14

2.3K 43 1
                                    

= Jim's POV =

Hindi ako maka-focus sa mga tinuturo ng teacher namin.

Crush lang kita. Hindi mahal. Okay?

Uggghh. Bakit ba apektado ako sa sinabi ng brutal na yon? Nakakainis. Nagpapanggap lang kami diba? Tss.

"Mr. Gutierrez!" bigla akong napatayo ng gulatin ako ni Ma'am.

"Yes Miss?" nakita kong umusok ang ilong nya. Etong si Miss lang kasi ang hindi natatablan ng charms ko. Yung pang 3rd subject na.

"Kanina pa kita tinatanong. Wala ka ata sa sarili mo." Tss. Nagtatanong na pala to. Di ko manlang narinig.

"Ano po ba yun?"

"I said, pwede mo bang isummary ang binasa kong story. And explain the moral lesson." Ano bang story ang pinagsasasabi nito? Nakakainis naman. Di ko napakinggan.

"Uhmm.. Miss." Dinaan ko na lang sa charm ko. Baka makuha eh.

"So I guess you're not listening to me. Ms. Sanchez, can you please help Mr. Gutierrez?" tinignan ko si BT. Tumayo sya with full of confidence. Bagay pala sa kanya yung one side lang na braid. Kaysa dalawa.

"The story is all about a girl who's willing to sacrifice everything just for her love. But one day, she realized that all of her efforts was worthless. The boy doesn't even appreciate that. So she decided to stop 'courting' her love. Even if she loves him very much. She decided to live a normal life because she loves herself. But the boy, then realized that he can't live without the girl. He realized that he's madly inlove with her. But it's too late. The girl found her one true love. The love that she can be proud of. No more stalking, no more crying, no more pain."

Napanganga ako sa kwento ni Kimmy. Sa pamamagitan ng pagkukwento nya, naintindihan ko agad.

"And what's the moral lesson for you?"

"The moral lesson to me? Sabi nga po nila, 'Bakit ka maghihintay bumaba ang elevator kung pwede mo namang gamitin ang hagdan na naghihintay sayo.' Yun lang po ang masasabi ko. Alam ko naman pong alam nyo ang deeper meaning nun." Napangiti sya ng mapait at tumungo. Habang sinasabi nya yun, nakatingin lang sya sakin. Teka, para sakin ba yun?

Biglang nagpalakpakan yung mga tao. Nadala ata sila sa sinabi ni Kimmy.

"Mr. Gutierrez? Sana naman may natutunan ka sa Words Of Wisdom na binigay ni Ms. Sanchez. You may now seat."

Bakit mo hihintayin bumaba ang elevator kung may hagdan namang naghihintay sayo.

Yun lang ang tumatak sa isip ko sa lahat ng sinabi ni Kimmy.

--

MAPEH time na ulit. Eto yung pinakagusto kong subject. Kasi last na. Tsaka uto uto yung teacher namin dito.

"Class, next next week, mageexam na ulit tayo diba?" Ganto kasi sa school. Every month may 2 exams. Mastery and Quarterly. Ewan ko ba kila Mama kung baket. -_-

"Alam nyo na naman yung magpeperform diba?" Biglang nagtaas ng kamay si Kimmy.

"Sir, mawawala po si Joyce ng 1 month sabi nya po. Sino na po ang magiging partner ko?" Napaisip ako. Wala din si Mark. Edi wala din akong partner.

"Sir! Ako na lang!" sigaw ko. Ayoko ngang mag-isa. Magmumukha lang akong tanga dun.

"That's it. Kimmy will be paired for Jim. Good Luck. Pwede na kayong magusap usap ngayon. Next week ang simula ng practice." lumapit ako kay Kimmy na busy sa pagsusulat sa notebook nya.

"Boo!"

"Ay baby ko!" Napatawa ako sa reaksyon nya. Baby ko daw. Hahaha.

"Uyy.. iniisip nya ko." umupo ako sa tapat nyang upuan at ipinatong yung dalawa kong siko sa armchair nya. Nakapalumbaba ako kaya kitang kita ko ang pamumula nya.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon