"Kumusta ang iyong pakiramdam?'' tanong ni Zeke matapos bumalik sa silid ni Lester. Hindi niya tuloy makuhang tignan ng maigi sa mata si Lester, pakiwari niya kasi'y mababaliw siya kapag tinititigan niya ito.
"Allen nga ang aking pangalan. Sobrang kulit mo naman. Tsaka hindi pa ba ako maaaring umalis sa lugar na ito? Marami kasi akong gustong malaman."
"At ano naman ang mga gusto mong malaman?" takang tanong ni Zeke.
"Marami. Katulad na lamang kung paanong kamukha mo ang lalakeng kilala ko dati. Subalit magkaiba naman kayo ng hitsura."
Napalunok siya matapos marinig ang tugon ni Allen. Este Lester pala. Nakakalito naman. "Bakit ano bang pagkakaiba namin? Kung mas makisig siya sa akin ay hindi ko iyon matatanggap," pabirong tugon niya.
Nakairap ng sumagot si Lester, "Talagang labis ang kakisigan niya, ang pinakamakisig na lalaking nakilala ko sa buong buhay ko!" pagmamalaki pa nito.
Ngali-ngaling pektusan niya si Lester sa noo kung hindi nga lamang nabagok ito eh sapagkat tila gusto niya ng magbagong-anyo upang masilayan nito ang Ezekiel na kilala niya maraming taon na ang lumipas.
Sa totoo lamang ay hindi siya mapakali sapagkat kung nagbabalik na nga si Allen, paano niya ipaliliwanag kung bakit si Lester ang iniibig niya ngayon??
Sobrang tagal na ng nagdaang panahon, bakit naman kasi aaanga-anga ang taong ito at palagi na lamang nadidisgrasya. Nabagok tuloy ang ulo niya at iyon sinapian na ni Allen.
Hindi kaya'y ninakaw lamang ng amang hari ang kaluluwa ni Allen at naglagalag lamang sa mundo hanggang sa muli itong makakita ng pagkakataong makapasok sa katawan ng isang tao??
Pero naman! Saan na napunta si Lester?? Isa pa, kung ganuon nga ang nangyari sa mga huling sandali ng pagsasama nila ni Allen, imposible ngayong maging lolo siya ni Lester hindi ba??
Ay anak ng tipaklong! Ano ba talaga ang kasagutan??
"Aray bwisit!'' hiyaw ni Zeke matapos siyang batuhin ni Lester ng boteng nangangalahati ng laman ng tubig.
"Gwapo ka nga pipi naman. Kanina pa ako nagsasalita dito tila naman wala akong kausap."
Paano niya nga ba maririnig ang mga sinasabi ni Lester gayong puno ang utak niya ng samu't-saring katanungang ni isa wala siyang makuhang kasagutan. "Ano bang tinatanong mo?"
"Sabi ko'y kung kaano-ano kita at ikaw lamang ang palagi kong nakikita? Kapamilya ba kita o kapatid? Asan ang asawa ko o di kaya'y mga anak?"
Natulala siya sa katanungang iyon. Gusto na talagang sapakin ni Zeke si Lester.
Ano, asawa daw?? Asawa pala ha.
Teka...
Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama ni Lester hanggang sa iilang dangkal na lamang ang pagitan nilang dalawa. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya inaalis ang pagkakatitig dito na kakikitaan mo ang mga mata niya ng pagtataka.
"Bakit ganyan ka kalapit..."
"Magpapakilala ako sayo..." Matapos iyon ay bigla niyang hinaklit sa batok si Lester at walang babalang inilapat niya ang mga labi nila na dahil sa pagkabigla ay naibuka ni Lester ang mga labi at walang maapuhap sabihin. Ni hindi niya nga nakuhang itulak man lamang palayo si Zeke.
Samantalang ang init na biglang lumukob kay Zeke ay umabot sa puntong halos durugin niya na ang mga labi ni Lester sa labis na pangungulila dito. Tila ba uhaw na uhaw siya sa labis na kasabikang ngayon lamang niya napakawalan.
"Hmmp! Hmp!' pilit na itinutulak ni Lester si Zeke sapagkat kinakapos na siya ng paghinga.
Sa kabila ng protesta ni Lester ay hindi makuhang bitawan ni Zeke ang mga labi nito hanggang sa maramdaman niya na lamang ang biglang pagkagat nito sa ibabang labi niya at nalasahan niya ang dugo na siyang nagpabitaw sa paghalik kay Lester.
"Nababaliw ka ba?? Bakit mo ako hinalikang tampalasan ka???!'' galit na hiyaw ni Lester kasabay ng mabilis na pag-unday ng mga kamay nito.
Sunod na lamang niyang namalayan ay nakabulagta na siya sa sahig!
"Nagtatanong ka hindi ba? Kung sino ako, ayan binigay ko na sayo ang kasagutan. Bakit ka nambabatok?! Lintik n a yan'' asar niyang tugon habang tumatayo mula sa pagkakahiga sa sahig.
