Kabanata 22

15 0 0
                                    

"Wala ng dapat pang alalahanin Lester baby, maayos na ang lahat sa hospital. So far naniwala naman si Tito na nasa maayos ka subalit hindi pa tamang oras upang ikaw ang gumanap saiyong papel sapagkat mas maigi kung nakakasama kita habang wala silang malay na kasama kita. Nais kong matiyak ang iyong kaligtasan," mahabang paliwanag ni Zeke kay Lester matapos ang mainit nilang pagtatalik.

Napaisip siya sa sinabi ni Zeke. Kung sabagay ay may punto ang lalake. “Subalit paano ang opisina?”

“Huwag mong alalahanin iyon, simula bukas ay maaaring ang pekeng Lester ang gumanap saiyong papel. Ako na ang bahala roon.”

Matuling lumipas ang mga oras at payapang nakatulog si Lester sa mga bisig ni Zeke. Buo na ang kanyang kalooban na ibuhos sa lalake ang buong pagmamahal at kalimutan gaano man kahirap ang lalakeng nabubuhay lamang sa kanyang panaginip.

Subalit...

"Lester..."

"Lester..."

Masayang lumingon si Lester matapos makilala ang tinig ng lalakeng hinihintay. Nakaupo siya sa batuhang nasa dalampasigan. May usapan sila ni Ezekiel na magtatagpo sa lugar na iyon ngayong gabi upang manghuli ng isda. Katabi niya ang pana at maliit na buslong yari sa net.

"Ah! Bakit kay tagal mong dumating mahal ko?" tanong niya sa bagong dating kasabay ng masiglang pagtayo at salubong ng yakap sa lalake.

Mainit namang tumugon ng yakap si Ezekiel at nakangiting ginulo ang buhok ni Lester.

“Nasabik ka bang makita ako?” nangingislap ang mga matang tanong ni Ezekiel kay Lester.

“Kulang ang salitang sabik para ipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa bawat minuto, nais kong makita ka!”

Puno ng lambing ang tinig ni Lester ng sumagot kasabay ng paghapit niya sa beywang ni Ezekiel. Lubos na nagningning ang pilak na mga mata ng huli.

“Nais kong madama ang iyong pagkasabik sa akin mahal kong Lester," masuyong bulong ni Ezekiel sa punongteynga ni Lester.

Nangalisag ang buhok sa katawan ni Lester at nakaramdam siya ng kakaibang init ng katawan na nagmumula sa sentro ng kanyang kaibuturan. Init na hindi niya pa naranasan kailanman simula ng magkasama sila ng engkantong katipan.

“Sa paanong paraan mahal ko?”

“Puntahan natin ang hardin ng Eden...” 

Naguluhan si Lester sa sagot ni Ezekiel subalit bago pa man niya maihayag ang katanungan, nagbago sa isang iglap ang kanilang kinaroroonan.

Sa gitna ng napakagandang kaparangang mabulaklak na iba't-iba ang kulay, sa ilalim ng bilugang buwan, doon sila lumitaw ni Ezekiel na magkayakap.

Namangha ng lubos si Lester sa nasaksihan. Ang mga mata niya'y nanlalaking nagniningning sa pagkamangha habang nililibot ng tingin ang paligid.

“Nasaan tayo, ito ba ang hardin ng Eden?"

Nakangiting sumagot si Ezekiel sa manghang katipan, “Hindi, kundi sa aking paraiso.”

"Napakaganda! Bakit ngayon mo lamang ako isinama sa lugar na ito?" may tampo ang himig ni Lester sa kanyang pagtatanong.

Masuyong sinuyod ng tingin ni Ezekiel ang nagtatampong katipan. Ngumiti siya at nagwika, “Sapagkat espesyal ang araw na ito mahal kong Lester."

Kapagdaka'y matinding kumalabog ang dibdib ni Lester na parang tambol matapos makitang unti-unting hinuhubad ni Ezekiel ang suot niyang malapad na telang sinturon. Nakatingin ito sa kanya ng matiim at nangingislap ang kanyang kulay pilak na mga mata. Kasunod ay ang paghubad ni Ezekiel ng kanyang mahabang kasuutan.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon