= Ivan's POV =
Sinundan ko si Kimmy nung lumabas sya ng clinic. Baka kasi may mangyari pa eh. Pumunta syang garden. Ano namang gagawin nya dun? Tsk. Hinila sya ni Jim at isinandal sa puno dun. Teka, anong gagawin nya kay Kimmy?! Susugod na sana ko ng hawakan ako ni Joyce.
"Bayaan mo muna silang makapag-usap, Ivan. Halika na." Hindi na ko pumalag. Ngayon lang Jim, ngayon lang.
= Joyce's POV =
Hinila ko na si Ivan paalis dun. Oo anti-Jim ako pero hindi ako anti-happiness ni Kimmy no. Sobra naman yun. Kung san masaya si Kimmy, masaya na din ako. Binabalaan ko lang sya pag tungkol kay Jim na.
"Joyce! Bakit ba! Hindi mo ba alam na baka kung ano ang mangyari kay Kimmy dun?!"
"Kaya nya ang sarili nya! Ivan, pabayaan mo na sila! Ikaw naman ang laging kasama ni Kimmy ah!" Ewan ko ba. Di ko rin feel tong si Ivan eh. Basta. Di ko alam. Psh.
"Tss. Aalis na ko." tumalikod sya at umalis. Sinundan ko sya at baka pumunta na naman sya sa garden.
At buti naman, hindi na. Deretso na sya pauwi. Bumalik na ko sa school. Hihintayin ko pa si Kimmy.
Nakita ko syang naglalakad na paalis kaya tumakbo ako palapit.
At ayun nga, nagpunta sya sa bahay para ikwento. Alam nyo, tong si Jim? Nakakabwiset eh! As in! Nakakaimbyerna! Matapos nyang gawing shunga si Kimmy pag kaharap nya, gusto nyang maging girlfriend?! ABAMATINDE! Argh.
= Jim's POV =
Nakakainis. Hindi ko expected na tatanggihan nya ko. Wala pang gumawa sakin nun! Nakakainis talaga. Pano na yung plano ko?!
"Angel?" tinatawagan ko sya ngayon. Yayayain ko sana sya sa labas.
[O, Jim. Bakit?] Whoo! Pinagpapawisan ako ah.
"Ahm.. pwede ka ba bukas?"
[Sorry. May lakad kasi ako eh. This week magiging busy ako. Bakit ba?]
"A-ah.. wala. Hehehe.. sige. Bye." Binaba ko na. Na-reject na ko eh. Ughh. 2nd time rejected. -____- Ano bang nangyayari sa mga babae ngayon? Hindi na ba sila affected sa sex appeal ko? Makapunta nga munang bar. Tss. Kahit umaga pwede yan. Di muna ko papasok.
= Kimmy's POV =
Haaay. Di pa rin ako makamove-on sa kahapon. Nakakatamad tuloy pumasok. Nanghihinayang ako eh. Baka makita ko si Jimmy na may kasamang ibang babae at nagpapanggap silang sila! Omo. Hindi ko kaya yuuun. Huhuhu.. :"(
"HOY KIMMY! ALAS SYETE NA OY!" Napapitlag ako ng marinig kong sumigaw si Joyce. ANO?! ALAS SYETE NA?!
"SANDALE! MAGBIBIHIS NAKO!" Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo. Mga 5 minutes lang nga ako nakaligo eh. Tas 10 minutes sa pagbibihis.
"Eto nako!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"Anu ba yan Kimmy! Ang tagal mo!" sigaw ni Joyce sakin. Eh kasi naman eh.. di ko narinig yung alarm clock! Kumuha na lang ako ng isang tinapay at hinila na si Joyce papunta sa school.
"Mga bata! T-tulungan nyo naman ako dito." lumingon kami at nakita namin ang isang matanda na hirap na hirap magdala ng mga dalahin nya. Di kami nagdalawang isip ni Joyce na tulungan ito.
"Salamat mga bata. Kayo ba'y may mga pasok?" napalaki ang mata ko ng naalala kong may pasok pa nga pala!
"Ahhhhhh! 7:45 na Kimmyyyyy!" HALAA?!
"Lola, Ingat po kayo ah. Thank you po sa pagpapaalala. Sige po!" Tumakbo na kami papasok ng school. Halaaa.
"Hoy. Mga estudyante kayo diba? Bat late na kayo? 6:30 pa ang pasok ah." Nakuu. Nahuli kami ni Kuya Guard. Tsk.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!