3

3.2K 65 0
                                    

*Riiiiiiing!*

Nandito na kami sa school. Lunch na. Nangyari sa practice namin kahapon? Okay naman. Nakapractice kami. Syempre surprise dapat!

"Kimmy, umorder ka ba?" tanong sakin ni Joyce. Dito kasi sa school, pag wala kang baon, pwede kang umorder ng pagkain tas kukunin mo sa canteen.

"Oo. Bakit?"

"Di ako nakaorder eh! Di dumaan yung papel sakin." Hala? Edi lalabas na naman kami. Nakuuu.

"Samahan mo na ko sa labaaaas. Pleaaase. Kimmyyy." hinila hila nya yung kamay ko.

"Joooyce, ilang beses na tayong napagalitan pag lumalabas eh." Kasi naman, bawal lumabas. Kailangan may letter ka from the principal. Eh hindi naman valid yung nakalimutan lang umorder. Tsk.

"Sige naaa. Kimmyyy. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Promise." itinaas nya pa ang kanan nyang kamay para makatotohanan.

"Lahat talaga?" tumango sya. Ngumiti ako ng nakakaloko. Hmm.. sige sige.

Habang naglalakad kami papuntang gate, nakita ko si Jimmy na nakatayo din dun.

"Kuya guard, wala pa ba?" tanong nya. Parang may hinihintay sya dun.

"Hi Jimmy!" bati ko sa kanya wearing my super sweet smile. Nilingon nya ko at kumunot ang noo nya.

"Jim ang pangalan ko. J-I-M. Naiintindihan mo ba? Hindi Jimmy. Tss." tumalikod na sya sakin. Hmp! Lagi na lang akong pinapagalitan nitong lalaking to. :/

"Uhmm.. Kuya Guard, pwede po lumabas? Nakalimutan ko po kasi umorder. Wala po akong makakain." nag pacute pa ko kay Kuya Guard kaso yung mukha nya, ganto (-_-) Huhubells. Mukhang malabo.

"Na andito ka na naman? Lagi mo na lang nakakalimutan umorder." Hay nako Kuya Guard. Kung alam mo lang na yung magaling kong bestfriend ang may amnesia pagdating sa pagorder.

"Eh kuya naman. Ikaw kaya! Busy kasi ako sa pagaaral. Kaya hindi ko napansin yung papel. Sige na Kuyaaa." pero parang hindi sya kumbinsado.

"Bawal nga. Wala kang letter galing sa principal! Kaila--

"Kuya, palabasin nyo sya." biglang sabi ni Jimmy. Omooo. O.O Napalingon ako bigla sa kanya.

"Palabasin nyo sya. Sige na. Lumabas ka na." Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko sya! Niyakap ko syaaa! Niyakap ko -- ANO?! NIYAKAP KO SYA?! Kakalas na sana ako ng bigla nyang higpitan yung yakap. O.O Ehmehged. Totoo ba to? Kyaaaaah! Nagdidiwang yung kalooban ko ng bigla na lang syang kumalas. Nakita kong nakatingin samin si Angel.

Ah. Kaya pala.

Nakalimutan kong nagiging sweet lang sya sakin pag nandyan si Angel.

"O, lumabas ka na. Baka magbago pa isip ko." Hmp. Balik na naman sya sa dati. Kailan kaya kami magkakaron ng matinong usapan? :(

Tumakbo ako palabas at bumili ng pagkain. Alam nyo ba kung bakit sinusunod ni Kuya Guard si Jimmy? Anak kasi sya ng may-ari ng school. O diba? Bongga yun!

"Joyce. Eto na pagkain mo." sabi ko ng makapasok na ko ng classroom.

"Yes! Thanks Kimmyyy! Loveyou!" niyakap pa ko. Ganyan yan pag may kailangan eh.

Kinwento ko kay Joyce yung nangyari kanina. At ang bruha, sinermonan na naman ako! Bakit ko daw niyakap? Bakit daw ako kinilig? Eh syempre naman! Crush ko eh!

"Alam mo Joyce, kaya bitter ka, wala ka kasing lovelife. Try mo kaya." Matagal na kasi yang si Joyce na walang lovelife. Kaartehan lang daw yun.

"Ewwwww! Ayoko nga. So eww." Sus. Arte nitong babaeng to eh. -_-

"Eww ka dyan. Wag na wag mo kong hahampasin sa kilig at isasama sa mga balak mo pag nainlove ka ha. Tandaan mo yan." Baka tumandang dalaga si Bestfriend! Hahahaha.

"Pero syempre Kimmy, magkakagusto din ako. Pero hindi pa ngayon. Hindi pa ko ready. Ayoko ng mga ganyan ganyan." Okay okay. Nagdrama na naman po si Joyce. Asahan nyo na ang madami pang kadramahan ni Joyce all over the story. Dejoke. Haha.

"Kdot. Sige na. Kumain na tayo. Drama mo."

Natapos ang lunch at nagklase na kami. Sinabi na hindi muna daw kami maglelesson. Sa friday na kasi ang exam. Wednesday na ngayon. Magrereview na lang daw kami.

"Huy Kimmy. Punta ko sa bahay nyo mamaya. Pa-tutor. Ha?" bulong sakin ni Joyce habang may pinapasulat samin. Reviewer ata namin to.

"Oo na. Kailan ba nagexam na hindi ka nagpaturo?" narinig kong napa-'Yes' sya ng mahina.

"Stop what you're doing and continue it at home, class. You may now dismiss." niligpit na namin ang mga gamit namin at lumabas na.

Nagsabay na kami pauwi ni Joyce at nagpaturo nga sya sakin.

-----

A/N: Next chapter magsisimula ang kilig sceneees!

VOTE AND COMMENT.

- juliameeeyzing :*

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon