Kabanata 46

3 0 0
                                    

"Ugh!"

Hindi niya makuhang maidilat ang kanyang mga mata, pakiwari niya'y napakalayo ng kanyang nilakbay. Masakit ang kanyang lalamunan at uhaw na uhaw ang kanyang pakiramdam. Sinikap niyang maidilat ang kanyang mga mata subalit pakiwari niya'y puputok ang kanyang ulo sa tindi ng kirot na nararamdaman.

"Ano ito? Bakit ganito?" piping tanong niya sa sarili.

Ilan pang sandili ay narinig niya ang komosyon sa kanyang paligid habang pinipilit niyang dumilat at igalaw ang nanghahapding katawan.

"Lester! Lester!"

Narinig niya ang pagtawag sa pangalang pamilyar sa kanyang pandinig subalit lalo lamang nagpakirot sa ulo niya sapagkat hindi niya maunawaan kung sinong tampalasang Lester ang tinatawag ng isang boses lalakeng hindi kalayuan sa kinahihigaan niya.

"Tubig..." mahinang sambit niya kasabay ng mahabang pag-ungol dahil sa halo-halong sakit na nararamdaman.

Mga nagmamadaling yabag ng mga paa at nagmamadaling galaw ang tangi niyang nauunawaang nagaganap sa paligid kasabay ng marahang pagdampi sa labi niya ng botelyang may lamang tubig na kaagad niyang ininom. Nagbigay iyon ng kaunting kaginhawahan sa kanyang pakiramdam. Marahan niyang idinilat muli ang mga mata at ang unang bumungad sa kanyang paningin ay ang nakakasilaw na puting liwanag at puting kisame.

"Lester... Mahal kong Lester!'' hikbi ng tinig lalakeng nasa bandang kaliwa niya.

Marahan siyang lumingon upang alamin kung sinuman ang nagsasalitang iyon subalit ang nahihirapan niyang idilat na mga mata ay biglang nanlaki sa reyalisasyong nasa kanyang harapan!

"Kamahalan!!!"

Pero bakit?? Parang may mali!! Malaking malaking MALI!! Napaungol siyang muli dahil sa biglaang daloy ng halo-halong mga senaryo sa kanyang utak. Ang pinakamamahal niyang kamahalang Zeke ang tanging laman niyon subalit hindi nga ba at siya rin ang nasa kanyang harapan ngayon. Malaki nga lamang ang pagkakaiba sapagkat...

"Doctor! Ano pong nangyayare kay Lester?"

Narinig niyang wika ng lalaking kamukha ng kanyang kamahalan habang pinipigilan ang kanyang katawan sa paglilikot sa higaan. Kasabay ng matalim na kung anong itinurok sa kanyang braso na nagpabigat sa talukap ng kanyang mga mata matapos ay idinala siya nito sa karimlan.

Madilim na ng muli siyang magising at tahimik ang paligid. Tanging tunog ng iilang ingay sa labas ng silid ang kanyang naririnig at ang mahinang boses ng paghinga sa kanyang tagiliran. Nang mapagtanto niyang naigagalaw niya na ng maayos ang katawan ng wala ng matinding sakit na iniinda ay marahan niyang sinikap na bumangon.

At sa kanyang paglingon ay nakita niya ang lalaking nakayupyop sa kama at mabining natutulog subalit sandali lamang ay nagising ito marahil naramdaman ang kanyang presensiya. Mabilis itong umupo ng tuwid at hinaplos ang kanyang pisngi habang patuloy lamang siyang nakatitig sa lalaking kamukha ng kanyang kamahalan na hindi niya masigurado kung iisang tao lamang sila.

"Lester, ayos na ba ang iyong pakiramdam? Wala bang masakit sayo? Sandali at tatawagin ko lamang ang doctor!''

Mabilis niyang inabot ang kanyang kamay at hinila ang kamay ng lalaking mabilis na tumayo upang tawagin sana ang doctor. Marahan siyang umiling, "Ayos lamang ako." Subalit naguguluhan siya!

"Sinong Lester ang tinutukoy mo? At ikaw, ano ang iyong pangalan?" sa wakas ay naitanong niya rin ang kanina pa naglalarong katanungan sa kanyang isipan.

