MTT ~ 11

1.6K 29 1
                                    

"Omg Mikkie!" Bigla akong napabitaw kay Jim at pumunta sa lugar kung san nakahiga si Mikkie.

Nakita ko syang nakahiga at may benda yung likod ng ulo nya.

Niyakap ko sya agad.

"What happened to you?" Tanong ko sa kanya. But she didn't respond.

"Hey Mikkie. This is Ate Kimmy! Tanda mo pa ko? Ako yung lagi mong kasama dati sa park! Tapos si Giddy diba? Bestfriend mo sya diba? Still remember us?"

Nagulat ako ng biglang tumulo yung luha nya. Pero hindi pa rin sya umiimik.

I turned into Jim.

"She can't speak."

O.O

"Oh Mikkie.." Niyakap ko sya ulit at kiniss yung noo nya.

Kinuha nya yung whiteboard sa gilid nya at nagsulat.

"I miss you Ate Kimmy." Yan yung nakalagay sa whiteboard.

"I miss you too! Super ganda mo na ngayon ha!" Sabi ko at napangiti sya.

"Bolera! Hahaha!" Yan yung sinulat nya.

"Hahaha! No no! You're really beautiful now! Naaalala ko dati, uhugin ka pa eh! Hahaha!"

"Past is past Ate! And you! Beautiful! Goddess ka na ba ngayon?" Napatawa naman ako sa sinulat nya.

"Bolera ka din eh! Hahaha!"

Lumapit si Jim at hinalikan yung noo ni Mikkie.

"Where's Mama?" Tanong nya.

"Bumili ng food." Sulat naman ni Mikkie.

"Sige dito ka lang ha? Kakain na din kami nila Kimmy at Joyce."

Nakita kong medyo kumunot ang noo ni Mikkie.

"Don't worry! We'll be back! Right Jim?" Tanong ko kay Jim at nginitian nya ko.

"Please take care." Sulat ni Mikkie.

"We will, Princess. Goodbye. Take care too! I love you so much." Hinalikan ulit ni Jim at Mikkie at lumabas na kami.

"Naapektuhan daw yung vocal nerves nya kaya di sya makapag-salita ngayon. But the doctor said maibabalik daw yun after 4 months." Sabi ni Jim.

"Kawawa naman si Mikkie. She's too young to suffer all of these." Sabi ko. She's only 12 or 13 for God's sake!

Ngumiti na lang si Jim at nauna ng maglakad papunta sa restaurant na kakainan namin. Nandito din naman sya sa ospital.

"Hey Kimmy." Omg nandito nga pala si Joyce!

"Oh Joyce! Sorry di na kita masyadong nakausap ha. Kasi natuon talaga yung pansin ko kay Mikkie eh. Sorry." Sabi ko.

"Ano ka ba! Okay lang yun no! Tsaka di nyo naman sinabi na dito pala ang 'date' nyong dalawa." Napalo ko si Joyce. Kung ano ano lumalabas sa bibig eh!

"Anong date?! Umayos ka nga! This is not a date." Sabi ko. Ngumiti na lang sya ng nakakaloko at tumingin sa paligid.

"Maybe this time.. It'll be love that THEY'LL find.. Maybe now they can be more than just friends.." At ang loko, kinanta pa yung Maybe This Time -.- Wait lang ha. Ang alam ko etong si Joyce ang number one hater ng KimJim dati ah!

Di ko na lang sya pinansin at dumaretso na kami sa restaurant.

"Table for 3 please." Sabi ni Jim dun sa nag-aassist.

"Oh wait! Table for two na lang Jim! Tumawag kasi si Mama eh! May emergency daw. I'm very sorry. Kimmy, don't worry sasabihin ko kay Gino na you're safe. And Jim! Bantayan mo tong si Kimmy ko ha! Goodbye! Lavyah!" Tuloy-tuloy na sabi yan ni Joyce at umalis na.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon