Kabanata 43

5 0 0
                                    

"Ihanda mo ang iyong sarili Allen," wika ni Zeke matapos siyang dalhan ng pagkain at kasuotan kinaumagahan.

Nagulat na napakurap si Allen at sumikdo ang kanyang dibdib. "Bakit kamahalan? Este, Zeke pala. Anong dapat kong paghandaan?"

Ngumiti si Zeke bago tumugon, "Hindi ba't nais mo akong pagsilbihan? Magkakaroon na iyon ng katuparan. Ang gawin mo'y magmadali kang kumain at maligo sapagkat mayroon akong ritwal na dapat gawin upang maitago ko ang iyong kaanyuang tao."

Matapos ipaalam iyon ay kay Allen ay nagmadali ring umalis si Zeke.

"Teka, lumaki ba si Zeke? O dinadaya lamang ako ng aking paningin? Bakit pakiwari ko'y tumangkad siya?" bulong ni Allen sa sarili pagkaalis ni Zeke. Nang maalala ang bilin ng prinsipe ay nagmadali siya sa pag-aayos ng kanyang sarili.

Kabado ang kanyang dibdib. Hindi niya na halos nabibilang kung gaano na siya katagal nakatago sa silid na iyon kaya naman ang lumabas siya ay nagbibigay ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib.

Paano kung mahuli sila ng Hari?

Patayin kaya siya nito? Subalit hindi ba't iyon talaga ang kapalit ng paninirahan ng isang tao sa kaharian ng mga engkanto?

"Huwahhhh! Mahabaging langit, huwag naman sana kaming mabisto ng Hari! Nais kong matagal na pagsilbihan ang prinsipe," wala sa loob niyang wika.

Kabado man ay inayos pa rin ni Allen ng mabilis ang sarili. Hindi niya bibiguin ang kanyang kamahalan bilang kapalit sa ginawang pagligtas nito sa kanyang buhay.

.

.

.

"Hiyahh! Hiyahhh! Hiyahh!" malakas na hiyaw ni Zeke ang pumupuno sa parteng iyon ng kaharian. 

Naroon sila sa malawak na lupain sa ibaba ng kabundukan at nag-eensayo si Zeke ng iba't-ibang uri ng martial arts. Si Allen ay naroroon lamang sa ilalim ng isang malaking akasya habang nagmamasid sa prinsipe. Ang kasuotan niya'y katulad sa mga nakapaligid na kawal sa buong kaharian. Ginawa siyang personal na alalay ni Zeke, at itinago nito ang kanyang awra bilang tao kaya naman walang sinumang nakapansin ng kakaiba sa kanya.

Kung mayroon mang mga matang nakatingin sa kanya, iyon ay dahil sa iisang katanungang, "Bakit kumuha ng personal na alalay ang prinsipe? Hindi ba't ayaw nitong napapalapit kaninuman?"

Katanungang pumukaw rin sa kanyang kuryusidad. Habang nakatitig sa nag-eensayong prinsipe ay hindi maitago sa mga mata ni Allen ang matinding paghanga.

Ang mga galaw ng prinsipe ay walang mintis. Sa bata niyang edad ay napakagaling na nito. Maging ang mga guro nito'y kababakasan ng paghanga sa mga mata. Sapagkat tunay ngang karapatdapat sa kanya ang titulong prinsipe.

Dumaan ang mga araw na wala siyang ibang ginawa kundi ang sundan lamang at pagsilbihan ang prinsipe.

Isang hapon at namamahinga ang prinsipe sa ilalim ng punong akasya...

"Allen, ayos ka lamang ba sa iyong tungkulin? Kung napapagod ka'y..." wika ni Zeke na puno  ng pag-aalala para kay Allen.

Iwinasiwas ni Allen ang dalawang kamay bilang pagtanggi. "Masayang-masaya ako sapagkat napagsisilbihan kita Zeke. Huwag mo akong aalalahanin."

Kinuha ni Allen ang tuwalya sa kanyang tabi at pinunasan ang pawisang mukha ng prinsipe. "Alisin mo ang iyong kamiseta at magpalit ka ng kasuotan," wika niya.

"Hahaha. Hindi ako magkakasakit dahil lamang sa pinagpawisan ako," natutuwang tugon ni Zeke.

"Ahhh basta! Kailangan mong magpalit ng kasuotan. Pangit ang nalalamigan sa katawan," pangungumbinsi ni Allen habang patuloy na pinupunasan ang mukha at leeg ni Zeke hanggang sa magtama ang kanilang mga titig.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon