Nagulantang si Lester ng tumunog ang kanyang cellphone. Bumangon siya upang dukutin ang aparato sa kanyang bulsa. Pangalan ni Aubrey ang rumehistrong tumatawag.
"Hello."
"Babe! Oh my God. Ngayon ko lamang nalaman ang nangyari sa iyo. Kumusta na ang iyong pakiramdam? Sinamahan ko ang aking pinsan sa kanyang operasyon sa matres. Pasensiya na at hindi ako makakapunta sa'yo ngayon."
Tumaas ang kilay niya. Napaisip siya sa galing umarte ng babae. Maaaring pangpelikula!
"I am fine. Nothing to worry about. I think hindi ko pa oras mamatay. Haha."
"Are you really fine, Babe?" mahinang tanong sa kabilang ibayo ng kawad.
"Yes. Bakit, inaasam mo bang mapahamak ako?" malambing niyang tanong sa babae.
"Of course not! What nonsense are you talking about?!" galit na tugon ng babae.
Hindi niya alam kung galit sa sinabi niya o galit dahil hindi siya nagtagumpay na patayin siya.
"Haha. Just kidding. Anyway, I'll wait for you when you have time. I'm in Saint Luke's Hospital. Alam mo na, I miss you."
Gusto niyang masuka sa pinagsasabi niya.
"I promise. I miss you too. Bye babe."
"Bye."
Naputol ang tawag. Hinagis ni Lester ang kanyang cellphone sa kama at nahigang muli. Ipinatong niya ang isang braso sa kanyang noo.
Malalim siyang nag-isip muli.
Paano ko nga ba naging kasintahan si Aubrey?
Kung sana'y naaalala niya ang lahat!
Wala sa sariling ginalaw-galaw niya ang magkapatong na paa habang nakapikit at nag-iisip.
Inalala niya ang buhay sa probinsya. Kung nananatili siya doon ay maaaring walang mga peligrong ganito siyang kinakaharap.
Tahimik na buhay. Payak na tahanan. Presko ang hangin maging ang mga pagkain.
Maliit pa ng mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente sa karagatan, siyam na taong gulang pa lamang siya noon. Inabot ng bagyo sa laot ang kanyang ama at hindi nakaligtas sa peligro matapos itaob ng malakas na hangin at alon ang sinasakyang bangka. Apat silang mangingisda subalit nakaligtas ang dalawa. Hindi pinalad ang kanyang ama sa sakunang iyon. Ang ipinagpapasalamat lamang nila ay tinangay sa dalampasigan ang katawan ng ama kaya naman nabigyan nila ng marangal na libing.
Nasa edad anim ay natatandaan niyang dinadala siya ng kanyang ama sa bukirin. May mga malulusog na pananim ang kanyang ama na mais, kamote, at iba pang halamang-gulay. Napakasipag ng kanyang ama. Hindi niya natatandaang nagutom silang mag-ina habang nasa poder ng ama.
Subalit sa tuwina, iniiwan lamang siya ng ama sa maliit na kubong naroon sa gilid ng taniman sa bukid. Siya ang tagahila sa mahabang tansi na may mga nakasabit na latang may bato sa loob. Nakahilera ang mga tansi sa ibabaw ng mga pananim. Ilang hilera iyon at napakaraming lata. Subalit magkakadugtong iyon at doon nakatali ang dulo sa maliit na bahay-kubo. Kaya naman nakaupo lamang siya doon habang hinihila ang tansi. Ang tunog ng mga latang iyon ay nagsisilbing pambugaw sa mga mapaminsalang uwak at iba pang hayop na umaali-aligid sa taniman. Habang ang kanyang ama ay abala naman sa pagbisita sa mga tanim.
Bumigat ang kanyang mga talukap...
Ilang linggo ng nakikita ni Lester ang isang lalakeng malungkot na nakaupo sa isang malaking putol na kahoy hindi kalayuan sa kubo. Mahaba ang puting buhok nito at napakakisig. Palagi niyang naiisip kung sino ang taong iyon at bakit malungkot ang kanyang mga mata. Subalit ni minsan ay hindi siya nagtanong sa ama. Baka kasi magalit si ama at paalisin ang lalaki doon. Wala naman itong ginagawang masama kundi ang maupo doon at magpalakad-lakad na tila balisa.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...