= Jim's POV =
"~Lalalala.. lalalalala..~"
Teka. Nasan ba ko? Nasa langit na ba ko? Bakit may anghel na nakanta? Bakit ang ganda ng boses nya?
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kimmy na nakasandal sa headboard ng kama at nakapikit.
Ayy. Anghel nga.
Syet. Korni na ko. Hahaha.
"Psst. Kimmy." Napatigil sya sa paghymn at tumingin sakin. Kumurba ang labi nya. Parang nagpipigil ng tawa. Napakunot naman ang noo ko dahil dun.
"Anong nakakatawa?" Namumula na sya. Ano bang meron?
"Eh kasi.. pfft.. ano kasi.. Hahahahaha! Yung ano mo.. hahahaha!" Hindi na sya nakapagpigil. Tawa na sya ng tawa. Parang hindi babae to kung makatawa e. Naaasar na ko!
"ANO?!" sumigaw na din ako. Pero hindi parin sya tumitigil.
"Ano kasi.. may waterfall na sa baba mo. Hahahaha!" Waterfall? Sa baba? Hinawakan ko ang baba ko at.. basa basa dun. Syete! Tumulo ba laway ko?!
"Hahahahahaha!" Agad-agad akong umalis sa lap nya. Pulang-pula na sya sa kakatawa. Ako naman, pulang pula na sa kahihiyan.
Kung tumulo yung laway ko.. edi meron din sa..
"Grabeeeee! Meron din sa pants kooo! Kadiri kaaaaa!" Pinunas-punasan nya yung pants nya gamit yung kumot.
"Ang arte mo! Maghihilamos nga muna ko!" sigaw ko at pumunta na sa banyo.
= Kimmy's POV =
Hahahahahahaha! Epic si Hahahahahaha! Grabe. Di ko na mapigilang tumawa. Epic kasi talaga eh.
Actually, hindi ako naturn-off. Lahat naman kasi ng tao ganun. Ang cute nga ehh! Kitang-kita ko yung pamumula nya. Grabe. Nakakatuwa. ^_^
"Tumigil ka na nga sa pagtawa panget!" sigaw ni LT sa banyo. LT as in Laway Tulo. Hahahahaha!
"Opo! Hahahaha! Bababa na ko!" Hindi parin ako natigil sa pagtawa. Pero mahina na ngayon. Baka marinig nila Mama eh.
"Nak! Nakapag-practice na ba kayo ni Jim?" Ongano? Hindi pa kami nakakapag-practice. Kung ano-ano kasi ang inuuna ng lalaking to eh.
"Uhmm.. mamaya pa po eh." Sabi ko. Nako. Next week na pala ang exams. 1 palang ang practice namin.
"Asan na sya?" Napangiti naman ako na malapit ng mapunta sa tawa. Kasi naman! Naaalala ko yung kanina!
"Nasa cr po. Pababa na rin po yun." tumabi na ko kay Mama na kasalukuyang nanunuod ng teleserye. Nakita kong 3:00 na rin pala ng hapon.
"Kimmy! Practice na tayo!" sigaw ni Jim sa taas. Baka tapos na yung maghilamos. Pfft.
"Ma, akyat na po ako." nginitian ako ni Mama at umakyat na ko sa taas. Pagakyat ko..
"Ahhhhhhhhhhh!" Sinong hindi mapapasigaw? Kung may makikita kang perfect body sa harap mo? 8 pack abs. Muscles. Biceps. In short, topless sya sa harap mo! Buti na lang at sarado na yung pinto at di masyadong rinig ang sigaw ko.
"Ano ba Kimmy?!" pinikit ko ng mariin ang mata ko. Halaa. Wala to Kimmy. Imagination mo lang to.
"Magbihis ka nga! Bakit ba wala kang damit!" tumalikod na ko. Ugh. Hindi ako makahinga. Chos. Hahaha.
"Baka mabasa yung damit ko pag naghilamos ako! Wala akong dalang damit kaya naghubad muna ko." Ugh. Ang lame nung sagot nya! Nakakainis na nakakakilig.
"O ayan. Meron na kong damit. Humarap ka na." Humarap na ko at..
"Ahhhhhh! Ano baaaaa!" Pagharap ko kasi, andun na sya mismo sa tapat ko! At topless pa rin sya! At dahil sa maliit ako, katapat ko lang naman yung dibdib nya! Tss.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!