapit ako. Mali pala. Maling mali. May mga natuyong luha sa mga mata nya. Kitang kita rin ang eyebags nya. Anong nangyari sa bestfriend ko?

Pinunasan ko ang luha nya kaya nagising sya.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon