Isang linggo ang lumipas at hindi ko pa rin sinusukuan si Jimmy. Patuloy pa rin ako sa pagsuyo sa kanya.
Nandito ako ngayon sa lake ulit.. niyaya nya kasi ako dito. Pinapanood ko sya mula dito sa puno. Tahimik lang syang umiiyak habang nakaupo.
"Jimmy." Napatingin sya sakin. Namumugto na yung mata nya. Agad ko syang niyakap.
"Ang sakit Kimmy.." binaon nya ang ulo nya sa leeg ko. At dun na humagulgol.
"Ilabas mo lang yan. Nandito na ko." Kumalas sya sa yakap at tumingin sa malayo. Habang ako, nakayakap sa tuhod ko at nakatingin sa kanya.
"Sila pala ni Mark.." Pagsisimula nya. Maski ako nagulat sa nalaman ko. Alam kong si Angel ang tinutukoy nya.
"2 taon nila tinago sakin yun. Ang tanga ko talaga." Hinayaan ko lang sya. Nandito naman kasi ako..
"Bakit ang hirap? Ganto ba talaga ang masaktan?" tumingin sya sakin pero hindi ko sya sinagot. Baka mamaya ako na ang umiyak dito.
Tumingin na ulit sya sa harap. Sa kawalan. Wala na kong ibang maisip na paraan para icomfort sya kundi yung lagi naming ginagawa.
"Lift your head.. baby don't be scared.. of the things that could go wrong along the way.."
Napatingin sya sakin. Nginitian ko sya.
"You'll get by.. with a smile.. you can't win at everything but you can try.."
Ang weird diba? Gusto ko sya pero tinutulungan ko sya kay Angel. Psh.
"Baby you don't have to worry.. Coz there ain't no need to hurry.. No one ever said that there's a easy way.. When they're closing all their doors.. and they don't want you anymore.. this sounds funny but I'll say it anyway.."
Nakuha ko ang goal ko. Ang ngumiti sya. Gumagaan ang pakiramdam ko pag ngumingiti sya.
"Boy I'll stay through the bad times.. even if I have to fetch you everyday.. I'll get by if you smile.. You can never be too happy in this life.."
Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Tumigil na din sa pagtulo ang mga luha nya.
"In a world where everybody hates a happy ending story.. It's a wonder love can make the world go round.. But don't let it bring you down.. And turn your face into a frown.. You'll get along with a little prayer and a song.."
Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya at pinunasan ang mga natitirang luha sa pisngi nya.
"Lift your head.. baby don't be scared of the things that could go wrong along the way.. You'll get by.. with a smile.. you can't win at everything but you can try.."
Bigla nya kong niyakap. Yung sobrang higpit. Napangiti ako. Napangiti ko sya. Mission Accomplished!
"Salamat Kimmy! Salamat."
Hanggang pauwi ko, nakangiti ako. Hindi ko alam kung dahil sa napangiti ko si Jimmy o dahil alam na nya yung totoo na may boyfriend si Angel.
--
"Ok na kaya to?" sabi ko habang tinitignan ang gawa ko. Nagdedesign ulit ako ngayon. Katatapos ko lang gumawa ng assignments kaya napagisipan kong mag drawing muna.
Tinabi ko na yung gawa ko at humiga sa kama. Pinikit ko na ang mga mata ko..
"Ate what are these?" Napabangon ako ng marinig ko ang boses ni Giddy. Agad kong kinuha ang mga gawa ko sa kanya.
"A-ah.. assignments ko. Matulog ka na nga Giddy. May school pa bukas diba? Goodnight!" tinago ko na yung mga papel sa isang cabinet at pinahiga na si Giddy.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!