36

2K 30 0
                                    

*Riiiiiiiiiiiing!*

"Ugh. Tumigil ka nga Joyce!" Oo. Alam kong si Joyce yun. Kanina pa kask tumunog yung alarm clock ko. At lagi akong ginigising nyan kaya alam ko na boses nyan.

"O, tumayo ka na kasi Kimmy! Pageant na--"

"ANO?!" Napabalikwas ako ng upo.

"Oo nga! Kaya kumain at maligo ka na!" Napa-poker face ako ng di oras. Argh. Ngayon na ba talaga? Ayoko naaaaa!

Kumain na ko at naligo. Tinatamad talaga kooo!

"O, nasan na yung magmamake-up?" tanong ko. Kami lang kasi ni Joyce ang nandito sa kwarto. Sabi ni Mama, may hinire daw sya para mag-ayos sakin.

"The one and only dyosa in the world, it's meee! Joyce! Wiiii!" Napalaki ang mata ko. Si Joyce?

-_____-

Baka mamaya pagtripan ako ng babaeng to ah.

"Pero syempre di lang ako. May mga assistant din ako." Tinaas baba nya pa yung mga kilay nya. Psh.

Dumating ang 2 babae. May dala dala silang parang toolbox. Teka, anong gagawin nito sakin?!

Binuksan nung isa ang toolbox at kumuha ng gunting. Homayghad.

"A-Anong gagawin nyo sakin? Tatawag ako ng pulis! Lumayo kayo sakin!" Baka mamaya chopchopin ako ng mga to eh.

Ouch. Nabatukan ako ni Joyce. Bakit ba?!

"Ang OA mo Kimmy! Gugupitan ka lang okay!" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sanabi ni Joyce. Naninigurado lang ako no.

Nagsimula na akong gupitan. Babay long haaair. Nakakainis nga dahil hindi ako pinapatingin sa salamin. Pano ko malalaman kung ano ang ayos ko!

Ramdam ko na yung dati na hanggang siko kong buhok, hanggang dibdib ko na lang. Huhuhuhu.. :"(

Minake-up-an na din ako ni Joyce. Ang kati kati nga ng mukha ko eh! Tsaka feeling ko ang kapal kapal ng make-up. -_-

After mga 2 hours, tapos na. Hay nako. Baka magmukha akong white lady nito sa kaputian.

"Titingin na ko sa salamin Joyce!" sabi ko.

"Ops! Bawal muna! Suotin mo na to." Binigay nya sakin ang isang dress. Cocktail sya na paball gown na tube na color white. Haist. -_-

Sinuot ko na to sa cr. Ang kati den! Ano ba to! Fit na fit! Kitang kita ang bilbil ko nito. Ang ganda nung dress. Super simple nya pero ang daming designs. 

Lumabas na ko ng cr. Nandun na sila Mama, Papa at Giddy. Lahat sila ngumanga nung lumabas na ko.

"Ate! You're so beautiful!" Bigla akong niyakap ni Giddy. Napakabolero talaga ng batang to.

"Don't make me bola ha Giddy?" sabi ko. Tumawa lang sya.

"Ang ganda mo nga Kimmyyyyy!" tili ni Joyce. Ano bang boses meron to si Joyce! May mic sa loob?

"Patingin na kasi ng salamin!" Pinaharap na nila ko sa salamin.

0.0

Wait. *blink* Ako ba to? Bakit mukha kong dyosa? Chos.

Hindi masyadong makapal ang make-up ko. Ang ganda nga eh! Ang galing ni Joyce. Tapos yung buhok ko, nilagyan ng side bangs tapos naka-pang princess na tali sya. Woooow.

"Nak." Hinarap ako ni Mama. Nakangiti sya at niyakap ako.

"Goodluck Anak! Susunod kami dun. Magbibihis lang kami. Ipagdadrive ka naman ni Joyce. I love you anak. Goodluck." Niyakap ko si Mama. Tumingin ako kay Papa and he mouthed 'I love you' and 'Goodluck'.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon