Dalawang araw silang nagpalipas sa kubo na iyon. At sa loob ng dalawang-araw ay nangyari ang kababalaghan ng pagkakaroon ng mga pagkain. Labis ang pagtataka ni Henry subalit wala siyang sinabi o kwenento ukol sa mga kakaibang kaganapan sa kanya. Para sa kanya'y sagrado ang pagkakaroon ng mga kaibigang nasa kabilang demensiyon ng mundo! Isa pa'y katawa-tawa para sa iba ang mga kakatwang kaganapan.
Sa pagkakataong iyon, ay hindi na bahay-tuluyan ang kanilang ipinunta sa kabayanan kundi ang magkaroon ng maliit na tahanang mauupahan. Dahil sa maayos nilang kasuutan at malinis na hitsura ay madali silang nakakuha ng hinahanap na tuluyan. Hindi naglaon ay umisip siya ng maiging plano kung paano mabubuhay sa lugar na iyon.
"Ano kayang maaari nating gawing negosyo sa lugar na ito?" tanong ni Allen isang gabi matapos ang kanilang hapunan.
"Wala akong kaalaman sa mga bagay na ganyan kaibigan. Subalit mayroon akong kaalaman sa pagluluto ng mga pagkain ng mga tao rito," tugon ni Henry.
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Allen ang kausap, "Talaga? Maaari ko bang malaman kung paano nangyari ang bagay na iyon?" Sapagkat isa lamang siyang pulubi kaya naman paanong nagkaroon siya ng mga kaalaman.
Malungkot na ngumiti si Henry at nag-umpisang magkwento.
"Hindi ako lumaking dukha katulad ng iniisip mo. Noon, mayroong kaya ang aming pamilya at lahat ng naisin namin ay aming nakukuha. Apat kaming magkakapatid at nakatira sa malayong bayan mula rito. Dahil sa hilig ko sa mga pagkain ay inaral ko kung paano iyon lutuin at pasarapin. Inembento ko ang maraming istilo upang magkaroon ng masarap na pagkain. Dahil sa hindi nga kami salat sa yaman ay nasunod ang mga bagay na kinailangan ko. Kasiyahan para sa akin noon ang makitang masiglang kumakain ang aking pamilya dahil sa mga hinanda ko. Subalit ang mga pagkakataong iyon ay nagkaroon nang hangganan. Isang araw ay pinasok ang aming tahanan ng mga kawatan napaslang ang aking mga magulang at mga kapatid. Dahil hindi ako tuluyang minalas ay nagising ako na may sugat sa paa na galing sa tama ng baril. Mayroon din akong pasa sa mukha at bukol sa ulo. Marahil ay inisip ng mga kawatan na patay na kaming lahat kaya naman ay iniwanan na lamang kami doon. Sa isang tabi ay natagpuan ko ang mga labi ng aking pamilya at halos mabaliw ako sa matinding sakit at hinagpis. Sa isang iglap ay nawala sa akin ang lahat. Sobrang sakit noon sa akin. Inilibing ko sa likod ng aming tahanan ang aking pamilya at naglakbay ako na hirap na hirap upang makahanap ng gagamot sa akin. Subalit malas dahil walang tumulong isa man sa akin. Sa desperasyon ay tinanggal ko ang bala ng baril sa aking paa sa tulong ng isang punyal. Kailangan kong makalakad upang mabuhay. Upang matunton ang mga salarin sa pagpaslang sa aking pamilya. Subalit hindi ganuong kadali. Mula noon ay hindi na ako nakabalik sa aking tahanan. At hindi ko rin natagpuan ang mga salarin. Hanggang sa napadpad ako sa lugar na ito at dito na nga ako nagpalaboy-laboy. Walang pakialam sa lahat at walang patutunguhan. Sa kanilang mga mata ay isa akong baliw na pulubi subalit sa kabila ng lahat ay napanatili ko ang aking katinuan."
Pigil hininga at walang imik na nakinig si Allen sa buong kwento ng kaibigan.
"Masaklap pala ang nangyari saiyo kaibigan. Kung bibigyan ka ng pagkakataon ay hahanapin mo pa rin ba ang mga krimimal na iyon?"
"Oo naman! Papaslangin ko sila kagaya ng ginawa nila sa aking pamilya!" namumuhing sambit ni Henry.
Dahil doon ay nakapagpasya si Allen. "Kung ganuon ay magtayo tayo ng kainan. Ako ang bahala sa pangangailangan at ikaw naman sa pagluluto. Magtulungan tayo."
Hindi nga naglaon, nakapagpatayo sila ng maliit na kainan. May anim na lamesa na may tig-aapat na upuan ang nasa loob ng kainan. Ang kabilang panig ay ang lutuan. Magkatulong na inasikaso nina Allen at Henry ang kainan.
Naging bantog sila sa bayang iyon. Ang mga kayamanan ni Allen ay halos ipinondo niya roon upang maging mas malago at lumaki ang kanilang kainan. Doon ay nagpakilala ang dalawang lalake, sina Larry Han at Gerold Su. Sila ay mga binatang dukha rin at naghahanap ng mapapasukang trabaho. Dahil nga sa lumalaki nilang kainan ay nangangahulugang lumalaki din ang pangangailangan ng tauhan. Kaya naman tinanggap ni Allen ang dalawa upang maging serbidor at tagahugas. Naging maayos ang lahat.
Sa loob ng isang buong taon ay napalaki nila ang kainan dahil sa totoo ngang magaling si Henry sa larangan ng pagluluto. At hindi naglaon ay naging magkaibigan rin silang apat. Katunayan ay pinatira rin ni Allen ang dalawang tauhan sa kanilang tinutuluyan.
"Lumalago na ang iyong ipinundar. Wala ka bang balak magtayo ng mas malaking kainan?" tanong ni Henry kay Allen isang gabi ng sabado. Umiinum silang apat ng isang boteng alak sapagkat sarado naman ang kainan sa tuwing linggo. Binibigyan pa ring panahon ni Allen na makapagpahinga silang lahat buhat sa isang linggong matinding pagpapagod.
"Sa palagay niyo ba ay nararapat iyon?" nakangiting tanong niya.
"Aba oo naman Allen." tugon ni Larry Han. Masigasig rin ang kanyang pagtatrabaho upang masuklian niya rin ang libreng panunuluyan sa bahay ng amo na itinuring na rin siyang kaibigan.
Nakangiting tumango si Allen at nag-isip. Marahil nga ay magandang ideya iyon. "Ano ang iyong palagay, Rold?"
"Sang-ayon ako syempre! Basta ba huwag mo akong tatanggalan ng trabaho," tugon naman nito.
"Hahaha! Talagang hindi sapagkat maraming babae ang nahuhumaling sa kagandahang lalake mo!" Totoo iyon, malaking tulong sa kanya ang pagtatrabaho nito roon sapagkat maraming kadalagahan ang nakapansin sa kakaibang kagandahang lalake nito. Dahil doon ay maya't mayang kumakain doon ang maraming kababaihan o 'di kaya'y bumibili ng pagkain.
"Subalit kayong tatlo rin naman ay dinarayo ng mga babae dito, hindi niyo ba iyon nalalaman?" tanong ni Gerold.
Nagulat tuloy si Allen sa narinig. "Haha, huwag kang magbiro ng ganyan. Sa aking kapangitan ay walang magkakagusto!"
Binatukan siya ni Henry. "Sinong tampalasan ang nagsabing pangit ka? Ngayundin ay puputulan ko ng dila!"
"Masyado kang eksaherado! Nagsasabi lamang ako ng totoo. Hahaha." Sa palagay niya kasi ang mga taong hindi nakikita lamang ang maaaring magkagusto sa kanya.
Haha.
"Subalit narinig ka iyong mga usapan nila minsang maraanan ko ang kanilang mesa habang may dala akong mga pinggang hugasin. Sabi ni Hannah ay gusto ka raw ng kaibigan niyang si Maribel! Uyyy," panunudyo ni Gerold.
Namula ang mukha ni Allen. "Huwag kayong magbiro ng ganyan. Isa pa, masyadong maganda ang babaeng iyon para tudyuin mo sa akin."
"Ano ka ba naman! Ikaw nga iyong ginugusto niya eh!" sulsol ni Larry.
Natatawang napailing si Allen. Sa kalooban niya ay mayroong hindi matatawarang kalungkutan.
Hindi niya ninanais magkaroon ng karelasyon kaninuman. Nais niyang magbalik sa Tsina kapag nagkaroon ng pagkakataon. Doon niya pa rin ninanais magkaroon ng mapapangasawa. Kung bakit, ay hindi niya alam.
"Lasing na yata ako. Magpahinga na tayong lahat," wika na lamang niya.
"Pambihira ka naman pare eh," angal ni Henry.
Subalit hindi nito napigil ang kanyang pagtayo at pagpasok sa kanyang silid. Doon, sa harap ng salamin, buhat sa liwanag ng malamlam na lamparang nakapatong sa mesa ay hinubad niya ang kanyang kamiseta. Tumambad sa kanyang mga mata ang kumikinang na kuwintas.
Ang ala-ala ni Zeke na isang taong hindi nakikita. Ang karananasan niya tungkol sa lalake ay kailanman hindi mabubura sa kanyang kamalayan.
"Babalik ako sa tamang panahon upang muli kang makasama," mahinang wika niya kasabay ng paghaplos sa makinang na alahas.
Maganda na ang kanyang buhay subalit kataka-takang may malaking puwang ng kalungkutan sa kanyang kalooban.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...