Naguluhan ang lalakeng kaharap at matiim na tumitig sa kanya, ilang saglit pa ay rumihistro ang matinding kalungkutan sa mga mata nito na pinilit takpan ng pilit na ngiti bago sumagot, "Ikaw si Lester at ako naman si Zeke. Marahil ay nagdulot sayo ng pagkalimot ang nangyaring aksidente ng pagkahulog mo sa hagdan at pagtama ng iyong ulo sa semento."

Nagbigay lamang ng mas nakakalulang kasagutan ang itinugon sa kanya ng lalaking nangngangalang Zeke.

Zeke...

Coincidence! Nagkataon nga lamang ba ang lahat??? Ang huli niyang natatandaan ay magkasama sila ng kamahalan sa isang mala-paraisong bukal na may talon at pinagsasaluhan ang mainit na tagpo sa tagong lugar na iyon....

Ang Zeke sa kanyang harapan ay eksaktong kahawig ng kanyang kamahalan subalit may malaking pagkakaiba. Sapagkat ang kanyang kamahalan ay mahaba ang abuhing buhok, kumikinang ang mga gintong palamuti sa buhok nito at mahaba ang kasuotan na palaging kumikinang sa kaputian. Samantalang ang Zeke sa kanyang harapan ay hindi rin maitatago ang matinding kakisigan subalit maiksi lamang at itim ang buhok nito. Nakasuot ng itim na jacket na pinalolooban ng abuhing kamiseta at nakasuot ng hapit na itim na pantalon at sapatos. Sa madaling salita ay taong Zeke ang nasa kanyang harapan samantalang engkantong Zeke ang kanyang kamahalan.

Pero teka, Tao nga ba ang nasa kanyang harapan?

"Lester..."

Tila nagising siya sa malalim na pag-iisip matapos siyang alugin ng makailang ulit ni Zeke.

"Allen... Ang pangalan ko ay Allen..." tugon niyang hindi inaalis ang pagkakatitig sa gwapong mukha ni Zeke na biglang pinanlakihan ng mga mata at malakas na sumagot.

"Anong pinagsasabi mo Lester??? Ikaw si Lester at hindi Allen ang iyong pangalan!"

Naguluhang muli si Allen. "Pero Allen talaga ang aking pangalan..."

"Imposible! Paanong bigla na lamang naging Allen ang iyong pangalan? Kung dahil sa aksidente, dapat ay wala kang natatandaang kahit ano. Pero bakit...?" Napatititg sa kanya ng matiim si Zeke na tila may iniisip na kung ano.

"Marami akong natatandaan sapagkat ako si Allen, natatandaan ko ang aking talambuhay mula ng ako'y isilang..."

Napakurap si Zeke ng makailang ulit habang tila hindi gumagana ang kanyang utak upang maunawaan ang lahat. "Naka-tsungki ka ba Lester? Nagising ka na ba habang wala ako sa iyong tabi at uminom ng kakaibang gamot dito sa loob ng hospital?"

Gustong matawa ni Allen sa tugon ng lalake subalit ni hindi niya makuhang ngumiti sapagkat siya man ay naguguluhan.

"Subalit nagsasabi ako ng totoo. Ang pangalan ko ay Allen. Allen Chen mula sa malayong lugar ng tsina."

Matapos marinig ni Zeke ang buong pangalang sinambit ni Lester ay namutla siya at napatulala!

Allen Chen...

Allen Chen...

Ang pangalan ng pinakaiibig niyang lalake ay Allen Chen...

Si Allen Chen na matagal ng lumisang sa mundo niya at sa mundo ng mga tao...

Muli ba siyang nagbalik sa katauhan ni Lester???!!!

Maraming katanungan sa isipan ni Zeke na nagpakabog ng husto sa kanyang puso. Pabalik-balik siyang naglalakad habang nanlalamig ang buong katawan.

Ano ang kanyang gagawin? Bakit nagkaganitong bigla ang sitwasyon?!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

NOTE: GUSTO NIYO PO BA ANG POV NI EZEKIEL? ANG ISULAT KO SA MGA SUSUNOD NA KABANATA?

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon