= Kimmy's POV =
"All the winners and placers of Mr. and Ms. Louisville, proceed to the office now."
Luh. Ano na namang pakulo ng principal namin? Na lola ni Jimmy. -_-
Nagsipuntahan na kami sa office. Lahat ng nakakuha ng award, nandun. Syempre kasama na si Jimmy at Angel.
"So, I called you here for a very serious matter." Nakakatakot yung aura ni Lola Lucy ngayon. Haleeeer.
"Ano po ba yun?" Bagot na tanong ni Jimmy.
"May nagsabi lang naman sakin ng totoong nanalo ng Ms. Louisville." Napakunot ang noo ko. Totoong nanalo?
"What? Ano na naman yan?!" sigaw ni Angel. Syempre mag-rereact yan. Sya ang Ms. Louisville eh.
"Ms. Angel! Don't talk to me like that! I'm still the principal here!" Nag-roll eyes na lang si Angel at tumalikod. Psh.
"So, back to the topic. I'm very dissapointed dahil sa pangyayaring ito. I don't know na marunong na pala kayong mandaya."
"ANO PO?!" sigaw ko. I'm so sorry naman! Nagulat ako okay? May nandaya daw kasi!
"Calm down Ms. Kimmy." sabi ni Lola. Ugggghhh.
"Ito ang final and REAL list ng winners." May pinindot na button si Lola at may lumabas sa LED screen tv sa may harap namin. Ang hightech ah.
2nd: Blah blah and Blah blah
1st: Angel Generoso and Ivan Santos
Title: Kimmy Sanchez and Jim Gutierrez
Teka, pangalan ko ba yun?! Yung sa title?! Ehmehged.
"What?! Where is your proof?!" Tumayo na si Angel. Walanjo ang babaeng to!
"Proof? Easy. Here." May pinindot ulit si Lola at lumabas ang isang babae at lalaki sa screen.
"Eto oh, 20,000 yan. Ako dapat ang panalo." Si Angel nga yung babae! May inabot syang sobre dun sa lalaki. Isa ata yun sa judge.
"Sure Ms. Angel. Ako ng bahala."
"Eh manloloko ka pala!" sigaw ni.. wait? Joyce? Bat nandito sya?
"Joyce?" Lumapit sakin si Joyce at may binulong sakin.
"Long story. Mamaya ko na ikukwento." Tumingin ulit sya kay Angel. Yung tinging nakakamatay na. Nako po. Aatake ang maldita powers ni Joyce.
"Oh! Magpaliwanag ka! Ayan na yung ebidensya! Ano?!" Hinawakan ko na yung kamay ni Joyce. Manunugod na to mamaya eh.
"Excuse me! Nakikita mo ba yung mukha ko sa video? Hindi! Kaya wala kayong karapatan para pagbintangan ako!" Lalong nagwala si Joyce. Tinulungan na ko ni Ivan sa pagpapakalma sa kanya.
"Joyce. Bat ba sobrang affected ka dito?" tanong ni Ivan. Oo nga no. Hindi naman sya kasali.
"Basta. Malilintikan sakin yang Angel na yan."
Maya maya, nagsalita na ulit si Lola Lucy.
"I hope everyone is calm now. I need only the three of you, Joyce, Angel and Kimmy."
Lumabas na yung iba. Kami na lang apat ang natira. Kasama si Lola.
"Joyce. Explain now."
"Papunta po kami ni Mark dito kanina. At nakita ko po ang babaeng yan kasama yung lalaki sa video at sinabi ni Angel na salamat daw po. Binigyan nya pa to ng sobre na laman ay pera. Kaya pinacheck po agad namin ni Mark ang cctv video nung pageant. And boom! Nakita ang kalokohang ginawa nyan!" Di ako makapagsalita. Speechless kumbaga. Di ko akalaing magagawa ni Angel yun.
BINABASA MO ANG
Hi, I'm His Girlfriend (Completed)
Romance"Hi! I'm his girlfriend kasi eh. You better back off." *reality* "Huy! Gising na! Aasa ka na naman!" Want to know the story behind her famous line, "Hi, I'm His Girlfriend?" Click now and enjoy reading!