"Ang ibig mo bang sabihin...???" nakadurong tanong ni Lester sa kanya na hindi makuhang ituloy ang katanungan sapagkat marahil ay hindi ito makapaniwala sa naririnig.
Maya-maya pa'y pinagsasampal nito ang sariling mukha na para bagang ginigising ang sarili mula sa isang bangungot.
"Magtigil kang buang ka! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo??!!" Hindi magkandaugaga si Zeke sa paghuli ng mga kamay ni Lester na walang humpay sa pagsapak sa sariling mukha hanggang sa pwersahan niya itong mahawakan sa magkabilang braso at matiim na tinitigan sa mukha.
Tama! Siya si Lester at ibabalik niya sa dati ang katipang tila ngayon ay nawawala sa sariling katinuan!
"Makinig kang mabuti sa akin Lester, mahal ko. Ikaw at ako ay magkasintahan at kung ikaw man si Allen ayon sa iyong natatandaan, tama ka. Ako ang iyong prinsipe..."
Nakatitig lamang na nakatulala sa kanya si Lester habang nakikinig sa mga sinasabi niya na pakiwari niya'y hindi naman rumirihestro sa kukute nito ang bawat salitang lumalabas sa mga labi niya.
"Pagmasdan mo akong maigi..." kasabay ng mga salitang binibitawan niya ay ang paghila niya ng marahan sa mga kamay nito at inihaplos niya sa kanyang mukha. "Sino ako? Pakinggan mo ang tibok ng iyong puso..."
Na sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay naroon ang piping kahilingan na makilala siya ni Lester. Bilang si Ezekiel sa kapanahunan sapagkat nais niyang makalimutan nito ang masalimuot na pangyayaring nakabalot sa katauhan ni Allen.
Nagagalak siyang malaman ang pagbabalik ni Allen subalit hindi niya gugustuhing nakawin nito ang relasyong mayroon siya kay Lester. Sa marami nilang pinagdaanan ay baka mabaliw na rin siya sa kabila ng pagiging engkanto niya kapag ang lalaking labis niyang minamahal ngayon at pinag-aalayan ng kanyang buhay ay bigla na lamang maglaho ng walang natitirang anumang bakas.
Hindi! Hindi ko iyon matatanggap!
"Zeke..."
Sinabunutan ni Lester ang kanyang ulo habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalang "Zeke" habang tila nilalabanan nito ang samu't-saring mga imaheng nakalarawan sa sariling utak.
At sa nakita ni Zeke na reaksiyon ni Lester ay nataranta siyang bigla kasabay ng mabilis niyang paglalaho sa silid at kisapmata lamang ay bumalik siya sa kinatatayuan kasama ang doctor na nagulat sa biglaang pagbabago ng kanyang kapaligiran. At bago pa magulat ang doctor ay mabilis na siyang hinaklit sa mga braso ni Zeke palapit sa ngayo'y humihiyaw ng si Lester sa tindi ng sakit ng ulo.
"Doctor, parang-awa mo na tulungan mo si Lester"
"OO" Mabilis namang kumilos ang doctor. May kinuha itong isang botelya mula sa bulsa ng kanyang puting uniporme kasabay ng pag-utos, "Hawakan mo siyang maigi tuturukan ko siya ng pampakalma."
Walang sinayang na sandali si Zeke. Bigla na lamang may pumulupot na kulay gintong sinulid sa katawan ni Lester na nagpatigil dito sa paggalaw.
Muntik ng himatayin ang doctor sa nasaksihan kundi nga lamang sininghalan niya ito.
"Doc! Ngayon na!" hiyaw niyang natataranta sapagkat hindi maaaring magtagal ang kapangyarihang nakabalot kay Lester kundi malalagot siya kapag napukaw ng kapangyarihan niya ang kyuryusidad ng iba pang kauri niya na maaaring nasa paligid lamang o nasa loob rin ng hospital.
Halos maihi sa pagkataranta ang doctor at halos hindi niya rin maiturok ng maayos ang heringgilya kaya naman walang kaabog-abog na hinawakan ito ni Zeke sa mga braso upang kumalma.
Matapos maiturok ang pampakalma ay mabilis na bumigat ang mga talukap ni Lester hanggang sa pumikit ito.
"Doc, may damage po ba ang utak ni Lester? Bakit ibang katauhan ang naaalala niya?''
Sa tanong niyang iyon saka pa lamang naalala ng doctor ang kanina pang gustong itanong. "Paano ako napunta bigla dito?? Ang tanda ko'y naroon ako sa kasilyas kanina at tumatae!!"
Saka pa lamang napansin ni Zeke na nasa ibaba pala ang suot na panloob na pantalon ng doctor.
Mabuti na lamang mahaba ang suot nitong puting uniporme. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...