Kabanata 26

12 1 0
                                    

Nakarating sila makalipas ang mahigit dalawang oras ng paglalakbay sa nais na lugar. At talaga namang napahanga si Lester sa ganda ng tanawin.

Ang kabuuan ng pasyalan ay may nakapaligid na matatayog na luntiang mga puno na may mangilan-ngilang dilaw na mga dahon na para bang desenyo ito sa kanila. May mga ibong humuhuni at umaali-aligid sa mga punong iyon.

Habang sa unahan ay may naggagandahang halamanan na mayroong kakaibang mga bulaklak na may iba't-ibang kulay. Mayroon ding mga paru-parong palipad-lipad sa ibabaw ng mga bulaklak na tila ba sumasayaw sa himig ng malamig na simoy ng hangin.

Subalit ang mas kamangha-mangha ay ang matayog na lumang templo sa pinakagitna ng pasyalan. Ang templo ay nakatayo sa ituktok ng tila maliit na bundok na may mahigit isangdaang baytang pataas. Gawa sa mga bato ang templo at may mga halamang baging na nakakapit sa pader sa paligid nito. Pakiwari niya ay ginawa ang templo sa panahon ng medieval. Sobrang luma ngunit sobrang tibay rin. Iyon nga lang, sa palagay niya'y isa na lamang pasyalan ang lumang templo. Marami ring mga turista ang naglilibot at kumukuha ng mga larawan at mga video.

"Whoah! This place is awesome!" halos maglaway sa pagkamanghang komento ni Lester.

Maging ang mga kasamahan niya'y ganuon rin ang reaksiyon sa kanilang mukha, maliban sa tiyahin na tila pamilyar sa lugar. Kaya naman tinanong niya ang ginang ng may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

"Are you familiar with this place, Auntie?"

Umiwas ng tingin ang tiyahin bago sumagot, "Of course not. This is my very first time I came here. And the scenery is really awesome! It's majestic!"

"Yes! Truly majestic," pagsang-ayon ni Lester subalit hindi man kumbinsido ay nanahimik na lamang siyang muli at muling pinagmasdan ang paligid.

Talaga ngang kahanga-hanga ang lugar. 'Kung sana'y kasama ko lamang si Zeke dito,' piping hinaing niya.

Dahil sa pagkahumaling sa tanawin ay hindi niya napansing napalayo na pala sa kanila ang mag-asawang Arnold at Samantha na pawang hindi rin makapaniwala sa ganda ng paligid habang ang tiyuhin at tiyahin ay nasa malapit lamang niya.

"Tito, nais ko sanang akyatin ang templo. Gusto niyo po bang sumama doon?"

"Naku Lester! Nais ko sana subalit baka lumagutok ang mga tuhod ko! Hahaha!"

"Haha!"

Natawa siya sa tiyuhin ganung hindi pa naman katandaan ang edad nito. Marahil ay dahil kulang ito sa ehersisyo.

Naglakad siya patungo sa hagdanan paakyat sa templo nang bigla na lamang may ala-alang dumaan sa imahinasyon ni Lester. Napahinto siya sa paglalakad at natulalang saglit.

"Magandang umaga po saiyo, Ginoo," nakangiting bati ni Lester sa isang matanda. "Kayo po ba ay magtutungo sa bayan?"

“Aba kay gwapong binata ito!” Kung pakatitignang maigi ay mababakas sa matanda ang paghangang pilit itinatago ng pilak nitong mga mata. Nagpatuloy siya, “Tama ka, Iho, ako'y bibili ng gamot sa rayuma at medyo palyado na ang aking tuhod. Hihi."

Lumapit siya kay Lester at bumulong, "Hindi ako makakarami sa Lola mo kapag lumagutok itong aking mga tuhod. Hihihi!"

Napakamot sa ulo si Lester at sa wari niya ay namula din ang kanyang pisngi dahil sa papuri nito at kabulgaran.

"Si Lolo talaga oh! Haha. Ako nga po pala si Lester. Makailang ulit na po kitang nasisilayan dito sa nayon subalit hindi ko po alam ang iyong pangalan," nakangiting wika niya. "Kayo po ba ay taga rito o bagong lipat lamang po?"

"Lucas ang aking pangalan. Hindi ako magtatagal dito. Ako'y nagbabakasyon lamang sa isa kong kaanak."

"Ahhhh. Sige po maiwan ko na po kayo Ginoong Lucas at tumataas na po ang sikat ng araw. Mag-iingat po kayo sa daan!" paalam ni Lester.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon