EPILOGUE

3.1K 50 2
                                    

"Ateeee! Gising na! It's your big day today!"

OH MY GOSH.

ETO NA BA TALAGA YON.

"Hoy Ate. Ano na? Di ka pa ba kikilos?" Tanong ulit ni Giddy.

"Teka napepressure ako! Okay anong gagawin? Anong unang gagawin? Sabihin mo sakinnnn!!" Bulyaw ko.

"Naloloka ka na ba? Hahaha. Kumain ka munang breakfast! Let's go!"

Tumayo na ko sa kama at naghilamos muna bago bumaba para kumain.

Ngayon pa lang, excited na excited na ko sa mangyayari!

Alam nyo na naman diba? Diba? Dibaaa? Kasal na namin ni Jimmyyyyy!

After kong kumain, syempre dapat madami daw para di ako himatayin mamaya, naligo na ko.

Nagbabad ako sa bath tub. As in babad! Tsaka nagkuskos talaga ko. Dapat maganda ko mamaya!

Isang oras din ako sa cr. Naligo lang yun ha.

Paglabas ko, andun na lahat ng magmamake-up sakin. Tapos nandun na din yung gowns, shoes, and everything sa kailangan.

Habang minemake-upan ako, ikukwento ko muna yung mga naging preparations namin ni Jim dito sa kasal.

Today is April 26, 2016 nga pala. (Birthday ni Author yon kaya wag kayong kumontra. 😂)

4 months din namin pinaghandaan ni Jim lahat. After the super nakakakilig na proposal, inasikaso na namin yung venue, guests, and theme. Mga isang buwan din yun.

Pinapili nya ko kung san ko gusto, outdoor wedding or church wedding. Syempre ang sinabi ko, church wedding. Kasi mas mafefeel namin yung presence ni Lord pag nasa church kami.

Then yung color theme, black, white and gold. Sya naman ang pumili nun. Gusto nya daw kasi, kumikinang ako sa ganda. Chos. Hahahaha.

Then yung guests, of course yung mga close friends namin. Konti lang yung inimbitahan namin sa church. Sa reception na lang namin dinamihan. Syempre nandun yung families namin, sila Ivan, Mark, Joyce, at Angel. Sayang wala si Lola Lucy. Sayang di nya nakita na ikakasal kami.

Ay nga pala. Okay na kami ng mommy ni Jim. Super close na kami. Nagka-usap na and nag-sorry sya sakin. Sa lahat daw ng paghahadlang nya samin ni Jim. And ako, syempre tinanggap ko agad. Nag-sorry din ako kasi napaka-pasaway ko dati!

Okay back to the topic, after the guests, ayun na. Yung gown at suit na. My favorite part!

Yung gown ko, mahirap syang iexplain. Basta simple lang sya! Pa-baloon yung style. Color gold and white. Off shoulder. Para bang yung kay Belle sa Beauty and thr Beast? Tapos yung suit nya, color black.

And my favorite, yung rings! Sobrang ganda ng napili ni Jimmy! Simple lang sya. May diamond sa gitna. It's really amazing.

After 1 hour, natapos na din yung make-up. Then sinuot ko na yung gown. Talagang fit na fit sakin.

Namimiss ko na si Jimmy ko. Nasan na kaya yun? Nagbibihis na kaya sya? Baka indianin ako nun juskooo! Mapapatay ko sya!!!

Biglang pumasok si Mama at Papa sa kwarto. Nakabihis na din sila. Omg they're here!

"My girl, you are so beautiful today." Sabi ni Mama at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you Ma." I said at hinalikan sya sa cheeks. Tignan mo to si Mama. Di pa ko kinakasal umiiyak na agad.

"Huy Ma wag ka munang umiyak okay? Yung make-up mo oh." Loko ko. She smiled after that.

"Hey. Can I have a hug too? Nakakainggit naman kayo eh." Sabi ni Papa. Tumakbo ko sa kanya at niyakap din sya.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon