KABANATA 44

3 0 0
                                    

SINO???!!!

TUG!

TUG!

"Anak ng...!"

Teka...

Panaginip ba iyon?

Inalog-alog ni Allen ang kanyang ulo. Sa kanyang isipa'y napakalinaw pa rin ng mga imaheng kanyang nakita. Napalunok siyang napamulagat matapos mapagtanto ang isang bagay...

"Ako iyon hindi ba?? Subalit nakapagtataka..." mahina niyang bulong.

Totoong nakapagtataka nga sapagkat siya mismo ang nasa panaginip. Siya mismo ang bida doon at ang hinahalikan ng kamahalan niyang prinsipe. Ngunit nang mapatingin siya sa salamin ay ibang katauhan ang kanyang nakita!

Siya si Allen Chen sa ibang katawan...

Teka...

Ano nga ulit ang tinawag sa kanya ng kamahalan..?

Isa pa, bakit ganoon at tila nasa ibang panahon ang kanyang prinsipe. Zeke rin ang pangalan nito, natatandaan niya subalit maiksi ang kanyang buhok at napakasopistikado ng kanyang kakisigan. Nag-uumapaw ang kanyang kagandahang lalaki.

Subalit...

"Sino si Lester?" 

"Iyon kaya ang lalaking iibigin ng kamahalan pagdating ng panahon? Napakakisig rin ng Lester na iyon..."

Nakaramdam si Allen ng kakaibang panibugho at tila maiiyak siya sa hapding nadarama ng kanyang puso. 

Dahil sa nakita niyang aksiyon ng dalawa sa panaginip, magkayakap ng mahigpit habang magkahinang ang mga labi...

Ang kanilang pagtatalik...

"BWISIT!!!"

Kung ganun ay lalaki din ang gugustuhin ng kamahalan sa pagdating ng panahon?

"Paano na lamang pala ang aking damdamin?" wala sa loob na tanong ni Allen sa sarili.

Ang mga titigan nila sa kanyang panaginip ay nakakabahala sapagkat nag-uumapaw sa mga mata ng prinsipe ang pag-ibig nito sa lalaking iyon!

Dahil sa mga iniisip ay hindi na siya nakatulog pa ulit. Sa tantiya niya'y nasa alas dos pa lamang ng madaling-araw subalit pabiling-biling lamang siya sa higaan hanggang marinig niya  na ang tilaok ng mga manok sa hindi kalayuan.

Halo-halo ang laman  ng kanyang isipan, kasama na doon kung halimbawang nasa mundo siya ng mga tao, ano na kaya ang kanyang kalagayan? Baka mamatay lamang siya sa kalupaan dahil sa mga ganid niyang naging kasamahan.

Nakapanlulumo subalit ganuon nga siguro talaga ang mga tao. Mga tae sila!

Bali-baliko ang pag-iisip na kahit pinakain mo na'y ikaw pang tutuklawin, parang ahas lamang.

TOK.

TOK.

TOK.

Huh? Anong oras na ba?

Nagtatakang bumangon si Allen at nagtungo sa pintuan upang pagbuksan ang kung sinu mang kumatok roon.

"Allen, magandang umaga," nakangiting bungad ni Zeke pagkabukas niya ng pintuan.

"Kamahalan, magandang umaga rin sa'yo," hindi maiwasang iiwas ni Allen ang tingin sa kamahalan habang siya'y sumasagot.

Sapagkat ngayon ay kakaiba ang eratikong pintig ng kanyang puso. Nang mapagmasdan niya ang prinsipe at kakisigan nito'y parang pelikulang biglang rumagasa sa isipan niya ang mga kaganapan sa kanyang panaginip. Lalo na nang mapagmasdan niya ang mapupulang labi ng prinsipe.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon