Masakit ang katawan ni Lester kinabukasan. Pakiramdam niya ay nakipagsuntukan siya nang nagdaang gabi. Napakunot-noo siya ng hindi mahagilap ng kanyang kamay ang katabi at napabangon siyang bigla ng mapagtantong nag-iisa na lamang siya sa silid-tulugan.
"Nasaan kaya siya?"
Napatingin siya sa kanyang cellphone sa gilid ng kama, alas dyes na pala ng umaga. Tumalon siya sa kama at nagmadaling nagtungo sa banyo. Base sa hapdi ng kanyang pang-upo at balakang, nasisiguro niyang hindi panaginip ang naganap kagabi. Napatingin siya sa salamin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang maraming mapupulang nakamarka sa kanyang buong katawan. Napakagat-labi siya at wala sa sariling hinaplos ang mga markang iyon. Muli ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan. Bumalik sa kanyang ala-ala kung paano siya nagkaroon ng mga markang iyon, kung paano lamutakin ni Zeke ang kanyang balat.
Nagmadali siyang tumapat sa dutsa bago pa man tuluyang magising ang kanyang pagkalalake. Kailangan niyang maging mahinahon lalo pa't haharap siya sa kasintahan.
Ang problema niya ngayon ay ang susuutin. Maging ang mga braso niya kasi ay may marka. Alangan namang mag-suot siya ng kamisetang may mahabang manggas? Subalit may pagpipilian ba siya?
"Kung bakit naman kasi halos markahan niya ang buo kong katawan?"
Sinisisi niya nga ba si Zeke?
Pigil na pigil ang kanyang pagngiti ng maalala kung paano siya sambahin ng kaniig kagabi.
Kamisetang itim na may mahabang manggas ang napili niyang isuot at tinernuhan ng itim ding jogging pants. Huminga muna siya ng malakas bago nagkalakas-loob pihitin ang seradora ng pinto.
Bumungad kaagad sa kanya ang matinis na halakhak ng kasintahan. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang sinusundan ang kinaroroonan ng tinig. Naroon ang kasintahan sa cottage na nasa labas ng bahay. Nakasuot ito ng dilaw na maiksing bestida na halos lumuwa na ang dibdib at lantad ang mga hita. Naroon din ang tampalasang si Zeke at malawak ding nakangiti sa dalaga.
Tumataas na naman ang kanyang presyon!
Hindi niya alam kung dapat ba niyang lapitan ang dalawa o hayaan na lamang maglandian.
Akmang tatalikod na siya ng marinig niya ang tampalasang lalake, "Good morning Sir Lester, please come here and eat your breakfast."
Nangingislap ang mga matang nakatitig sa kanya ang lalake.
"Babe! Good morning!" Tumakbo palapit sa kanya si Aubrey at hinalikan siya sa mga labi. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sabi ni Zeke ay lasing na lasing ka daw kagabi kaya hinayaan ka naming huwag gisingin ng maaga." Hinaplos nito ang ulo niya, "Are you alright?"
"I'm fine. Medyo masakit lamang ang aking katawan." Huli na ng maisip ang pagkakamali sa sinabi, "Nahulog ako sa kama kagabi," nagkakamot sa ulong maagap niyang dugtong.
Nagsisinungaling na naman siya.
"Oh my goodness! Saan ang masakit sayo babe?!" akmang hahawakan siya ni Aubrey ng iniwas niya ang katawan at lumapit sa cottage.
"Masakit ang aking pang-upo." Gusto niyang isagot pero syempre hindi maaari iyon.
"I'm fine babe, masakit lamang ng kaunti ang aking balakang."
Oops! Mali pa din ang kanyang sagot! Narinig niya ang mahinang tawa ng tampalasang kaniig kagabi.
"I mean tumama kasi sa kanto ng kama ang aking balakang. Hindi ko matandaan ng husto basta masakit."
Sinamaan niya ng tingin ang natutuwang si Zeke sa mali-mali niyang sagot.
"Papaslangin kitang hayop ka! Makikita mo!" Kung nakamamatay ang tingin ay bumulagta na sana si Zeke sa buhanginan.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...