Kabanata 1

142 7 5
                                    

A/N
This was originally YiZhan fanfic pero dahil pinasa ko sa dreame app, kinailangan kong palitan ang mga pangalan.

Lester Wang (Wang Yibo)
Ezekiel Xiao (Xiao Zhan)

“Naniniwala ba kayong may ibang nilalang tayong nakakasalamuha dito sa lupa maliban sa tao subalit sila ay nagbabalatkayong tao lamang?" tanong ng matandang ginoo na nasa unahan ng sampung kabataan. Nakaupo ito sa may kalakihang bato sa gilid ng daan.

"Huh? Mayroon po bang ganuon, Ginoo? Tao subalit hindi tao?" sagot naman ng maliit na lalaking bata na maaaring edad pito.

Alas siyete iyon ng gabi at tanging liwanag lamang ng bilog na buwan ang tanglaw sa paligid. Wala pang kuryente sa lugar na iyon at tanging sa siyudad pa lamang ang may kuryente. Sa tuwing gabi ay normal na nag-uumpukan ang mga kabataan at ilang mga may edad upang magpalipas ng gabi. Ang ilan naman sa mga kalalakihan ay nagkakantahan habang naggigitara.

"Kung totoo man po iyun, paano malalamang hindi sila tao?" sunod namang tanong ng batang babaeng edad walo.

Ngumiti ang matandang ginoo bago sumagot, "May mga pagkakataong hindi naman talaga kailangang malaman pa ng tao ang kanilang eksistensiya sa mundo sapagkat karamihan sa kanila ay namumuhay ng normal kagaya lamang ng tao. Subalit may mga pagkakataong ang eksistensiya nila ay kusang lumilitaw sa mundo dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan."

"Ah mababait po ba ang mga kagaya nila?" isa pang batang babae ang nagtanong.

"Katulad sa tao, may mabuti at may masama. Hindi man sila tao subalit gaya sa tao ay binubuo din sila ng kabutihan at kasamaan." Tumayo ang matanda mula sa bato at ngumiti sa mga bata. "Magkuwentuhan tayong muli sa susunod, ako'y magpapaalam na."

"Saglit lamang po, Ginoo, maaari po ba silang maging kaibigan ng tao?" pahabol ng batang lalaking nagtanong kanina.

"Hahaha, hindi ninyo nalalaman subalit maaaring isa sa kaibigan ninyo ay kagaya nila. Siya sige maiwan ko na muna kayo. Magkita tayong muli sa susunod."

Kumakaway ang matandang naglakad palayo sa mga bata.

"Mag iingat po kayo, Ginoo!" panabay na sigaw ng maliliit na paslit bago ito nagtayuan at nagsipaglaro sa kalsada.

"Tao subalit hindi tao? Totoo kaya ang mga iyon o kathang-isip lamang ng ginoong iyon?" tanong ni Lester sa sarili habang papalayo sa kinatatayuan niya kanina noong pinakikinggan ang kwento ng matanda. Napadaan lamang siya doon sapagkat bumili siya ng gas sa tindahan para sa kanilang gasera at nakuha ang atensiyon niya sa kuwento nito.

Napatawa siya sa sarili. "Maaaring kathang-isip lamang iyon ng ginoo para sa mga bata. Hihi," bulong niya.

Hindi kalaunan ay nawala na iyon sa kanyang isipan.

Siya si Lester, dalawampung-taong gulang, matikas ang katawan at magandang lalake. Subalit sunog ang kanyang balat sapagkat bilad sa araw dahil sa pagtatanim ng kung anu-ano o hindi kaya'y panghuhuli ng isda sa laot. Ganunpaman, hindi iyun hadlang sa isang probinsyanong katulad niya. Katunayan, karaniwan ang ganuong sunog na balat sa nayon.

Ilang linggo ang nakalipas.

"Lester! Lester!"

Nagulantang mula sa pagkakatulog si Lester dahil sa sigaw ng kanyang ina mula sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Mahilo-hilo pa siya at walang tsinelas na tinakbo niya ang pintuan.

"Ano po bang kaguluhan iyan, Ina?" pupungas-pungas na sagot ni Lester matapos buksan ang pintuan.

"Magmadali ka, Anak! Nagkakagulo doon sa dalampasigan dahil sa naglalakihang mga isdang nagtampisaw sa gilid ng dagat. Para bagang milagrong sadyang inalay sa ating bayan ang mga isda!" Nanguros pa ito at umusal ng pasasalamat sa Dios.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon