15

2.1K 39 0
                                    

= Jim's POV =

Nung tinawag ako ni Angel, tumibok na naman yung puso ko. Nagwala na naman. Lalo na yung sinabi nyang pwede na sya ngayon. Grabe. Ang saya ko talaga ngayon.

"Jim? Kaano-ano mo ba si Kimmy?" tanong nya. Nandito kami sa isang coffee shop. Hmm.. pagseselosin ko muna sya.

"U-uhmm.. girlfriend ko." Bakit ganun? Parang ang hirap sabihin na gf ko si Kimmy? Mukha namang nagulat sya.

"Ah. Kaya pala lagi ko kayong nakikitang sweet." napangiti ako. Gumagana pala yung ginagawa namin ni Kimmy.

"Oo. M-mahal na mahal ko kasi si K-kimmy eh." Ano ba yan Jim! Wag ka ngang mautal!

"Ganun ba? Baka naman magalit sya?" Ugh. Pinapaharipan ako nito eh.

"Alam nya namang kaibigan lang kita." Kaibigan nga lang ba? Tss.

"Ah.. okay. Ngapala, nagtext si Mommy sakin. Kailangan ko nang umuwi. Thank you nga pala sa 1 hour mo." Uwi na agad sya? Tss.

"O sige. Hatid na kita?"

"Hindi na. May kotse ako. Sige. Bye." hinalikan nya ko sa cheeks. Yiee. Ang gay.

= Angel's POV =

Naiinis ako! Ugh. Lahat na lang inagaw ng babaeng yan! Si Papa, yung kumpanya, si Ivan at ngayon ang pinakasikat na lalaki sa school? Si Jim? Ugh. Attention seeker talaga yang babaeng yan. Lahat na lang! Akala mong mabait. Psh.

Pauwi na ko. Nabadtrip kasi ako sa sinabi ni Jim. Nakakainis talaga! Mahal na mahal nya pa daw.

Tinatanong nyo kung nagseselos ako? Syempre hindi! Ayoko sa mga katulad ni Jim. At tsaka may boyfriend ako. Ok na sana eh! Kaso yung boyfriend ko, ayun! Niloko ako! Ipatapon ko sya sa pluto eh. Bagay sya dun kasi mukha naman syang aso! Magsama sila ng babae nya. Tss.

Ngayon, gusto ko ng lumaban. Gusto kong makuha ang para sakin! Pero uunti-untihin ko muna. Sasaktan ko muna sya. Alam kong kaya kong makuha si Jim dahil may pagtingin sya sakin. O diba? Bonus na lang si Jim dahil gusto ko talagang saktan ang aking pinakamamahal na kapatid.

O bakit? Ngayon nyo lang ba nalaman? Well, alam kong ayaw talaga ikwento ni Kimmy sa inyo yun. Dahil galit din sya sakin. Sa tingin nya kasi, sya ang bida. Tss.

Ang Papa ni Kimmy ay ang Daddy ko. Nabuntis kasi ni Daddy si Mommy kaya nagawa nya ang maganda nyang anak. Walang iba kundi ako! At sa kamalas malasan, masyadong mahilig si Daddy kaya nabuo nya din si Kimmy. At sa ibang babae. Alam nyo yung masakit? Mas pinili ni Daddy and nanay ni Kimmy. At kami ano? Iniwan nya? Tss.

Sa harap ni Daddy, mabait ako. Perfect ako. Para kami ang balikan nya. Pero pagtalikod nya, halos kasuklaman ko sya. Kasi sa bawat pagtalikod nya, binabalikan nya sila Kimmy.

Nandito na ko sa bahay. I mean mansion. Mayaman kami. Sobrang yaman. Yan ang napala ni Daddy sa pagiwan nya samin. Tignan mo, naghihirap ngayon.

"Anak, nandito ka na pala." sumalubong si Mommy sakin. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Mommy ang lumalaban.

"Akyat na po ako." umakyat na ko sa aking kwarto. Sa MALAKI kong kwarto.

Bumungad na naman sakin yung mga pictures namin ni Mark. Sya yung boyfriend ko. Sya yung pangalawa kong minahal. At akala ko, sya na talaga. Dahil nakalimutan ko si Jim nun. Sya lang talaga ang mahal ko.

~Flashback~

Hinahanap ko si Mark ngayon. Andito kasi kami sa Batangas. Hindi ko alam kung bakit nya ko sinama dito. Gabing-gabi na. Ang lamig lamig na din.

"Babe. Joyce. Please." Teka, boses ni Mark yun diba? Sinundan ko yung boses nya. Nandito pala sya sa tent. Sumilip ako.

Napatakip ako ng bibig ng makita kong magkahawak ang kamay nila Joyce at Mark.

"Ano ba Mark! Ayoko sinabi eh!" pumapalag pa si Joyce.

"Babe. Pumayag ka na! Kung nag-aalala ka kay Angel, mas mahal kita sa kanya!" naiyukom ko ang kamay ko sa narinig ko. Halos 1 year na rin ang relasyon namin.

"Ayoko nga sinabi Mark! Umalis ka na!"

*sniff* hindi ko na napigilan ang pag-iyak kaya umalis na ko.

"Angel? Angel!" narinig kong tinawag ako ni Mark.

Hinila nya ko at pinaharap sa kanya.

*Pak!*

"Walangya ka! Hayop! Ang kapal ng mukha mo! Ano bang kulang sakin ha! Sabihin mo!" tinulak tulak ko sya pero niyakap nya lang ako.

"Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Wala na tayo!"

"Teka Angel! Mali ang nakita mo. Magpapaliwanag ako. Hayaan mo ko."

*Pak!*

"Hayaan kita?! Hayaan kita?! Anong tingin mo sakin? Tanga?! Ayoko na Mark. Dun ka na sa babae mo! Magsama kayong mga walangya!" umalis na ko. Sa Batangas. At sa buhay nya. Kahit sobrang sakit.

~End~

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko. Agad kong pinunasan yun. Ngayon ang huling araw na iiyak ako para sa kanya. Ngayon ang huling araw na iiyak ako.

At maghihiganti ako. Maghihiganti ako kay Joyce! Kay Mark. At lalong lalo na kay Kimmy. Sa pamamagitan ni Jim.

-----

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon