"Sige, bahala ka na rito. Hindi na kita sasamahan pa sa loob at baka ano pang isipin sa akin ng asawa mo," pagpapaalam ni Lester.
"Wala namang pakialam iyon. Baka nga kahit manlalake ako ay walang halaga sa kanya," pakli ni Samantha.
Napalunok si Lester. Ayaw niya man itanong subalit natalo na naman siya ng kuryusidad kaya naman lumapit siya sa babae at bumulong, "May nobyo ba siyang lalake? O napatunayan mong ganoon nga siya dahil nahuli mo na?"
Bumulong din si Samantha, "Oo, minsan ko na siyang nahuling may kasamang lalake papasok sa isang hotel."
Nahulog ang puso niya sa sahig. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang katindi ang kanyang kaba. Wala sa sariling, "Nakakadiri ba sa iyong palagay ang makitang magkasintahan ang dalawang lalake o kaya babae man?"
Kabado siya sa sasagutin ng babae subalit mas lalong tumibok ang puso niya ng hilahin ni Samantha ang collar ng kanyang suot na damit at bumulong ito sa gilid ng kanyang labi, "I'm not discriminating homosexuals. In fact, mas nakakabilib ang pagmamahalan ng mga katulad nila. Sinawing-palad nga lamang akong umibig sa isa sa kanila."
Lumayo siya kay Samantha sapagkat bakit nga ba magkadikit sila??
"Hehehe! Mabuti naman kung ganuon. Sige maiwan na kita dito," napapaso niyang wika.
"Hindi ko pa nasasabi saiyong napakagandang lalake mo, Lester Wang."
"Ah hindi naman iyon kailangan. Matagal ko na kasing alam iyon. Hehe," mahangin niyang sagot, pilit nilalabanan ang kabog ng dibdib.
"Hahaha. I like you!"
Napatalon pareho sa gulat sina Lester at Samantha nang bigla na lamang may kung anong maitim na bagay ang nahulog sa itaas at bumagsak sa paanan sa pagitan nilang dalawa.
"My goodness!" hiyaw ni Samantha.
"Ay kabayo ka! Ano ba iyon?!" gulat namang hiyaw ni Lester.
"Goodness! May multo ba dito sa mansiyon niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Samantha.
Natawa si Lester at umiiling na pinulot ang nahulog sa sahig at napag-alaman niyang isang telang itim na nakabuhol lamang pala iyon. Tumaas ang kilay niya. Lumingon siya kay Samantha at seryoso ang tinig na nagwika, "Maiwan na kita dito. Enjoy your stay. Tsaka walang multo kaya huwag kang matakot." Matapos ay mabilis na siyang tumalikod.
Nilingon ni Lester ang magkabilaang dulo ng pasilyo subalit walang Zeke siyang nakita. Wala namang gagawa ng kakaiba sa bahay na iyon kundi ang engkantong kasintahan niya lamang.
'Nagseselos na naman ba siya? Hay grabe. Ang pogi ko talaga.' Inis niyang naisip.
Patungo na siya sa kanyang silid ng maulinigan ang mga tinig sa bandang terasa sa ibaba. Wala sa loob na dumeretso siya sa pasilyo patungo sa dulong beranda kung saan matatanaw ang terasa sa ibaba. At nasaksihan niya ang nobyong nakikiharap sa pinsan niyang pumupuno sa katahimikan ng gabi ang halakhak.
"Ang demonyong 'to, siya pang malakas ang loob magpakita ng selos ganoong siya ang may kaharutan. Buwisit!"
"Ako ang hinaharot, hindi ako yung nakikipagharutan," malamyos na tinig ang sumagot sa kanyang teynga.
"Tumahimik ka! Walang pinagkaiba iyon!" tugon niya.
"Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang makipaglandian?" banas na tanong ni Zeke.
"Hindi ako nakikipaglandian! Walang dahilan upang gawin ko iyon!"
"Talaga lang ha! Kaya pala halos makipaghalikan ka na sa pulang hito na iyon!"
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...