"Wakey wakey Ate!" Bulabog sakin ni Giddy. Uggggh. Ganto na lang ba lagi ang scene? Gigisingin ako tapos maiinis ako?
Di ba kayo nagsasawa readers? Pwes ako sawang-sawa na. I'm tired of this damn scene.
"Oh Ate. Relax! Kung makatitig ka naman sakin parang papatayin mo na ko. Bahala ka! Mawawalan na naman ang mundo ng isang gwapong nilalang." Dahil sa sinabi nyang yun, nabato ko sya ng unan na hinihigaan ko.
"Ang yabang mo talaga! Wag kang feeling!" Sigaw ko.
"Kanino pa ba magmamana? Hahahahaha!" Ayun. Nabato ko pa ng isa. At san naman sya magmamana? Sakin? Huh! Di ko na kailangan magyabang dahil maganda talaga ako no!
"Hay nako Ate. Pikon as ever. O sya maligo ka na. Pupunta na tayo dun sa company nila Kuya." Bumangon na ko.
Nandito parin pala ko? Wow. Akala ko panaginip lang lahat. Akala ko paggising ko di ko na haharapin to.
Sumilip ako sa bintana. Binuksan ko yun.
*Schwiiiiiiiishhh*
Malamig na hangin ang sumalubong sa mukha ko. Pero konti na lang. Bat ba kasi may malaking bahay na dito sa tabi namin! Dati puro halaman lang to eh!
Sinilip ko yung bintanang nasa tapat ko. Medyo nakikita ko yung loob nung kwarto. Color baby blue sya and white. Tapos may flat tv dun sa harapan. May mga nakikita din akong pictures na nakadikit sa pader. Pero di ko makita kung anong pictures yun. Ang liit na eh.
At wait. Parang gumagalaw yung kama? Nagigising na yata yung tao dun. Matignan nga para madakdakan ko yun mamaya! Ang ganda kaya ng view ko dito dati! Tapos biglang ganto na? Psh.
Ayan na.. patayo na syaaaaaa..
"Cutiepie."
"Ay cutiepie!" Napatili ako ng pumasok bigla si Gino.
"Ano bang tinitignan mo dyan?" Agad kong sinarado yung bintana. Mamaya isipin pa nitong naninilip ako ng kwarto eh. (Na totoo naman)
"Wala. Tinignan ko lang yung view ko. Ang pangit na. Maliligo na muna ko sweetiepie!" Kiniss ko sya sa cheeks and then pumasok na ko ng cr.
-----
After 1 hour, natapos na kong maligo at magbihis. I just wore a dress na above the knee. Color pink. And may mga designs na simple lang. Nag-heels din ako with matching accesories.
Ganto talaga ko magbihis. Kahit di mahalaga ang pupuntahan namin. Well, I'm a fashion designer! Wala na kayong magagawa dun.
"Cutiepie? You ready?" Sigaw ng aking Sweetiepie.
"Always honey!" I replied. Lumabas na ko and hinanap ko sya. Ang laki kaya ng bahay no!
"Finding me?" Napalingon ako sa likod. Then there's my sweetiepie. Wearing his dark blue polo shirt and pants. And of course ang hindi mawala wala sa mata nya, his favorite sunglasses.
"San ka kasi nanggaling?" Hinawakan na nya ang kamay ko. And we started walking.
"Dyan lang. Nilibot yung bahay." I just smiled. But behind that smile, I'm nervous. My heart is beating so fast. And the problem? I don't know why.
Nakarating na kami sa garahe. And my eyes widened.
"Why do we have 6 cars?" I asked Gino.
2 GMCs, 1 Aston Martin One-77, 1 McLaren F1, 1 BMW Limousine, and 1 Audi A3.
"Ang mamahal nito ah! San galing yan? Kauuwi lang natin diba?!"
"Hey wait. Relax okay? Pinadala yan ng Daddy mo. Magagamit mo lahat ng yan. Except daw the Aston Martin."
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!