Tahimik na binuksan ni Zeke ang envelope at inilabas ang mga papel na naroroon. May ilang mga larawan ding nakapaloob sa envelope at lahat iyon ay inilagay niya sa mesa. Isa-isang pinasadahan niya ng tingin at binasa ang mga nakasulat sa papeles.
Matamang pinagmasdan ni Lester ang bawat papel na nasa mesa. Hindi niya kailangang basahin pa ang mga iyon. Dahil sa kanyang photographic memory, tignan niya lamang ang bawat pahina ng papel ay kabisado niya na ang laman noon.
Kapwa sila tahimik ni Zeke habang nagbabasa ang huli at halos hindi naman humihinga ang kanyang Tito sa pag-aabang ng sasabihin ni Zeke.
Matapos mapag-aralan ang lahat ng papeles, isa-isa naman nilang pinasadahan ng tingin ang mga larawan. Hanggang dumako ang kanyang tingin sa pinakalumang larawan sa mesa. Itinuro niya iyon.
“May hawig kay ama ang taong ito,” bulong niya kay Zeke ng ituro ang lalake sa larawan. Apat na lalake ang naroroon at base sa pagkakapatong ng mga braso nila sa balikat ng isa't-isa, mahuhulaang magkakaibigan ang apat na kalalakihan.
“Zeke, wala ka bang sasabihin?" hindi nakatiis na tanong ng tiyuhin.
“Ehemm...ayon sa mga dokumento,” pinagmasdan ni Zeke ang kanyang Tito bago nagpatuloy, “Aubrey Han ang totoong pangalan ni Miss Aubrey at ang Chavez ay apelyido ng kanyang ina. Anak siya sa ibang babae ni Mr. Han at sekreto ang bagay na iyon subalit tinustusan ni Mr. Han ang pag-aaral at pagpapalaki kay Miss Aubrey ng palihim. Upang makabayad sa utang na loob sa ama, nagtrabaho si Miss Aubrey sa kompanyang ito ayon sa nais ni Mr. Han.”
“Si Miss Kathy King naman ay half-sister ni Mr. Han. Lumaki siya sa Italya at may dugong Italian subalit payak lamang ang pamumuhay. Naririto rin siya sa iyong kompanya ayon na rin sa kagustuhan ni Mr. Han. Kung ano ang plano ni Mr. Han, maaaring iyon ay upang isabotahe ang kompanya.”
Hindi siya nakatiis na hindi sumagot, “At ano ang rason upang isabotahe ang kompanya?! Maayos naman at tama ang kanilang mga sahod. Katunayan, ang Wang Industrial Company ay isa sa may pinakamataas na pagbibigay pasahod sa mga empliyado dito sa bansa!”
Hinilot ni Zeke ang kanyang sentido. Sumasakit ang ulo niya.
Sinulong ni Zeke ang lumang larawan sa mesa patungo sa harapan ng Tito niya at itinuro ang nasa gitna, “Ayon sa pananaliksik, ito ang ama ni Mr. Han.” Sunod niyang itinuro ang dalawang lalake sa gilid bago nagpatuloy sa paliwanag, "Ang dalawang lalakeng ito ay namatay sa isang aksidente. Katunayan ay magkakaibigan ang apat na lalakeng iyan at lahat sila ay naroroon sa nangyaring aksidente. Aksidente sa isang minahan ng ginto sa Russia. Subalit nakaligtas ang ama ni Mr. Han at ang lalakeng nasa kanyang tabi, siya ay si Mr. Chen Allen. Si Mr. Chen Allen ay nawala matapos siyang mailigtas sa aksidente. Ayon sa report na nakalap ng iyong imbestigador, hindi na natagpuan pa si Mr. Chen Allen. Kaya kung ano ang puno't dulo ng galit ni Mr. Han upang sakupin itong kompanya ay malabo. Hindi ko maintindihan ang kaugnayan sa iyo o baka naman dahil lamang sa pagkaganid at pagkagustong yumaman, hindi kaya Tito?”
Malalim na nag-isip si Zeke at Lester.
Kinuha naman ng Tito niya ang larawan at matamang tinitigan.
Wala sa loob na napabulong siya, “Kamukha talaga ni ama ang Mr. Chen na iyon.”
Kapwa sila nagulat nang ibagsak ng tiyuhin ang kamay sa mesa bago nagsalita, “Sino si Mr. Han?! Ano ang kaugnayan nila sa akin?” Madilim ang mukha ng matanda.
Nanahimik sa buong silid at lahat sila'y nag-iisip ng malalim.
“Zeke, sabihin mo kay Tito na tignan at halungkatin ang lahat na larawan niyang nakatago. Lalo iyong mga pinakaluma.”
Mukhang nahulaan din ni Zeke ang kanyang iniisip kaya sumang-ayon ang lalake.
“Tito, nais kong makita ang lahat na larawang iyong nakatago. Lalo ang mga pinakaluma.”
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...