12

2.5K 39 4
                                    

= Jim's POV =

"Ang ganda no?" tanong ko sa kanya. Habang nakatingin diti sa hideout place ko. Hahaha.

"Kasing ganda ng mga mata mo." bigla nyang sabi kaya napalingon ako sa kanya. Nakatulala lang sya.

"Ha?" parang bigla syang natauhan kasi namula syang parang kamatis. Pffft. Cute.

"A-ah. Dun tayo oh!" tumakbi sya dun sa may mini-lake at umupo. Nakalublob yung paa nya dun.

Natawa ako sa reaksyon nya. Kaya masarap pag-tripan tong si BT eh.

Naalala ko kanina, nung binaon ko yung ulo ko sa leeg nya, na-tense ako bigla. Bumilis yung tibok ng puso ko. Ewan ko ba. Kaya lumalim ang paghinga ko. Naramdaman ko namang nakikiliti sya kaya tinuloy kona. Nakakatuwa nga sya eh. Yung hinalikan ko ang noo nya.. napaisip ako.

Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya.

Hindi ko talaga nakita si Angel nun. Nagkataon lang. Kaya bigla ko na lang sya binitawan. Ayokong mahulog sa kanya. Si Angel lang. Sya lang dapat.

At nung nakita kong sinigawan sya ni Ivan, di lang nakita, narinig ko pa ang mga sinabi nya. Nagalit ako. Wala syang karapatang manigaw ng babae! Lalong lalo nang magsabi ng 'MALANDI' sa hindi naman dapat.

Mas lalo akong nagalit nung nakita kong umiiyak si Kimmy. Kaya dinala ko sya dito. Pag may problema kasi ako, dito ako laging pumupunta. Narerelax kasi ako dito.

"Uy Jimmy." I snapped back to my senses ng danggain ako ni Kimmy.

"Kanina pa ko nagsasalita dito eh. Hindi mo naman ako pinapansin." Nag-pout sya dahilan upang lumubog na naman yung dimples nya. Sa di ko alam na dahilan, napangiti ako. Tuwing lumulubog kasi yung dimples nya, na-gogood vibes ako.

"Ano ba yung sinasabi mo?"

"Sabi ko bakit ayaw ka na-badtrip kanina." Bigla na naman akong napasimangot. Naalala ko na naman yung MABAIT kong tatay. -___-

"Pwede ka namang mag-kwento eh." napatingin ako sa kanya at nakangiti sya. Ayan na naman, nagogood vibes na ko.

"Yung Papa ko kasi, nung pinanganak ako, iniwanan na kami. Kami ni Mama. Alam mo dahilan? His f*cking name." napatungo ako. Naalala ko na naman yung itinakwil nya ko.

Nagulat ako ng hawakan ni Kimmy ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Sige lang. Nakikinig ako." Sa mga sinabi nya, nalakasan ako ng loob na maglabas.

"Sikat na artista kasi ang Papa ko sa Amerika. At pag nalaman ng mga fans nya na nabuntis nya si Mama at his young age, madidismaya sila. Bababa ang ratings nya. Tss. Mas inuna nya pa yung pangalan nya kesa sa responsibilidad nya?!" Di ko na napigilan sumigaw. Nakakainis kasi.

"Isang araw, hinanap ko sya. Nahanap ko sya. Nagtataping sya nun. Alam mo ba ang bati nya sakin? 'Sino ka?' Akala ko nga hindi na nya talaga ko kilala. Pero nung kaming dalawa na lang, nalaman kong kilala nya pala ko. Kaso.." Pinipigilan ko yung luha ko. Ayokong umiyak. Ayokong sa harap pa ng babae.

"Wag ka ng mahiya. Hindi naman dapat ako kahiyan. Sige. Labas mo lang yan." Naramdaman kong humigpit yung hawak nya sakin.

"K-kaso, sabi nya, wala na daw syang pakialam sakin. Na aksidente lang na nagawa ako. Wag na daw akong magpakita sa kanya kasi hindi nya daw ako tanggap. Alam mo ba kung gano kasakit yun?" Tumingin ako sa kanya at umiiyak na din sya. Pinampunas nya yung isang kamay nya sa mukha nya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Ako ang naka experience so ako lang dapat ang mag-drama diba?

"Ikaw kasi eh! Pang MMK yang kwento mo!" Bigla naman akong napangiti. Kahit kailan talaga..

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon