6

3K 63 2
                                    

"Kimmy!" Napatalon ako sa gulat ng biglang may umakbay na naman sakin.

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway. Wala si Joyce. Hahuntingin nya daw yung lalaking nambangga sa kanya. Or should I say, yung future lover nya. Hahahaha!

"Hi Ivan. Yung kamay mo." tumingin sya dun sa kamay nyang isa. Hindi yung nakaakbay sakin.

"O, anong meron? Okay naman ah." Binatukan ko nga. Namimilosopo na eh.

"Alam mo ikaw!"

"Ano, pogi?" Aba aba. Tumataas ang confidence.

"In. your. dreams. Ivan." tinanggal na nya ang kamay nya at naunang maglakad. Hahaha. Tampururuuut. Tumigil lang ako sa paglalakad at itinaas ang kilay ko.

"Halika na nga. Di kita matiis eh." inakbayan nya ulit ako at sabay na kaming lumakad papuntang classroom.

"Uy.. advance congratulations nga pala!" humarap sakin si Ivan. Magkatapat na kami ngayon. At itinaas nya yung kamay nya. Yung parang makikipag shake hands.

"Ha? Para san?"

"Alam ko namang ikaw na ulit ang highest scorer sa exams natin. Kaya congrats na." Luh? Yun yon? Hahaha. Dahil nasa mood ako, nakipag shake hands ako sa kanya.

"Congrats din dahil ikaw na naman ang second highest scorer panigurado." ngumiti sya. Yung kamay ko di nya pa rin binibitawan.

"Uhm.. yung ano--" naputol yung sasabihin ko ng may dumaan sa gitna namin. Kaya nabitawan ni Ivan yung kamay ko.

"Hoy! Humarap ka dito! Bastos ka ah!" sinugod ni Ivan yung lalaki at pinaharap.

"Jimmy." bulong ko.

"Kasalanan ko ba kung wala akong madaanan dahil nakaharang kayong dalawa?" ikinuyom ni Ivan yung kamao nya. Hala. Trobol to! Palapit na sana ko ng..

"Aba't gago ka rin pala eh!" napahiga si Jimmy dahil sa pagkakasuntok sa kanya ni Ivan.

Hindi naman nagpatalo si Jimmy at sinuntok nya din si Ivan. Halaaaa. Dumugo na yung labi ni Ivan.

"TUMIGIL NA KAYO!" Humarang ako sa kanilang dalawa kaso hindi parin sa natigil! Ughh!

Niyakap ko si Ivan para tumigil sya. Kaso di effective! Naiipit na nga ko sa gitna eh.

"Ahhh!" natulak ako ni Ivan sa pader. Tumama yung ulo at likod ko dun.

"Kimmy? Kimmy!" Nahihilo ko. Nakikita ko silang dalawa na nakaluhod sa harapan ko. Kaso di ako makapagsalita. Parang..

Parang..

= Ivan's POV =

Sh*t! Kasalanan nung Jim to eh! Nakakainis! Napakayabang! Pati tuloy si Kimmy nadamay!

Inihiga ko si Kimmy sa kama dun sa clinic at inasikaso na sya ng mga nurse dun.

"Kasalanan mo to eh!" kinwelyuhan ko si Jim na nakasandal sa pader dun.

"Ako?! Sino ba ang unang nanuntok saten?! Sino bang tumulak kay Kimmy?!" napabitaw ako sa kanya. Arrgh!

"Inuuna mo kasi yang pride mo." matigas nyang sabi at umalis na. Tignan mo! Wala manlang pakialam kay Kimmy!

"Kimmy, Kimmy. Papasok lang ako ha. Babalikan kita, pramis." hinalikan ko yung noo nya at umalis na.

= Jim's POV =

Lumabas ako ng clinic pero andun lang ako sa gilid. Gusto ko pa kasi i-check si Kimmy. Langya kasi yung Ivan na yun eh! Napaka! Kala mo kung sino! Pati tuloy yung ibang tao nadadamay.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon