Kabanata 20

14 2 0
                                    

"Why do they need to call you, Zeke? Mga kauri mo naman sila, they can hypnotize the suspect," nagtatakang tanong ni Lester.

Umiling si Zeke at sumagot, "It is my special ability. Hindi lahat ng kauri ko ay may kakayahang magpasunod sa tao, maging si Argus na nakatataas ay walang ganuong kakayahan."

Naunawaan ni Lester subalit nagtataka pa rin talaga siya. "Bakit nga ba hindi mo ako kayang pasunurin?"

"I already answered you. I don't know. Let's go home."

"How about we go to the hospital first?" mungkahi niya.

Nag-isip si Zeke ng ilang saglit bago sumagot, "Ok."

Bumalik na silang magkasama sa sasakyan. Sa pagkakataong iyon, katamtaman lamang ang ginawang pagpapaandar ni Zeke.

Malalim na ang gabi at kakaunti na lamang ang mga nagdaraang sasakyan. Pumikit si Lester ng makaupo sa passenger seat.

"You are tired. Let me take you home first, ako na lamang ang pupunta sa hospital," suhestiyon ni Zeke.

"We will go home together," mahina niyang sagot.

Natahimik silang dalawa at pawang hininga lamang nila ang maririnig sa loob ng sasakyan. Nagpapakiramdaman at kapwa hindi alam ang sasabihin.

Si Lester ang hindi nakatiis.

"Zeke."

"Hmm?"

"Galit ka ba sa akin?"

"No."

Tumahimik muli si Lester. Hindi niya alam kung maniniwala kay Zeke o hindi. Ramdam niya kasi ang panlalamig sa kanya ng lalake.

"Lester..." mahinang tawag ni Zeke makalipas ang ilang saglit.

"Hmm?"

"Can you...?"

Dumilat si Lester at lumingon kay Zeke.

"Can I what?"

"Can you forget him?"

Kumalabog ang dibdib ni Lester. Nanuyo ang kanyang lalamunan. At napalunok siya.

"What do you mean?" painosente niyang tanong.

"Nevermind."

"Zeke. Tell me," He wanted to know. Gustong malaman ni Lester kung saan niya ilalagay ang sarili sa buhay ni Zeke.

Inihinto ni Zeke ang sasakyan sa may kadilimang parte sa gilid ng daan at yumupyop ito sa manibela. Malalim ang kanyang bawat paghinga.

Inabot ni Lester ang kanyang palad at marahang hinaplos ang buhok ni Zeke. Napakalambot nito at madulas. Gusto niyang yakapin ang lalake.

"Zeke..." mahinang usal niya.

"Forget the person in your dream, Lester." Tumingin sa kanya si Zeke na nakayupyop pa rin sa manibela.

"It's just a dream. Hindi siya totoo," kinukumbinse niya nga ba si Zeke o ang sarili niya? Biglang lumitaw sa kanyang isipan ang napakakisig na si Ezekiel at rumagasa ang kakaibang tensiyon sa kanyang katawan. Kaya niya bang kalimutan ang imaheng iyon?

"Do you still want me to be with you for the rest of your life?" basag ni Zeke sa kanyang iniisip.

"I do, Zeke," walang alinlangan niyang sagot. Pilit itinataboy ang imahe ni Ezekiel sa kanyang isipan.

Tumitig lamang sa kanya ang lalake. Hindi niya tuloy malaman ang sasabihin. Hindi ba ito naniniwala sa kanya? O nababasa ni Zeke ang kanyang iniisip at ayaw lamang siyang ibuko?

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon