16

2.4K 38 0
                                    

= Kimmy's POV =

"Ateeeee! Kuya Jim is downstairs again! He said you'll practice something daw." Ugh. Binulabog na naman ako nito ni Giddy. Hay.

"Anong oras na ba?" tanong ko.

"It's 10:00! He's waiting for about 2 hours!" bigla akong napatayo. 10:00 na! Grabe. Anong oras ba ko nakatulog kagabi?

Ahh. Naaalala ko na.

~Flashback~

3 oras na ko nangungulikot sa laptop ko. Nagsesearch ako kung pano ako magugustuhan ni Jimmy.

Ang mga nasesearch ko lang,

1. Dress simply.

2. Act normal.

3. A way to a man's heart is through his tongue.

4. Show him you are the one.

5. Simplicity is beauty.

Waaaaah! Ang hirap hirap. Madaling araw na rin akong nakatulog dahil dun.

~End~

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha akong zombieee. Ano ba tong eyebags. Ayaw makisama. Kung kailan nandito si Jimmy eh. Naligo na ko at bumaba. Nag-sando na lang ako at pajama. Hindi naman kasi ako nagshoshorts sa bahay.

"O anak! Kain ka na! Brunch mo na to." Nakita ko si Jimmy na nasa kainan na. Wala si Papa. Nasa kumpanya na ata. Umupo na ko sa tapat ni Jimmy na nakatulala.

"Hoy Jimmy! Ano bang tinitignan mo?" Bigla naman syang bumalik sa sarili. Hala.

"A-ah. Wala." umiwas sya ng tingin sakin. Ano bang meron? Tinignan ko ang damit ko. Wala namang dumi.

"Ate! His name is Jim right? Not Jimmy." tumawa naman si Jim. Ugh. Kung pwede lang talagang i-explain.

"I thought it was Jimmy, baby. Sorry." napatungo ako. Lame alibi. Tss.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ko. Inayos ko muna yung kwarto ko. Dito kami magpa-practice ni Jimmy eh.

Bubuksan ko sana yung aircon. Kaso di ko maabot. Ang taas kasi eh! Nakatungtong na nga ko dito sa kama eh. Asan ba kasi yung remote?

Wait.. bakit umuuga? May lindol?

"Waaaaaaaaah!" Handang-handa na kong masaktan. Pero wala kong naramdaman eh. Ang lambot pa nga. At ang bango pa.

Teka, inaantok ako. Anubayan. Tatayo pa ko eh.. Tatayo..

Zzzzzz..

= Jim's POV =

Kaninang pagbaba ni Kimmy, napatulala talaga ko. Bakit ba ganun yung suot nya? Fitted kasi yung sando nya kaya kitang-kita mo yung curves nya. May tinatago palang kasexyhan ang babaeng yun.

"Jim, umakyat ka na. Nakapaghanda na naman siguro si Kimmy."

"Sige po Mrs. Sanchez." nginitian ko sya.

"Tita na lang ha?" tumango ako at umakyat na. Pagpasok ko..

"Waaaaaaah!" sumigaw si Kimmy habang bumabagsak sya kaya agad ko syang sinalo. Ang sakit nga ng likod ko. Nakakainis. At ang babaeng to, di na gumalaw! Busy ata kakasinghot sa damit ko. Tss.

"Hoy! Baka gusto mong tumayo dyan!" sinigawan ko na sya. Pero hindi pa rinsya gumagalaw.

"Kim--"

"Krrrrrr." Teka, sya ba yon? Bakit may humihilik? Tinignan ko sya at ayun nga. Humihilik sya. TINULUGAN BA NAMAN AKO?!

Asar na inihiga ko sya sa kama. Ano ba tong babaeng to?! Nahulog lang, nakatulog na?! Psh.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon