9

2.5K 38 1
                                    

= Jim's POV =

Nakakainis tong babaeng to. Gawin ba namang paluan tong mukha ko? Dumugo pa tuloy yung noo ko.

Sinundan ko kasi sya kanina nung umuwi sya. Pipilitin ko kasi syang um-oo sa pagiging girlfriend ko. Nakita kong may letter sa pinto nila na wala dito yung parents nya. So ibig sabihin sya lang ang nandito. Kaya pumasok ako. Eh hindi ko alam na nandun pala sa tapat yung trash can kaya ayun! Nadali ko. Hinanap ko sya kaso di ko makita! Nung paakyat na ko, ayun. Sapul.

Pagkamalan ba naman akong magnanakaw?! Tss. Arte. Nakakainis.

"Ano? Bat ayaw mong gumalaw dyan? Dito ka sa tabi ko. Gagamutin ko na sabi yang sugat mo." Wala na kong nagawa kundi sumunod sa maarteng babaeng to. Tss.

Sinimulan na nyang gamutin yung sugat ko. Nilalagyan nya ng betadine.

Habang naglalagay sya, tinitigan ko yung mukha nya. Ang lapit nga sakin eh. Brown pala ang mata nya. Ang haba ng pilikmata. Ang tangos ng ilong. Bumaba ang tingin ko sa.. *lunok* sa lips nya. Naalala ko yung hinalikan ko sya.

"Anong tinitingin mo dyan?" Sh*t. Nadidistract ako sa dimples nya. Nung sinabi nya yung 'tinitingin'. Lumubog na naman sila. Magkabila kasi eh.

"A-ah. Wala. May muta ka pa kasi." Agad naman syang tumigil sa paglalagay at pinunasan yung mata nya kahit wala naman talagang muta yung mata nya. Hahaha.

"A-ay. Sorry. O, lalagyan ko na lang ng band aid." Hindi naman talaga masakit tong sugat ko. Gusto ko lang syang makausap. Wala din naman sila Mama sa bahay. Ako lang din mag-isa dun.

"Ok na. Sige na. Umuwi ka na."

"Pinapaalis mo na ba ko?" nilabas ko yung pagka-charming ko.

"Oo! Pinapaalis na kita! Hindi mo to bahay!" Aba. Hindi tinablan ah. Bakit ba ayaw nya ko dito? Baliw na baliw to sakin ah.

"Wala yung parents mo diba? So.. tayo lang ang nandito." Unti-unti akong lumapit sa kanya. Masarap tong pagtripan eh. Namumula agad. Katulad ngayon. Pulang pula na sya. Nung na-trap ko na sya..

"Anong gusto mong gawin?" tinignan ko sya sa mata mismo. Pero mali ata yun kasi napako na ang tingin ko dun.

"Umalis ka na nga dito! Matutulog na ko!" tinulak nya ko at tumakbo paakyat sa kwarto nya ata.

= Kimmy's POV =

Ughhh! Nakakainis na nakakakilig! Hahaha. Gets nyo ba. Basta! Nakakakilig kasi natitigan ko sya ng malapitan. Nakakainis dahil nandito sya sa bahay! Eh baka dumating sina Papa eh! Ganun kasi sila. Sasabihin 3 days pero isang araw lang naman dun. Psh.

Basta matutulog na ko. Uuwi na din naman yun sigurado ko.

---

" 'Cause you're the one for me, for me. I'm the one for you, for you.."

Wait.. may naririnig akong kumakanta. Ong gondo ng boseees. *.* Nananaginip ba ko? Favorite ko pa naman yung kinakanta nya.

Minulat ko na yung mata ko.. teka. Hindi parin natigil yung kanta. Kumurap kurap ako at hindi parin talaga natigil. Hindi kaya si.. Arrrrgggghh! Bat nandito pa ba si Jimmy?

Lumabas ako para sugurin na sana sya pero nagulat ako ng makita kong nagaayos sya ng table. May pagkain din dun. Nawala bigla yung galit ko.

"A-anong ginagawa mo?" napalingon sya at ngumiti sakin. Sheeems. Ang gwapooo.

"Gising ka na pala. Naghanda na ko ng makakain. Alam kong hindi ka marunong magluto eh." Makapagsalita naman to! Marunong ako magluto! Magaling pa nga eh. Hmp.

"O, halika na. Kumain ka na." Kakain ba ko? Nakakahiya naman kasi eh. Kanina, sinusungitan ko sya. Tapos kakain ako?

"Busog pa ko." tipid na sabi ko at pumasok na ulit sa kwarto. Matutulog na lang ulit ako. Titiisin ko ang gutom.

= Jim's POV =

Nung nangyari dun? Ang sungit talaga. Tss. Nagluto pa naman ako ng Adobo. Ako na nga lang ang kakain nito.

Nung natapos na ko, nagtext si Mark na pupunta daw sya sa bahay. May ginawa lang ako at umalis na din. Nilock ko yung pinto. Baka may pumasok pa dito. Kahit alam kong tabo lang ni Kimmy ang katapat nun. Hahaha.

= Kimmy's POV =

*Riiiiiiiiing!*

Ugh. Ansakit ng tyan ko. Bakit kasi hindi pa ko kumain kagabi eh?

Teka. Ambango ah. Amoy.. bacon and eggs?

*Lingon to the right*

*Lingon to the left*

OMG. May bacon and eggs nga! Ang bango in fairness.

May note na nakalagay dun.

Hoy babaeng tabo! Alam kong gutom ka ngayon kasi hindi ka kumain kagabi. Ang arte. Tss. Pinagluto na kita. Ang kapalit lang nito eh yung pagiging girlfriend ko. Ge. Good Morning. :)

- Jim/Baby

Totoo ba to? Pinagluto talaga ako ni Jimmy? At tinawag nya kong baby? Eh may kapalit naman. Ugh. -__-

Kumain na ko. Ang sarap, wag kayo. Hahaha.

Naligo na din ako at pumasok.

------

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon